“GIO ZION HARKIN POV”
HALOS hindi ako makatulog ng matino dahil sa Nakita ko kanina. Bangon ako ng bangon at inom din ako ng inom ng tubig.
Bumuntong hininga naman ako at agad na kinuha Ang cellphone ko at tinawagan si Tristan. Naka limang call pa ako bago ako sinagot ng Loko gusto ko tuloy siyang sapakin dahil sobrang tagal talaga niyang sumagot. 2 a.m na din at Hindi parin ako pinapatulog ng isipin na ito.
“Bakit, sobrang aga pa matulog ka nga diyan ano ba Naman yan!” inis namang niyang wika sakin.
“Psh, gusto kong mag patulong sa mga pinsan ni Amelia. Bro, Hindi na ako Nakakatulog ng matino dito” wika ko habang nakatulala lang at nakatitig sa blangko na pader.
“Psh, oo na bukas matulog ka muna diyan ako na bahalang mag Sabi Kay Dorothy babalitaan na Lang kita kung papayag na Sila sa gusto mo na mangyari” agad naman niyang pinatay Ang tawag at di na ulit ako tumawag.
Uminom na lamang ako ng gatas at agad ng humiga. Pinilit ko na lang Ang Sarili ko na makatulog dahil Kailangan ko ng lakas para harapin ulit si Amelia kinabukasan.
Ilang minuto pa akong pabaling baling Hanggang sa nilamon na lamang ako ng antok.
......
NAGISING naman ako sa sunod sunod na katok mula sa pinto ko kaya kahit na ayaw ko ay inis naman akong tumayo at nag tungo na kaagad ako sa pinto.
Binuksan ko naman kaagad ito at tumambad naman Sakin si Tristan na may banas na ekspresyon.
“Bakit ka andito Ang aga aga pa oh” inis ko namang wika habang bumabalik sa kama. Hihiga na sana ako ng bigla Naman Niya akong batukan sa ulo kaya namulat Naman ako.
“Ano bang ginagawa mo, nambubulabog ka na nga ng tulog tapos ngayon ay binabatukan mo ako! Anong klaseng pinsan ka” wika ko Naman Dito kaya Naman ay bumuntong hininga naman ako.
“ Are you out of your mind! Kaya ako pumunta dito para tulungan ka Anong klaseng pag iisip yan... Ikaw itong maraming problema sa babae tapos ngayon gaganiyan ka!” wika Naman Sakin ni Tristan habang nakakunot ang noo.
“Ano bang sinasabi mo” inis ko namang wika dito.
“Mag impake kana, solve na Ang problema mo pag balik mo Dito ay ayus na Ang lahat” wika Naman Niya sakin. Kunot noo ko Naman siyang tinitigan.
“Anong ibig mong Sabihin? Bakit ako mag iimpake may gagawin pa ako. May aasikasuhin pa ako tungkol samin ni Amelia” wika ko Naman dito.
Bumuntong hininga naman siya at binatukan ulit ako kaya napahimas Naman ako sa batok ko dahil naka ilang batok na siya Sakin.
“Ano ba Kasi diretsohin mo na ako kung ano ano pa Kasi Ang sinasabi mo” agad Naman Niya akong inakbayan at hinigpitan Ang hawak sa leeg ko kaya nahirapan Naman akong huminga.
“Bitawan mo nga ako!” sambit ko Dito, kakagising ko palang pero sakit ng katawan agad Ang nakuha ko dahil sa pinsan kong siraulo.
“Ikaw na nga itong tinutulungan nag iinarte ka pa, para ka namang bakla diyan!” sambit nito habang inis na inis.
“Mag impake ka dahil pupunta tayo sa beach” mas Lalo Naman akong naiinis dahil Hindi ko alam kung paano mareresolba Ang problema ko sa beach.
“Gino good time mo ba ako? Gusto mo bang masuntok sa Mukha?” wika ko Dito at kinuha na Ang kamay niya na nakaakbay Sakin.
“Ang Hina Naman ng kukute mo, Ewan ko ba bakit naging top CEO ka sa New York e b*bo ka naman” wika ni Tristan habang iiling iling.
“Pumunta ka lang ba Dito para laitin ako?” seryuso ko namang sambit kay Tristan.
“Wag ka na nga maraming Tanong diyan, pati ako nab*b*bo para kang tanga. Punta ka nalang sa Bahay ni Angelo Mamaya, doon ang unang destinasyon.” seryuso nitong wika at tumayo na, Hindi na siya nag paalam Sakin na umalis at dire diretso lamang siyang lumabas.
