“AMELIA GRACE HIDALGO POV ”
MADALI lamang kaming nakarating sa beach na pupuntahan namin, excited ako dahil ngayon nalang ulit ako makakalabas ng ganito at ngayon ko nalang ulit makakabonding Ang mga pinsan ko. Halos wala na akong maalala kung kailan ko ulit sila nakasama sa isang beach kaya excited na excited ako ngayon.
Bumaba Naman kaagad ako sa kotse pagkarating na pagkarating pa lang namin.
“Excited na excited ah”sambit naman ni Beatrice Sakin Kasama Ang Asawa niyang si Angelo.
“Psh, ngayon nalang ulit kasi tayo nag bonding.” wika ko Naman Dito.
Bumuntong hininga naman siya at nag kibit balikat na lamang, agad ko namang kinuha Ang kamay niya dahil gusto kong makasabay siya papunta doon sa cottage namin.
“Where did you take my wife!” sigaw ni Angelo pero tinakas ko na si Beatrice.
“Ano ba naman yan Amelia, dahan dahan ka naman ” wika Naman ni B Sakin habang natatawa.
“Gusto ko ng Makita ang iba nating pinsan! patalbugan tayo ngayon ng outfit” sambit ko habang natatawa.
Masayang masaya ako ngunit bigla namang nawala Ang ngiti ko ng Makita ko si Gio sa cottage Kasama Ang mga pinsan niya at mga pinsan ko na nag uusap. Nag kakatuwaan din Sila siguro ay may nilalaro Sila, gusto ko nalang tuloy umuwi sa Bahay at mag muni Muni kesa harapin siya ngayon naiinis parin Kasi ako sa ginawa niya sa date ko.
“Oh bakit Hindi kana gumagalaw diyan? Ano bang nangyayari sa'yo?” wika Naman ni B habang natatawa.
Sinamaan ko Naman siya ng tingin alam ko talaga na Sila Ang may pakana ng lahat ng ito e.
“Bakit? Wala Naman kaming ginagawa natural na sasama siya dahil andito Ang mga pinsan niya” sambit Naman nito habang nakahawak sa kamay ko at pilit akong pinapunta sa cottage.
Nakanguso Naman ako habang nakakunot ang noo, ayuko talaga Makita Ang lalaki na ito nababanas ako sa tuwing nakikita ko siya gusto ko siyang sampalin ng malakas para matauhan siya na Wala na kaming dalawa pinipilit Niya parin Kasi iyong Wala na dapat... nakakainis!
“Tara na wag kanang mag inarte diyan, kinuha mo ako sa Asawa ko kaya Tara na!” masama Naman akong tinitigan ni Beatrice kaya Wala Naman akong choice at agad Naman kaming nag tungo sa kinaroroonan nila.
Sinalubong Naman ako ng ngiti ng mga nasa cottage except Kay Gio na hindi Makatingin sa gawi ko.
“ Ehem, Dito ka Amelia!” sigaw Naman ni Tristan at tinuro Ang upuan na bakante sa gilid ni Gio, sinamaan ko Naman siya ng tingin at inirapan ko Naman kaagad siya. Hindi talaga nakakatuwa minsan itong bibig ni Tristan gusto ko tuloy itong busalan dahil sa kung Anong sinasabi niya.
Nag hanap Naman ako ng bakanteng uupuan ngunit parang nakaplano na nila Ang lahat.
“Diba? Sinasabi ko sa'yo Wala ng bakante kaya diyan ka nalang nag iinarte ka pa kasi” natatawa namang wika ni Tristan.
“Ano ba Naman yan B!” nakanguso ko namang wika dito at umirap. Bumuntong hininga naman ako at agad Naman akong nag tungo sa gilid ni Gio.
Tiningnan ko Naman siya ng walang emosyon at umupo na kaagad. “How are you baby?” wika Naman Niya habang nakangiti sakin.
“Wag mo nga akong jinojoke time, gusto mo bang sampalin kita” sambit ko Naman Dito habang naiinis.
Umupo Naman kaagad ako at bumuntong hininga. Wala na talaga akong kawala pag mga pinsan ko Ang Kasama ko, Hindi ko na talaga alam kung Anong gagawin ko.
“Amelia Ikaw pa, kumain kana muna at pagkatapos mag inoman tayo ngayon. Mag saya tayong lahat!” Nakangiti namang wika ni Sera.
“Broken ka ba Sera nakikita namin na medyo wild ka ah” sambit naman ni Penelope habang nakatingin Kay Seraphina. Napangiti Naman ako ng palihim dahil Siya na Ang hot seat ngayon at Hindi ako.
