Third Person's POV Ilang beses na tinawag ni Violet ang pansin ni Red na sa ngayon ay kasalukuyang nagsisigaw sa hallway ng bahay at hinahanap ang propesor. At dahil hindi pa siya pamilyar rito ay sinubukan niyang hanapin si Black. Sa isip ni Red ay bakit hindi siya sinabihan ni Black tungkol sa pumanaw na abogado. "Black!" sigaw ni Red sa tahimik na hallway. Hindi alam ni Violet na magiging ganito ang reaksyon ni Red. Sa pagkakaalam ng lahat ay si Red ang may dahilan kung bakit pumanaw ang abogado. Lumabas naman si Black sa kaniya silid ng marinig niya ang pangalan niya. Nakita niya ang hindi mapakaling si Red na binubuksan ang bawat pinto ng bahay. "What's the matter?" tanong ni Black. Agad na napatingin si Red dito at lumapit sa kaniya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ni R

