Chapter 5

1861 Words
June 16, 2016 9 o'clock in the morning... Monthsary sana namin ngayon.  Tinitignan ko ang paperbag sa may gilid ng sofa habang ako'y nakaupo at nakasandal kay Teddy.  Kagigising ko lang.  Nagising ako sa alarm ng celphone ko na nagpapaalala kung ano ba ang okasyong mayroon ngayon.  06/16/16 Happy 86th Monthsary babe! I love you! Siya pa nga ang naglagay niyan sa celphone ko. Ganoon din sa celphone niya.  I'm wondering what he's thinking right now.  Iniisip niya kaya ako?  Nakangiti ba siya noong nakita niya ang alarm sa celphone niya? Tatawagan kaya niya ako? Imposible. Hay! Don't think of ridiculous things, Madison!  "Huwag ka nang umasa sa imposible." pagalit ko sa aking sarili.  Kung may balak siyang makipag ayos, tumawag na siya sa akin. Baka noong isang araw pa. Hindi tatagal nang ilang araw ang pag-aaway namin kung talagang gusto niyang makipag-ayos at bawiin ang sinabi nito. Hay!  Umiling iling ako. Kailangan ko nang kayanin na wala siya sa buhay ko.  "Kaya ko 'to!" parang tangang pagpapaalala ko sa aking sarili. Pagkasabi noon ay napalingon na naman ako sa paperbag na ibibigay ko sa kanya.  Mahinang sampal ang iginawad ko sa aking pisngi saka nanatiling nakahawak lang dito.  Tama na muna ang pag-iisip. Wala kaming pasok sa school ngayon.  Maghapon na naman akong tatambay dito sa bahay.  For three consecutive days!  Hindi ako nakatapak sa school. Noon, kahit bumabagyo pa yan o kaya ay may trangkaso ako, pumapasok pa rin ako. Hindi ako nagpapatalo sa sakit lang. Pero ngayon, heto ako, absent na ng dalawang araw dahil na-broken hearted at ayaw makita ang ex boyfriend ko sa school. Ang tanga ko na ba? Hindi ko kasi alam kung ano bang gagawin ko kapag nakita ko siya sa school. Pakiramdam ko, sasabog ako any minute kapag nakita ko siyang muli. Baka umiyak lang ako ng husto o baka bigla ko na lang siyang yakapin at hindi ko mapigilan ang sarili ko.  Nakakahiya. Lalo na kung hindi niya ako yakapin pabalik. Dahil ayaw na niya sa akin.  Tumayo ako at kinuhaang paper bag sa gilid ng sofa. Binuksan ko muli ang paperbag at kinuha ang maliit na kulay pulang box. Nanghihinayang ako na hindi ko ito maibibigay sa kanya. Nanghihinayang ako sa lahat ng bagay.  Sa pitong taong pinagsamahan namin.  Lahat ng mga pinagdaanan namin. Malungkot man o masaya.  Lahat, as in lahat lahat ng mayroon kami noon ay wala na.  Kung may magagawa lang ako para maibalik sa dati ang lahat. Kung maibabalik ko lang ang oras, gagawin ko ang lahat para hindi kami umabot sa punto ng paghihiwalay. Ibinalik ko na sa lagayan ang relo. Lumapit ako sa side table para kuhanin ang cellphone ko. Tinext ko ang mga kaibigan ko... To: Trix, Shane, Macy Message : What's the craziest thing you ever did for love? Pagkasend ng message ko para sa kanila ay bumaba na ako sa sala. Sakto namang tumunog ang cellphone ko.  Si Macy ang nag-reply. From: Macy Message : Loving the wrong person. Yung alam mo namang hindi na tama pero sige ka pa rin. Kasi mahal mo e. Why, Maddy? Hindi ko muna siya sinagot. Hinintay kong mag-reply ang iba. From: Trix Message : Kailangan pa bang sagutin 'to? Alam mo naman na! Hay. Nagreklamo pa nga. Nagreply ako dito. To: Trix Message: Just answer my question, please? :-) Fake smiley. Tssss.  From: Trix Message : All right. Hmm. Habulin ang taong ayaw magpahabol. Puntahan sa lugar na sinabi niya kung nasaan siya pero wala naman pala siya. Leshe! Naalala ko na naman, girl!  Natawa ako sa sagot nito.  