Ilang minuto ng pabalik-balik ang lakad ni Chanel sa harapan ng unit ni LV, nakailang doorbell na rin siya ngunit walang nagbubukas sa kanya ng pintuan. Kung anu-anong bagay na ang sumasagi sa kanyang isipan na maaaring nangyari kay LV, at ang mga kadalasan sa pangyayaring iyon ay masalimuot at hindi katanggap-tanggap sa isipan. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan, hindi siya sanay na lamunin ng ganung klaseng pag-aalala. Nakailang buntong-hininga na siya, ipinalagay niyang hindi lang nito naririnig ang kanyang pag-doorbell. Pinipilit niyang kina-kalma ang kanyang sarili kahit na kung anong masamang haka-haka na ang patuloy na umuukilkil sa kanyang magulong isipan. “Marahil ay nakatulog siya.” bulong pa ni Chanel sa kanyang sarili, habang patuloy na lumalim ang kanyang paghinga, hindi n

