Shaynne's POV Day 1 Seryoso pa rin siang nakatingin sa akin habang sinabi iyon. Kilala ko ang tinutukoy niya, si Lance. Hindi malabong nakita niya ang reaksyon ni Lance ng makita ako at posible ding nakita niya ang reaksyon ko. Black has a very sharp eyes, lahat napapansin niya. "Don't worry about him," tanging saad ko na lang sa kaniya. Pumunta na ako sa harap ng Vanity mirror ko at sinumulan nang suotin ang wig na ibigay niya sa akin. Tama nga ang hinala ko, hanggang baywang ang haba nito. "I'm not worried about him, Red. I'm worried about you." Muli akong napalingon kay Black na nakaupo na ng tuwid sa kama ko. Napaisip naman ako dahil sa totoo lang ay maari akong isumbong ni Lance sa awtoridad. Alam kong iyon ang dapat gawin ni Lance dahil trabaho niya iyon, pero umaasa akong katula

