Lilith's Point Of Views Walang buhay ang mga mata ko nang tinapunan ko ng tingin si Amy. Wala sa sariling lumabas ang mga katagang 'yon sa bibig ko. "Ang dahilan kung bakit ayaw mo sa akin..." Mahina at may tono kong sambit. "AY DAHIL PAREHO TAYO, HINDI BA, AMY!?" Malakas na pag kaka sigaw ko. Unti unting na milog ang mga mata ng babaeng kaharap ko sa narinig. Kita ko ang pag babago ng ekspresyon niya sa mukha na halo halong emosyon pero nangingibabaw ang galit. "WAG MO KONG ITULAD SA 'YO!" Malakas na sagot niya. Tanging pag ismid ang nagawa ko nang marinig ko ang sagot niya sa akin. Mas lalong dumiin ang pag kaka sara ng kamao ko. Ayaw niya lang aminin... pero alam kong gano'n din ang nararamdaman niya. Pareho kaming tinapon... pina tapon ng maha halagang tao sa amin. Pareho kaming

