Pabalik-balik ang mga yapak ni LV sa labas ng emergency room ng hospital. Ang mga bagsak noon ay walang kasiguraduhan dahil tuliro pa rin ang kanyang isipan ng mga sandaling iyon at hindi rin siya matigil sa isang tabi upang bahagyang kalmahin ang kanyang sarili. Nang dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ng araw na iyon ay lalo pang naging lutang ang kanyang pakiramdam sa mga oras na iyon. Puno ng pagsisisi ang kanyang sistema kung bakit pa siya uminom ng alak ng nagdaang gabi. Hindi niya tuloy na-protektahan ang kanyang kasintahan ngayon at ang walang kamuwang-muwang nilang pinakaunang anak sana ng kanyang nobya. Nakalarawan ang labis na pag-aalala sa kanyang mga mata na ngayon ay hilam na hilam pa rin sa malungkot niyang mga luha, hindi niya mapigilan ang labas ng mga iyon na dulot n

