Isang buwan pa ang matuling lumipas magmula nang uminom silang apat sa labas nang magpasya at mapag-usapan nilang magtungo sa Genting Highlands. Hindi para mag-camping kung hindi para mamasyal lang doon. Hindi pa sumisikat ang araw ay convoy na ang kanilang mga sasakyan na binabagtas ang paliko-liko at paakyat na daan patungo sa nasabing ng lugar. Kung ikukumpara ito sa isang lugar na matatagpuan lang sa Pilipinas ay masasabing ito ay parang ito ang mas pinalaki at mas develope na Baguio City nang dahil sa malamig na klima sa bandang iyon ng bansa na mayroong kataasang lugar. Si LV at Andrius ang kapwa may hawak ng manibela ng kanilang sasakyan dala, at tutal si Andrius ang may alam ng daan na patungo sa lugar na iyon kung kaya naman sila ang nauuna at matamang sinusundan ng sasakyang kina

