Malawak ang mga ngiti sa labi ni Chanel habang iginagala niya ang kanyang mga mata sa kabuohan ng lugar. Manghang-mangha iyon sa kapaligiran na halatang bago sa kanyang paningin. Hindi niya maiwasang hangaan pa ang mga ganung klase ng lugar na minsan lang niyang marating. Mabibikang sa kanyang mga daliri kung ilang beses siya doong nakapasyal. At dahil sa nature ng kanyang trabaho ay mga sikat na pasyalan lang ang madalas nilang napupuntahan kaama ng kanyang mga magulang. Hindi sumagi sa kanyang isipan na may ganung klase pa pala ng mga pasyalan na maaaring puntahan at bisitahin upang hanapin ang iyong sarili. Mga lugar kung saan ay mas lalo mo pang makikilala ang iyong katauhan at mas mapapalapit ka sa mga taong hindi mo inaasahan. Magkatulong na idini-diskarga ng taxi driver at ni LV

