It started raining. Talaga nga naman, kapag walang pakisama ang panahon. May bagyo ba? Bakit kailangang umulan? Bakit ngayon pa? May shed ang mezzanine pero biglang buhos ang malakas na ulan, medyo umaanggi ang ulan sa kinaroroonan naming dalawa. Umaagos rin sa wall na kinasasandalan ni Gavin kaya nag-uumpisa nang maglawa ang sahig. “Gavin, let’s go back inside.” ‘ Hawak ko pa rin ang kamay nito. Nakasandal siya sa wall at nakapikit lang. Parang ninanamnam pa nito ang pagkabasa sa ulan. Ni hindi ito tumitinag. Dinampot ko ang telepono nito na nagri-ring. “Hello, Tristan?” sinagot ko na ang tawag nito. Napapitlag si Gavin sa pagsasalita ko. Marahil ay pagkarinig niya sa pangalan ng kaibigan. “Nahanap mo na ba siya?” “Oo.” maikling sagot ko rito. Pinagmasdan ko

