“AMELIA GRACE HIDALGO POV”
KUMATOK Naman ako kaagad sa harap ng pintoan Niya. Kinakabahan ako pero Hindi pwedeng Hindi ako maka uwi ngayon sa pilipinas dahil Kailangan ako ng Mommy at Daddy ko.
“Pasok” wika Naman ni Gio, binuksan ko Naman kaagad ito at napalunok na lamang ako ng Makita ko si Eivon na naka upo sa lap ni Gio.
Di Naman makatingin Sakin ng diretso si Gio, bumuntong hininga na lamang ako at ikinuyom Ang kamao. Nasasaktan man ay Wala na akong pakealam Kailangan ko munang unahin Ang problema ko kesa problemahin itong dalawang hay*p na ito.
“What’s bring you here?” nakangiti namang wika Sakin ni Eivon.
Tinarayan ko Naman ito at di sinagot, kita ko Naman sa Mukha Niya na naiinis siya sa paraan nag pagtaray ko sakaniya. Hindi niya lang mailabas Ang kademonyahan Niya dahil andito si Gio at Kasama namin siya.
“ Mag reresign na ako” Wala ng intro intro agad ko namang inilapag Ang resignation paper ko. Di Naman makapaniwala si Gio sa Nakita niya kaya bumulong Naman siya Kay Eivon.
Ayaw pa sana niyang umalis sa ibabaw ng lalaking ito ngunit Wala Naman siyang nagawa at lumabas Naman kaagad siya.
“ Ano bang naisip mo Amelia!” Galit na wika agad ni Gio. Inayos Naman Niya Ang kaniyang neck tie at bumuntong hininga naman siya.
“Kailangan Kong maka uwi sa pilipinas dahil may stage 2 cancer si mommy. Hindi pwede na manatili lang ako Dito Wala ng matinong tulog Ang daddy ko. ” naiiyak ko namang wika.
Tumayo Naman siya at yayakapin Niya sana ako ngunit agad ko Naman siyang Pinigilan.
“Wag mo ng subukan na yakapin ako, kakapit Sakin Ang bagho ng babaeng ’yon” inis ko namang wika sakaniya.
Bumuga Naman siya ng hangin at umupo na ulit siya sa kaniyang swivel chair. “Hindi pwede na mag resign ka sa company ko” seryuso Naman niyang wika sakin habang naka upo.
Napapikit Naman ako dahil sa sobrang inis. “Marami ka pang makikita na kapalit ko Gio, Kailangan kong maka uwi sa ayaw at sa gusto mo uuwi ako at mag reresign ako!”
“Calm down” Mahinahon niyang wika sakin at agad Naman Niya akong Pina upo muna, kumuha Naman siya ng tubig at ibinigay naman Niya kaagad Sakin ito.
“Salamat” wika ko na lamang at agad na ininom ito ng walang pag aalinlangan.
“ Hindi ko pepermahan Ang resignation letter mo—” wika Niya, tiningnan ko Naman siya ng masama. “Ngunit bibigyan kita ng 3 months na pananatili sa pilipinas. Sa loob ng 3 months na iyon ay may importanteng lakad din ako doon kaya sasamahan mo ako doon, itatayo ko din Ang G company sa pilipinas at Kailangan kita”
Napa isip Naman ako ng matagal, mas maigi na siguro ito dahil Kailangan ko din ng trabaho. May business Naman ako pero Hindi ko parin iyon maasahan.
“S-sige, bukas na bukas ay uuwi kaagad ako. Mag papasundo na lamang ako gamit Ang private jet nila Beatrice at Angelo”
“No, sumabay ka nalang sakin” napapikit Naman ako dahil nambubwesit talaga Ang lalaki na ito.
“Alam mo, Hindi ko talaga naiintindihan kung may sira ka ba sa ulo mo. Gio, may Asawa kana—be sensitive naman” Galit na wika ko at agad ng tumayo.
Di ko na hinintay ang sasabihin niya, sakto Naman at Papasok na sana Si Rean at nabangga ko Naman ito.
“ Aray” wika ko Naman at napatingala Naman kaagad ako.
“Anong nangyayari sa'yo banas na banas ka?” natatawa Naman niyang wika sakin.
“Aalis na muna ako Rean uuwi muna ako ng pilipinas”
Nabigla Naman siya ng dahil sa sinabi ko. “Bakit Naman? Pinermahan ba ni boss Ang resignation letter mo? Tutulungan kitang mapabalik dito”
Umiling Naman kaagad ako. “Hindi Naman ako nag resign, doon muna ako dahil mag papatayo din Naman si Boss ng G company doon.”
