Kasabay nang marahang pagliliwanag ng kalangitan at unti-unting pagkatanggal ng mga ulap na yumayakap at nakatakip sa pingi ng magandang tanawin ay siya ‘ring pagtanggal ng bawat saplot sa katawan nina Chanel at LV habang magkahinang pa rin ang lalo pang nagngangalit sa apoy nilang mga labi. Palalim iyon nang palalim na kagaya lang ng mga haplos ng kanilang mga palad sa katawan ng bawat isa na lalo pang sumisindi sa ningas ng apoy na nilulukob at nagmula pa sa kaibuturan ng kanilang katauhan. Kapwang sarado at nakapikit ang kanilang mga mata, habang patuloy sa paggalaw ang kanilang mga dila at labi na animo gutom na gutom at uhaw na uhaw sa tintawag na hilaw na laman. Ninanamnam ang bawat sandaling iyon na alam nilang sa kanila lang, sila ang nagmamay-ari ng bawat minutong iyon na patuloy