“H-hindi ah, Masaya lang ako ano ba Naman kayo Hindi ba pwede mag saya Ang isang tulad ko ha?” umirap Naman si Penny.
“Sige, make yourself like a fool sera kaya mo yan igaslight mo pa Sarili mo” sambit naman ni Penny, di Naman umimik si Seraphina pati na din Ang mga cousin ni Eros..may something talaga sa mga ito e sa tingin ko ay may nangyayari talaga na Hindi namin alam.
“Ano na, Kumain na tayo nagugutom na ako” reklamo Naman ni Angelo at Siya na Ang naunang kumuha ng pagkain, sumunod Naman kaagad kami.
Nag kakatuwaan at nag kakasiyahan Naman kami, sumasabay na din ako at di ko na pinapansin si Gio.
“This is your favorite right?” wika nito at binigyan kaagad ako ng adobo itutulak ko sana Ang kaniyang kamay ngunit Wala na akong magawa dahil inilagay Niya na ito sa pagkain ko. Kinain ko Naman ito na Hindi bukal sa aking loob.
“Psh, wag ka na nga mag papansin kaya ko na Ang Sarili ko may kamay ako para kumuha ng pagkain” inis ko namang wika Dito at medyo lumayo Naman ako sakaniya.
Maya maya pa ay nag simula Naman Silang mag inuman, tawa Naman ako ng tawa dahil kung ano ano na Ang sinasabi ng mga pinsan ko.
“Sige na Amelia, mag truth or dare na tayo ” wika Naman ni Penelope habang nakangiti.
“Honey, awat na sa pag inom ” sambit Naman ni Thad at sinusubukan na paalisin si Penny sa cottage but knowing Penelope matigas din yan sa inuman simula noong nabroken yan.
“kingina, inom pa Tayo wag ka namang kj Thad. Gusto pa namin mag saya diba?” lasing na wika ni Seraphina.
“Tama , Tama!” nakangiti ko namang wika. Lasing na lasing ako at Hindi ko na ako nakakaaninag ng mabuti. Sobra na Kasi Ang nainom ko na alak o baka Naman ay masyadong malakas Ang Tama ko sa ininom namin ngayon naka limang shot pa Naman ako e. Malakas Ang alcohol tolerance ko kaya Hindi din ako makapaniwala na nalasing ako kaagad.
“ Tama na yan Amelia!” rinig ko Naman awat Sakin ni Gio, kahit lasing ako ay Hindi pa Naman ako bingi at bulag. Kitang kita ko Naman siya ngunit medyo blur na.
Hinawakan ko Naman Ang kaniyang Mukha habang nakangiti ako ng nakakaloko Dito.
“Alam mo, Ang pangit pangit mo sana sa paningin ko pero bakit Hindi kita nakakalimutan” natatawa ko namang wika ngunit may kirot ito sa dibdib ko.
Matagal na simula ng Hindi ko nararamdaman ito.
“P*nyeta bakit ko ulit naramdaman Ang pakiramdam na ito. Ano ba Naman yan Hindi na nakakatuwa Gio pwede bang iwan mo nalang ako ng tuluyan Yung Hindi na ulit natin nakikita Ang isa't isa” umiiyak ko namang wika.
Bigla ko namang naramdaman Ang pagyakap Sakin ni Gio ng mahigpit, tinulak ko Naman siya ng malakas ngunit di naman Niya ako binitawan.
“Ano bang nakain mo at gusto mo parin akong asarin. Wala na Tayo gio matagal na—masakit pero dapat ko itong tanggapin ano bang laban ko sa babae mo diba? Siya Naman Ang nauna siya Ang mahal mo!” umiiyak ko namang wika Dito.
“Stop saying that, I don't love her” natigil naman ako at agad na pinunasan Ang luha ko ng dahil sa sinabi niya.
Natawa Naman ako ng mapakla. “At sa tingin mo maniniwala ako” natawa ulit ako at tumayo na. “Rinig niyo diba na Hindi Niya mahal Ang babae” sambit ko Naman sa mga pinsan ko at agad ko namang binaling Ang tingin sa gawi ni Gio.
“Kung Hindi mo siya mahal bakit mo siya pinili, bakit mo ako iniwan? Bakit ka nanatili ng ilang taon sa tabi niya habang hinahayaan mo ako na masaktan at umiyak ng ilang taon. Matutulog na may mabigat na nararamdaman!!” sigaw ko habang umiiyak.
Kahit malabo ang paningin ko ay umalis Naman ako sa harapan niya. Pilit Naman akong hinawakan ng mga pinsan ko ngunit di na ako nag paawat umalis Naman ako at nag tungo na sa tutulogan namin.