Lilith's Point Of Views "Pamilya? Tirahan?" Pag uulit ng babaeng kaharap ko. Rinig ko ang pag hahalo ng boses niya na para bang naging malalim na ito at hindi galing sa kaniya. Nanatili siyang naka yuko at hindi ko na kikita ang ekspresyon niya. Hindi nag tagal, nag simulang umalingawngaw ang malalakas at nakaka rinding mga tawa ng babaeng kaharap ko. "WALA AKONG PAMILYA! MATAGAL NA SILANG WALA! HINDI MO MATA TAWAG NA TIRAHAN ANG ISANG MANSYON NA WALANG LAMAN!" Malakas na sigaw naka tatanda kong kapatid na si Amy. Tila bumigat ang presensya at atmospera sa paligid. Kita ko ang unti unting pag bitak ng lupa dahil sa mabigat na tensyon na namumuo ngayon sa pagitan naming dalawa. Agad akong napa ismid at inilahad ang kaliwa kong kamay para senyasan ang mga nasa likod ko. Ang mortal at an