From: Shane Message : Maging tanga ng mga hundred times? Ayoko nai-elaborate. Masakit pa, Maddy. :-( Aw. Ngayon ko lang napansin, lahat pala kami ay mga sawi sa pag-ibig.  Nakakalungkot naman ang ganito. Wala na ba talagang magmamahal sa amin ng totoo? Wala na nga ba talagang forever? To: Shane, Trixie, Macy  Message: Thank you sa inyo. Hayaan niyo, we will find the right love for all of us. Aja lang!  Ang lakas ng loob kong sabihin, pero hindi ko alam kung mangyayari. Umaasa na lang ako na someday, love will find its way to me and to all of us.  Itatabi ko na sana ang cellphone ko para magsimula nang magligpit ng mga gamit kong nakakalat. Maglilinis na rin ako ng condo pero nagreply pa si Trixie. From: Trix Message : No worries, Sissy. Just follow your heart. :-) muah! That makes sense. I've got an idea! --- Nandito ako sa tapat ng condo building ni Grant. Dala ang regalo ko sa kanya.  Oo. Katangahan man kung isipin, pero this is where my heart takes me.  I can't help it.  It's now or never. Kung hindi ko ito gagawin, baka hindi na siya bumalik sa akin at mawala na siya nang tuluyan. Ayaw kong magsisi sa huli na hindi ko naman ginawa ang lahat para maging maayos kami. Ilang oras akong nag-isip kung gagawin ko ba ito o hindi. Pero, heto ako, nanaig pa rin ang kagustuhan kong maibigay ito sa kanya at magkita kami. Baka sakali na kapag nakarating sa kaniya ito, at mabasa niya ang sulat ko ay tumawag siya at makapag-usap kami.  Hindi ako magpapakita. Iiwan ko lang ito sa tapat ng unit niya, then I'll go. Bumaba ako ng taxi. Binati ako kaagad ng guard na nasa entrance. Kilala na nila ako dahil lagi naman kami ni Grant nagpupunta dito. "Long time no see ma'am." sabi pa ni Kuyang guard.  Ngumiti lang ako at tumango. Hindi na ako nagsalita pa. Excited akong mailagay ito sa tapat ng pintuan niya.  Dumiretso na ako sa elevator. Pagkapasok ko ay pinindot ko ang 10th floor. Sobra ang pagkabog ng dibdib ko. Parang gustong lumabas ng puso ko. Wala naman akong dapat na ikanerbyos. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. At mas lalo pa akong kinabahan ng tumunog na ang bell ng elevator, hudyat upang ako'y lumabas na. Huminga ako ng malalim at saka lumabas sa pinto. Dahan dahan akong naglakad.. hindi ko naman mapabagal ang bilis ng t***k ng puso ko. Habang ako'y palapit ay mas lalo itong bumibilis. Huminto ako sa tapat ng 1005. Heto na. Isang malalim na paghinga na naman ang ginawa ko. Woooh! "Ano ka ba Madison, iiwan mo lang tapos aalis ka na!" saway ko pa sa aking sarili. Dahan dahan kong inilapag ang paperbag. Idinikit ko sa pintuan ang paper bag. Nanlaki ang mata ko at napahawak ako sa aking bibig ng bahagyang bumukas ang pintuan. Nakabukas ang pinto! Nasa loob siya! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa kong pumasok sa loob. Dahan dahan akong naglakad sa loob. Walang tao sa sala. Luminga ako sa buong paligid. Wala siya. Napagawi ang tingin ko sa kwarto niya. Bahagya itong nakabukas.  Lumapit ako... Myghad! Ano ba itong ginagawa ko? tanong ko sa aking isip. Labis ang aking kaba. Pero gusto ko siyang masulyapan man lang.  Kahit saglit lang.  Kahit ngayon araw na ito lang. Habang papalapit ako sa pintuan ay nakakarinig ako ng mga boses.  Nagtatawanan ang mga ito.  Tawa na parang kinikiliti.  Habang papalapit ay palakas din ang mga tinig. May nagsalitang babae, "More please, Honey!" Unti unti akong kinilabutan sa narinig. Ang lahat nang naiisip kong paraan para magkaayos kami ay tila naglaho. Ang lahat nang gusto kong sabihin sa kaniya ay hindi ko na kayang sabihin.  