Pagdating nila ng Kota Kinabalu International Airport ay makulimlim pa rin ang kalangitan. Hindi nagbago ang hitsura ng langit sa bansang kanilang iniwan sa bansang ngayon ay kanilang kinaroroonan. Bago sila umalis ng Malaysia kanina ay nag-book na si LV ng taxi na sasakyan nila mula Kota Kinabalau International Airport na patungo sa kanilang destinasyon at maging ng available room sa kanilang pupuntahan upang paglagyan ng importanteng mga gamit. Aabot ng dalawang oras ang kanilang magiging biyahe patungo doon, depende pa iyon sa traffic na kanilang madadaanan kung sakali habang patungo sa lugar. Ilang beses nang sinulyapan nang may kahulugan ni LV si Chanel na nakatayo lang sa kanyang gilid. Mga sulyap na nag-uutos sa aktres na pumasok na sa loob ng taxi at huwag ng makialam pa sa kanilan

