Shaynne's POV Nagising ako sa hindi pamilyar na kuwarto. Agad akong bumangon at sinuri ang paligid. Pamilyar ang amoy ng kuwarto na para bang naamoy ko ito noon pa. Tiningnan ko ang sarili at nakitang nakasuot lang ako ng malaking T-shirt at walang kahit ano na sapin sa loob. "What the?" usal ko sa sarili at agad na umalis ng kama. May mga malinis na rin na band-aid at bandage na rin ang mga sugat at pasa ko. Kahit ang daliri ko ay nakabenda na rin sa kamay ko. Mabuti na lang at malaki ang t-shirt, umabot ito hanggang itaas ng tuhod ko. Inilibot ko muli ang tingin ko sa kuwarto ko. Malinis ito at pinaghalong itim, abo at puti ang kulay ng silid. May sofa rin sa kabilang bahagi ng kama na may maliit mesa sa harap. May maliit na study table din sa tabi ng kama at ang kama naman ay malaki

