CHAPTER 14

1321 Words
“AMELIA GRACE HIDALGO POV” NANG matapos ko na Ang ginagawa ko ay agad naman akong nag text Kay Gio na uuwi na ako dahil may gagawin pa ako kahit Ang totoo ay makikipag date lamang ako kay Dark. Niyaya niya kasi akong lumabas di Naman ako makatanggi dahil ang Sabi ng lalaking ito ay request daw ng pamilya Niya at daddy ko. Nasa labas na ako ngayon at hinihintay siya, naiinis na ako dahil sobrang tagal niyang makarating sa company. Ilang minuto pa na pag aantay ay nakarating Naman siya at kaagad itong bumaba sa sasakiyan Niya, mula sa malayo ay tanaw ko na siya totoo ngang pogi itong si Dark pero mas lamang talaga sa charisma si Gio yung tipong Hindi ka mag sasawa pag tinitigan mo siya. “Hey, Tara na why are you still standing there” natatawa namang niyang wika. Bumalik Naman ako sa wisyo at agad na binaling Ang tingin baka isipin pa ng lalaking ito na hulog na hulog ako sakaniya. “Kanina pa kita tinatawag but you seemed so amaze to see me wearing this suit. What do you think about my suit? Is it okay?” nakangiti nitong sambit, nahahanginan ako sa lalaking ito pero sinagot ko na lamang siya dahil Wala Naman akong choice kundi sagotin siya. “Yes, I'm just thinking about work kaya natulala ako. kanina na din akong nakatayo Dito kakaantay sayo tagal mo kasi” wika ko Naman Dito. Bubuksan ko na sana Ang pinto ng sasakiyan ng hawakan Naman Niya Ang kamay ko. Nag katitigan Naman kaming dalawa ng ilang Segundo at ng marealize ko na matagal na siyang nakahawak sa kamay ko ay agad Naman akong bumalik sa Sarili ko at kinuha ko kaagad Ang kamay ko na hawak hawak niya. Bahagya Naman siyang natawa ng dahil sa inasta ko, sa tingin ko ay iba na Ang iniisip ng lalaking ito nakakainis Naman baka isipin Niya pa na may gusto ako sakaniya. “Pasok na my princess” wika nito habang nakayuko pa. Inirapan ko na lamang ito at pumasok na sa loob. Nang maisara na Niya ay pumasok din Naman siya sa loob at binuhay na Ang makina. Hindi na lamang ako umimik dahil binabagabag parin ako ng mga salita na nanggagaling Kay Gio. Hindi ko alam kung ano bang problema Niya kung mag papakasal ako sa ibang lalaki, nakakainis na talaga Minsan Ang mga pinapakita Niya Sakin gusto ko tuloy siyang sapakin sa Mukha niya. “Are you alright, you seemed bother?” agad Naman akong napalingon sa gawi ni Dark. “Ahh ayus lang Naman ako, wag mo na lamang akong pansinin” Seryuso ko namang wika Dito at tumingin na ulit sa labas ng bintana. “Are you sure, gusto mo na lang ba mag pahinga mag take out na lamang ako ng pagkain. Ihahatid na kita sa inyo?” sambit Niya Naman. Kinilig Naman ako ng bahagya dahil sobrang sweet ng lalaking ito, Hindi ko masasabi na Redflag siya dahil sa sobrang hinhin Niya mag salita. Pinakalma ko Naman Ang Sarili ko bago ako nag salita. “Ayos lang, gusto ko ding lumabas ngayon dahil Wala Naman akong gagawin” wika ko Naman Dito. Tumango Naman siya bilang tugon sa sinabi ko at agad Naman siyang nag tungo sa isang mamahaling restaurant. Lalabas na sana ako ng bigla Naman Niya akong pigilan. “Bakit?” Tanong ko Naman Dito habang nakakunot ang aking noo. “Pagbubuksan kita, stay here” sambit Naman Niya Sakin kaya bumuntong hininga naman muna ako at hinayaan na lamang siyang gawin Ang gusto Niya na mangyari. Nang bumukas na Ang pinto ay bumaba Naman kaagad ako at sabay na kaming pumasok. Nang makaapak Ang paa ko sa maputing sahig nila at halos kita ko na Ang reflection ko sa sobrang linis nito at nag tinginan Naman sa gawi namin Ang mga empleyedo na andito. “Psh, Hindi na bago Sakin Ang titigan ng ganito Marahil ay nabihag ko na Naman Sila sa taglay kong kagwapohan” wika Naman ni Dark habang nakangiti ng malapad. Napairap Naman ako dahil sa inis.