Malamig ang ihip ng gabing iyon ng hangin na pumapasok sa bukas na bintana ng silid. Malamlam ang liwanag ng ilaw na yumayakap sa kabuohan ng hubad na silid, at walang humpay na ipinapakita noon ang dalawang bulto ng katawan na walang saplot at magkaulayaw sa kama na nasa gitnang bahagi ng silid. Ang magandang hubog ng katawan ng babae ay nasa ibabaw ng lalaki na walang tigil sa kanyang mabagal na pagsasayaw. May mahinang musika na pumapailanlang sa maliit na speaker na nasa malayong lamesa. Ang lapat ng kanilang mga labi sa bawat isa ay animo halik ng mga bituin sa langit na ang tanging saksi ay ang maliwanag na buwan. Alas-dos na ng madaling araw iyon ang sinasabi ng kamay ng orasan na walang tigil sa maingay niyang paggalaw kagaya ng kanilang mga anino sa pader. Sinasabayan iyon ng mahi

