Shaynne's POV Sumalubong ulit sa akin ang makukulay na ilaw at malakas na musika. Maamoy din sa paligid ang amoy ng alak at yosi. Hinarang ako ng bouncer at hiningi ang ID ko. Saglit pa itong napatitig sa akin mula ulo hanggang paa kaya naman ibinalandra ko ang hita ko sa kaniya bago kinuha ang fake ID ko. "Here," saad ko at ibinigay sa kaniya ang ID. Gaya ng inaasahan ko ay napatingin roon at napalunok. Pero natauhan lang siya ng dumating ang isa niyang kasama. Masasabi kong hindi ito tulad nong unang bar na pinuntahan namin para hanapin si Dela Cruz. Mas seryoso ang bouncer na bagong dating kaysa sa una. Seryoso lang nitong tinitingnan ang ID ko bago ito ibinalik sa akin. "Thank you," malambing na sabi ko at kinindatan siya bago tuluyang pumasok. Inilibot ko agad ang paningin ko at nag