Tatango tango Naman kaagad si Rean, aalis na sana ako ng bigla namang dumating si Eivon na may Dala dalang cake.
“Excuse me, Ang laki ng space tapos sa pintoan pa talaga kayo nag uusap!” inis Naman niyang wika sakin.
Tiningnan ko Naman siya ng masama. “Pasensya na Miss Eivon” sambit Naman ni Rean.
Di Naman siya sinagot ni Eivon at dire diretso lamang itong nag lakad papasok sa loob.
“Ang maldita talaga ni Miss Eivon, nag kukunwari lang siyang mabait sa harapan ni boss pero sobrang demonyita yan” natatawa namang wika ni Rean ng Sumunod siya Sakin Papasok sa loob ng office ko.
“Di Naman uubra Sakin Ang kamalditahan Niya, baka nga gagawin ko pa siyang clown sa harapan ko. ” agad Naman akong inakbayan ni Rean at ginulo Ang buhok ko.
“Kaya kita gusto e” wika Naman Niya na nag patigil Sakin sa paglalakad.
“Anong Sabi mo?” Tanong ko Naman Dito, bigla Naman siyang bumalik sa katinuan at napakamot sa ulo Niya.
“Psh, Wag mo na iyong isipin Tara na tutulungan na kitang mag impake” wika Naman Niya Sakin at nag mamadali Naman siyang pumasok sa loob ng office ko.
Iiling iling na lamang ako at pumasok na din ako sa loob, nag kekwentuhan Naman kaming dalawa ng kung ano ano at bigla ko namang naalala na galing nga pala si Rean sa loob ng apartment ni Hazel kagabi kaya napangisi Naman ako at tumingin Dito
“ Nga pala Anong nangyari sa inyo ni Hazel?” napatigil Naman siya at di na tumingin sa gawi ko.
“Hoy, sagutin mo ako!” wika ko Naman Dito.
“Wala, hinatid ko lang Siya at dahil nga lasing na ako ay Nakatulog na lamang ako sa sofa” tatango tango naman ako, di ito makatingin Sakin habang sinasabi Ang mga nangyayari kaya alam ko na nag sisinungaling Ang isang ’to.
NANG matapos na kaming dalawa ay agad Naman akong napatingin sa mga naka box na mga gamit ko.
“Hays, biglaan lang talaga Ang pangyayari. Makikita ko na ulit Ang pilipinas” nakangiti ko namang wika.
“Iiwan mo na talaga ko? Este Ang New York?” sambit Naman Niya Sakin kaya natawa na lamang ako.
“3 months lang Naman, nga pala habang Wala ako Dito pakibantayan Naman Ang mga friend ko na mga pinay.”
Kunot noo Niya naman akong tinitigan. “ Bakit ko Naman gagawin iyon? Mga malalaki na yan Sila kaya na nila Ang Sarili nila” wika Naman Niya Sakin kaya napakamot na lamang ako sa ulo ko.
“Ah Basta, Bantayan mo na lamang Sila. For sure matutuwa ka pag makikilala mo Sila ng husto di Naman Sila ganun Kasama”
“Wala Naman akong sinabi na masama Sila, Ang akin lang puro babae Kasi Ang mga iyon baka Wala ng lalapit Sakin na mga magaganda pag lagi ko Silang kasama” sambit Naman Niya Sakin kaya iiling iling na lamang ako.
Niyaya ko Naman kaagad siya na samahan ako papunta sa Apartment ko. Masaya Naman siyang pumayag, nag patulong Naman ako sa ibang staff na ihatid Ang mga gamit ko patungo sa apartment.
“Mauna kana sa apartment ko Rean, susunod na lamang ako dahil kukunin ko pa iyong ibang gamit ko” wika ko Naman at tumango naman ito kaagad Sakin.
Dali dali Naman akong bumalik sa loob, Hindi paman ako nakapasok ng tuluyan sa loob ng company ay Nakita ko Naman si Gio at Eivon na parang nag babangayan. Bigla namang nag activate Ang Marites instinct ko kaya Naman agad agad na akong lumapit doon at nakinig ako sa pinag uusapan nila.
“Hindi ko na nga mahal si Amelia, eivon” nanlaki Naman Ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Gio.
“Hindi mo mahal pero iba Ang pinapakita mo!” Galit na wika Naman ni Eivon.
Nasaktan Naman ako at para Naman akong sinaksak sa puso. Nilisan ko na lamang Ang Lugar na iyon at pumasok na kaagad ako sa company upang makaalis na.