Lance's POV Nakatulala pa rin ako sa bintana kung saan sila lumabas para tumakas hanggang sa makarating na ang mga kasamahan ko at ibang pulis. Hawak-hawak ko pa rin ang bata na binilin sa akin ni Shaynne. Kalmado na ito kaya hindi ko na siya pinapasok sa silid ng magulang niya no'ng sinilip ko ang lagay ng mga ito. Wala naman silang malalang natamo pero nawalan ito ng mga malay. "Ano'ng nangyari, nasaan sila?" agad na tanong ng chief nang makarating sila sa puwesto ko. Sumaludo muna ako bilang pagbati lalo na ng makita ko ang direktor na papalapit din sa amin. Napapadalas na ang bisita ng director sa opisina namin at madalas na rin siyang nangunguna sa kaso na hindi magawa ng chief namin. "Nakatakas po sila, Sir," saad ko at saka ibinaling ang atensiyon sa batang nagtatago sa likod k

