“Madison Kaylee…” a whisper from him woke me up. Medyo magulo ang paligid pagkamulat ko ng aking mga mata dahil nagsisibaba na ang mga tao sa loob ng van. “We’re here in school now,” he whispered again. He’s caressing my hair. Napabalikwas ako nang mapagtanto ko na nakayapos ako sa kanya. Kaagad kong binawi ang aking braso. “S-s-sorry, G-gavin.” sabi ko rito. Sobrang nag-iinit ang pisngi ko. “It’s okay.” he smiled. Nahiya talaga ako. Sobrang nasarapan na ako sa pagtulog, napayakap pa ko sa kaniya. “Bruv, sasabay ka na ba pag-uwi?” tanong ni Tristan kay Gavin. Wala itong sasakyan dahil nag-commute ito papunta sa school noong Friday. Lumingon naman sa akin si Gavin na tila sa akin naghahanap ng sagot. Napatingin naman ako kay Tristan. “How about you, Mads?” “Hindi ko sure

