Pagkatapos nilang mag-almusal na kasabay ng unti-unting pagsikat ng haring araw sa kalangitan ay magkatulong nilang tinanggal ang tent na kanilang itinayo sa bandang iyon nang nagdaang hapon. Magkahawak ng kamay na silang pumasok sa silid ng town house na kanilang inuukopa at nirentahan para sa kanilang mga gamit, magkatulong nilang inayos ang kanilang mga gamit upang maghanda na sa kanilang pag-alis after lunch. Iyon ang oras na napag-usapan nilang susunduin sila ng taxi driver na naghatid sa kanila nang nagdaang araw sa lugar. Although alas-kwatro pa naman ang oras ng kanilang flight pabalik ng Malaysia ay minabuti nilang maagang magpasundo sa dalawang dahilan. Una ay nais nilang mamili ng ilang mga souviners na matatagpuan sa mga stall ng mismong airport at pangalawa ay dadaan sila sa r

