Malungkot na nakatanaw sa mga gumagalaw at dinadaanan nilang mga ulap ang malungkot na dalawang pares na mga mata ni Chanel. Namumuo pa rin ang kanyang mga luha sa mga oras na iyon. Bitbit pa rin niya ang sakit, nasa sistema niya pa rin ito at hindi pa rin iyon nawawala sa kanyang katawan kahit na anong pilit niyang gawin. Hindi makalma ang kanyang damdamin, ganun at ganun pa rin. Magkatabing lulan na silang dalawa ni LV ng eroplano na patungong Malaysia, tumatandang tanghali na iyon at kahit na masakit pa rin ang mga mata ay nakatutok lang iyon sa mga ulap. Lumilipad ang buong isipan ni Chanel na patungo sa kabilang dako pa roon ng ibayo. Pagka-discharge niya sa hospital ng araw na iyon ay hindi siya pumayag na hindi na umalis ng bansa. Iginiit niya kay LV na kaya niya ng magbiyahe kahit

