(*Alexie Balbuena*) Dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako nakahuma sa kanyang pag atake sa aking mga labi... Ang mga labi nya ay marahang humahagod sa aking bibig... Naramdaman ko rin ang dila nyang nanunudyo sa nakapinid ko pang bibig. Nanlalaki ang aking mga matang tinitigan sya habang walang habas parin ito sa paghagod sa aking mga labi.. Nakapikit lamang ito habang patuloy parin ang masuyo nitong pag angkin sa aking mga labi.. Ang dila nito ay patuloy lamang sa tila pagkatok sa nakapinid ko paring mga labi.. Tila ba ito'y nang aanyaya at nakikiusap na pagbuksan ko, kaya naman kusang umawang ang mga labi ko kasabay ng pag angat ng mga braso ko paikot sa kanyang leeg... Napapikit ang aking mga mata nang maramdaman ko na naging masidhi ang pag angkin nito sa aking mga labi. He's m

