Shaynne's POV "Can we stop, we've been walking for so long. Ang sakit na ng paa ko!" reklamo ko sa kaniya. Ilang oras na ata kaming naglalakad at hinahanap ang daan pabalik. Wala kaming dala na cellphone, tanging ang suot ko lang na bracelet na ginawa ni White. Hindi ko alam kung gumagana pa ito kasi hindi na ito umiilaw kapag pinipindot ko. Nilalamig na rin ako dahil sa basang damit ko. Naiwan naman ni Lance ang cellphone niya sa kotse na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin natatanaw. "Stop complaining at maglakad ka na lang," saad niya saka nagsimula na namang maglakad. Dahil nakaposas ang magkabilang kamay namin ay nahila ako papunta sa kaniya. Nananakit na ang palapulsuhan ko at namamanhid na ang braso ko kung saan natamaan ng bala. "We've been walking around pero wala pa tayong