“Ang hangin!” bulong ko Naman. “What are you mumbling for? ” Tanong naman Niya Sakin. Agad Naman akong umiling bilang tugon sa Tanong niya. Bumuntong hininga naman siya at niyaya na ako sa Isang table na naka reserve sa Amin. Agad Naman akong umupo at ganun din Naman siya Maya maya pa ay nag order na kami at hinintay na lamang Ang pagkain namin. “GIO ZION HARKIN POV” PARA Naman akong sasabog dahil sa sobrang selos, kanina pa ako inaasar ng mga pinsan ko. Hindi ako maka imik nakatingin lamang ako Kay Amelia at Kay dark na nag tatawanan at minsan ay hinahawakan din ng Loko Ang kamay ni Amelia na dapat Sakin lang. “Oy, dahan dahan sa pag tingin. Sakanila baka bubulagta na si Dark sa kinauupuan Niya dahil sa sama ng tingin mo. Naku! Ano bang nangyayari sa'yo Kumain kana lang muna” natatawang wika Naman ni Tristan. “Alam mo Gio pag di mo pa papakawalan si Eivon sigurado akong ikakasal talaga Ang dalawang iyan. Tingnan mo nga oh Masaya si Amelia sakaniya kabahan kana” asar namang wika Sakin ni Thad. Gusto ko tuloy Silang murahin, imbis na tulungan ako ay pinag oovethink pa talaga nila ako. Hindi ko alam kung maling pinsan ba Ang nadala ko ngayon ngunit naisip ko na Wala palang matino sakanilang lahat. “Ayan pumoporma na si Dark, Wala ka talaga Gio Ang Hina mo bakit ba Kasi ayaw mong bitawan yang Eivon na yan. Bahala ka Ikaw din Naman Ang mag sisi sa huli kung hahayaan mo lang si Amelia na makitang Masaya sa piling ng iba” wika Naman ni Tristan habang umiinom ng Juice. Bumuntong hininga naman ako ng dahil sa sinabi niya Sakin. “Ano ba dapat Ang gagawin ko?” Tanong ko Naman sakanila. “Punta ka dun sa gilid nila at gumawa ka ng hakbang para magiba ang date nilang dalawa” taas baba Naman Ang kilay ni Tristan. Nag isip Naman kaagad ako at ngumiti ng nakakaloko. Tumayo Naman ako at Puno ng kumpyansa sa Sarili. “Ano handa kana ba?” sambit Naman ni Thad. Tatlo lang kami ngayon Ang andito at Hindi ko na sinama Yung iba baka Kasi mapansin pa kami agad sobrang ingay pa Naman nila. “Game na!” nakangiti ko namang wika at agad na akong nag tungo sa kinaroroonan nila Amelia. Malayo pa ako ngunit rinig ko na Ang tawanan nilang dalawa, mukhang Masaya Ang pinag uusapan nila at Ako Naman ay selos na selos na ng sobra.. Nang makalapit na ako ng tuluyan ay inayos ko Naman Ang tie ko at tumikhim. Sabay Naman Silang napatingin sa gawi ko. “What are you doing here?” kunot noo namang wika ni Amelia Sakin. Bumuntong hininga naman ako at nginitian siya tiyaka ko hinawakan Ang kamay niya. “Stop harassing her” wika naman ni Dark kaya Galit ko Naman siyang tinitigan. “Anong pakealam mo dito—” “That’s my fiance! Kung ayaw mong mag kakagulo Tayo ngayon Dito don't try to touch her!” ngumisi naman ako ng nakakaloko sakaniya. “Ano bang pinaglalaban mo? Ni Hindi mo pa nga officially na fiance si Amelia Wala ka pang singsing na inilagay sa daliri Niya at Hindi pa Naman kayo kasal” nakangiti ko namang wika Dito. Mag sasalita pa sana Si Dark ngunit agad namang tumayo si Amelia at Galit na kinuha Ang bag Niya, hinawakan Naman Niya Ang kamay ni Dark at hinila na ito paalis. Para Namang sinaksak Ang puso ko ng Makita ko Silang dalawa na palabas sa restaurant. “Tanggapin mo ng talo kana bro! Mabigat Ang kalaban mo” wika Naman ni Tristan mula sa lamesa. Ikinuyom ko Naman Ang kamao ko. “Hindi ako susuko...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD