Isang linggo ang matuling lumipas magmula nang mag-camping ang dalawa sa Brunei. At isang linggo na rin ang dumadaan at hindi pa rin nakakabalik si Andrius mula sa Thailand, kung kaya naman ay naging malaya ang dalawa na mamasyal at gawin ang nais nila habang wala pa ito sa bansa. Napuntahan na nila ang mga pasyalan na malapit lang sa lugar. Malayang nakakatambay sa Desa Park City, at nakapagbigay pa ng oras na mas maging close silang dalawa. Ganunpaman ay continuous ang communication nila sa kanya na malabo ang palaging rason kung bakit hindi pa ito bumabalik ng Malaysia. Hindi na lang nila paulit-ulit na kinulit dahil alam nilang wala rin naman silang matinong makukuhang rason kay Andrius na malabong kausap. Panay gawa lang nito ng alibi na pang-teenager na tinatawanan na lang ng magkasi