Wala Naman akong nagawa dahil Hindi na ako makatulog nag tungo Naman ako sa closet at kumuha na ng damit. Nag ayos lang ako sa Sarili ko, Hindi ko alam kung ano Ang Plano ng mga pinsan ko.
Nag tungo Naman kaagad ako sa baba at pumunta na sa loob ng kotse, bago ko Naman binuhay Ang makina ay tinext ko muna si Rean para kumustahin si Eivon.
“BEATRICE VALENTINE HIDALGO POV”
NAG KUKUMPULAN kaming mag pipinsan dito, hinihintay namin si Gio at si Amelia dahil Ang Plano namin ngayon ay mag balikan Ang dalawa. Alam na alam ko na mahal pa nila Ang isa't isa di ko lang mapatunayan sa ngayon pero sa mga action nila ay kitang kita naman talaga indenial lang Kasi Silang dalawa.
“Are you ready guys, Yung mga Plano natin naka set up na ba lahat?” Tanong ko Naman Dito.
“Okay na ang lahat, Wala ng makakapigil sa planong ’to. Ang lagi nating tatandaan ay napabalik nga natin Ang isang Penelope Kay Thaddeus na mas matigas pa sa bato Ang puso niya itong si Amelia pa kaya na softhearted at marupok!” wika Naman ni Seraphina habang kumakain ng grapes.
Iiling iling naman kami dahil may punto din Naman siya. Mas mahirap pabalikin si Penelope pero nakayanan namin.
“Tristan” agad namang napatayo si Tristan ng Makita niya si Gio Dala Dala Ang bag Niya at kunot noo kaming lahat na tinitigan.
“Psh, umupo kana diyan wag Kang Tatanga tanga, gumawa na kami ng hakbang para mabalik sa iyo si Amelia ” sambit ko Naman Dito.
Agad namang lumiwanag Ang Mukha Niya dahil sa sinabi ko. “Talaga! Hindi kayo Galit saakin?”
Umiling Naman kami at bumuntong hininga. “Kahit tarantado Kang tao, kahit sinaktan mo Ang pinsan namin pero alam Kasi namin na gustong gusto ka ni Amelia at mahal ka niya.”
Agad namang yumuko si Gio at bumuga ng hangin, kita sa Mukha Niya na kinakabahan at nag aalangan siya sa gagawin namin ngayon.
“Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako na mahal Niya ako” sambit Niya Naman sa mahinang boses.
“Ikaw muna Ang mag papatunay sakaniya Gio, hiwalayan mo si Eivon. Sigurado ako na makikita ni Amelia kung gaano mo siya kamahal” wika Naman ni Dorothy.
“May punto ka babe, Tama ka nga Kailangan Niya ng hiwalayan Ang Eivon na yan.” nakangiti namang wika ni Tristan sabay akbay Kay Dorothy. Inirapan lamang ni Dorothy si Tristan at di na umimik.
Wala si Eros, Hindi ko din alam kung bakit...Wala namang sinasabi si Seraphina kung bakit Wala Ang nobyo na.
“Langya naman oh Ang tagal ni Amelia kanina pa ako nabuburyo dito” reklamo Naman ni Sera habang nakatitig sa relo niya.
“Psh, Mamaya pa iyon hihintayin ko na lang siya. Mauna na kayo baka kapag Nakita Niya si Gio ay di siya sasama” sambit ko Naman sa mga Kasama ko.
Agad Naman Silang tumango at nag tungo na kaagad sa labas. Nakangiti Naman ako habang pinagmamasdan Sila na papaalis na.
Nang makaalis na Sila ng tuluyan ay naiwan Naman kami ng Asawa ko, Yung anak ko ay sumabay na sakanila Kasama Ang mga pinsan niya Yung dalawang kambal.
Maya maya pa ay agad namang dumating si Amelia.
“Andiyan na siya” nakangiti namang wika ni Angelo sabay akbay Sakin.
Lumabas Naman si Amelia sa kotse Niya kami Naman ay nakatayo lang sa gilid ng sasakiyan namin.
“Ano Tara na ba? Kanina pa ako nakabihis.” nakangiti namang wika nito.
“Tara na! Hinihintay kana nila” nakangiti ko namang wika at agad ng pumasok sa kotse namin.
Yes! Mission success!