Naalimpungatan si LV bandang alas-kwatro ng madaling araw, halos isang oras niyang tinitigan ang mukha ni Chanel na mahimbing pa ‘ring natutulog. Mababaw ang hinga nito, nakayakap sa kanyang isang braso na nakayap sa katawan ng aktres. Payapa ang kanyang mukha, maamong mukha ng babaeng hindi inaasahan ni LV na kanyang labis na mamahalin. Hindi pa rin siya makapaniwala na pag-aari niya na ang aktres magmula sa araw na iyon. Sa kanya na ang puso nito, ang katawan nito at maging ang pagmamahal nito ay sa kanya na. Hindi niya tuloy maiwasan na balikan ang kanilang mga nakaraang dalawa na nag-umpisa sa pagiging magka-trabaho, magkaibigan, hanggang sa nasangkot silang dalawa sa isang eskandalong nagpabagsak sa kanilang matayog na mga karera. Ganunpaman ay walang pinagsisisihan si LV na nakadikit

