Halos ay umabot ng isa at kalahating araw pa ang lumipas bago tuluyang magising at muling magkaroon ng malay si Chanel. Nabungaran ng kanyang mga mata ang nobyo na mahimbing na natutulog sa gilid ng kanyang kama. Mahigpit nitong hawak ang kanyang isang palad na mayroong kabit na swero. Palaisipan pa sa kanyang asul na mga mata kung nasaan siya ng mga sandaling iyon. Ilang minuto pa ang lumipas bago bumalik sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari bago niya ipikit ang mga mata niya. Hindi kababakasan ng kahit na anong pag-aalala ang mga mata niyang iyon, siguro dahil ang buong akala niya ay normal lang na magising siya na nasa silid ng hospital. “B-Baby...” mahina niyang tawag kay LV na sa mga sandaling iyon ay humihilik pa rin, ngalumata ito at halatang kulang ang tulog, “Vans...” mulin

