(*Alexie Balbuena*) "W-why are you c-crying?" Pakiramdam ko nanginig ang boses ko ng tanungin ko siya... Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng pagkahabag para sa kanya... Bakit siya nagkakaganito? Kanina lang ay okey naman siya at kitang kita kong masayang masaya siya sa buong maghapon... Humuhuni pa nga ito kanina ng utusan kong maligo na habang naghahanda ako ng hapunan namin.. Medyo nauna kase akong umuwi kesa sa kanya na talagang tinapos ang pagtulong sa paghahakot ng mga pakwan.. Nakisuyo nga rin ako kay nana Clara na ibili ito ng mga ilang mga gamit, tulad ng mga damit at gamit pang paligo dahil puro pambabae lamang ang nasa banyo.. "I'm...i'm just happy b-babe.. Finally after 7 long years I-'ve waited... Y-you're here again with me.. Pagkatap

