Shaynne's POV Nagbayad na kami pagkatapos magpa-ayos ng buhok. Palabas na sana kami ng mall nang makatanggap kami ng tawag mula sa hideout. Naging successful ang pagkuha ng loob ni White kay Franco Dela Cruz. Ngayon ay kasama na siya sa strategy team bilang isang private IT ni Franco. He already have access in Dela Cruz private server. Agad kaming nagmadali papuntang sasakyan para makauwi na sana. Nagpaalam muna ako na gagamit ng banyo bago makalabas ng mall. Sumama naman sa akin si Violet habang ihahanda ni Aqua ang sasakyan namin. Habang papunta kami sa banyo ay naramdaman kong may nakamasid sa amin. Kaya pinauna ko muna si Violet sa loob at tiningnan ang paligid. Wala namang tao roon nang tingnan ko kaya naman naisipan kong pumasok na sa loob. Ngunit hindi pa man ako nakapasok ay m