Halos manlaki rin ang mga mata ko sa aking nakikita sa maliit na siwang ng pinto sa kaniyang kwarto.. Si Grant, may kasamang babae! Unti unting tumulo ang aking mga luha... The fvck! Malinaw na sa akin ang lahat.. Nakaramdam ako ng awa sa aking sarili.  Ganito ba ako katanga? Lulunukin ang pride para makita siya pero ganito ang madadatnan ko.. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob, pinunasan ko ang aking mga luha at itinulak ko ng malakas ang pinto! Natigil ang kanilang ginagawang kagaguhan at napalingon sa aking gawi.  Nanlaki ang mga mata ni Grant.  Nagmadali namang hilain ng babae ang kumot para itakip sa kaniyang hubad na katawan. Dali dali itong bumangon at nahihirapan pang makatayo. Nakaboxers lang ito.  "What are you doing here, baby?" tanong ni Grant sa akin, nasa gilid ito ng kama at tila may hinahanap.  Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. Fvck! "Baby? Baby your face! You're an asshole, Grant! Ang kapal ng mukha mo!" pagkasabi niyon ay hinagis ko ang unang bagay na nadampot ko sa table malapit sa pinto.  Umabot ito at tumama sa pagmumukha ni Grant!  Narinig ko pa ang pagsabi niya ng 'ouch!' pero wala na akong pakialam.  Tumalikod na ako at dali daling tinungo ang pinto. Ngunit na abutan niya ako at nahawakan sa kamay. "Mads, let me explain." hablot nito sa akin.  "You don't have to, sapat na ang mga nakita ko." Hinila ko ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya rito. "No baby! You don't understand..." "s**t! Grant, ako pa ba ang hindi nakakaintindi ngayon? Ano pa bang kailangan kong gawin? Tang-ina naman Grant! Anong kasalanan ko para gaguhin mo ko ng ganito?" "I'm so sorry Babe...Please, let me explain." "Wala ka nang dapat na ipaliwanag pa. Hindi kita dapat pinagkatiwalaan ulit" naninikip ang dibdib ko sa mga pangyayari.  "This is it, Grant! We're over! Just like what you want!" Hinigit ko ang kamay ko at saka tumalikod pero hinabol niya pa rin ako at niyakap mula sa likod! Wala akong maramdaman kundi kilabot. "I still love you, Madison! Please hear me out. Please!" Dahan dahan akong humarap sa kanya at ngumiti. Nakita ko rin ang kanyang pag-ngiti. Nahagip ng mga mata ko ang babaeng haliparot na nakatayo sa pinto ng kaniyang kwarto. May saplot na ito.  Tinitigan ko ito ng matagal ngunit umiwas ito ng tingin. Pilit kong inalala kung saan ko siya nakita dahil pamilyar ang mukha nito. "Madison, please! I love you." sambit ng lalaking kaharap ko.  Sinampal ko ng ubod ng lakas ang kanyang pisngi.  "Pareho lang tayo Grant, I love myself too! Too bad, I didn't see it coming, nagpakatanga pa ko sa'yo! Akala ko kasi nagbago ka na." sagot ko rito. "Naniwala ako sa mga sinabi mo noong isang gabi, na sarili mo ang may problema at wala kang iba. Ano ito ngayon? Naglalaro lang kayo? Magkaibigan lang kayo? Grant, kitang kita ko. Huling huli ka na. Ide-deny mo pa rin ba?"  Hindi ito umimik. Napayuko lang ito "Maaaring nagawa mo na dati at napaniwala mo akong nagbago ka na. Pero hindi ako ganoon ka tanga para paniwalaan ka pang mula sa mga kasinungalingan mo! Go to hell! Asshole!" pagkaturan niyon ay tumalikod na ako.  Tumakbo ako papuntang elevator.  Sakto namang bumukas ito. May lumabas na dalawang lalaki, napahinto pa nga sila dahil siguro napansin ng mga itong napapahangos ako. Pumasok ako kaagad.  Napaupo ako pagkasara ng pinto saka lang bumuhos ang aking mga luha. Shit!  Bakit ko ba nararanasan ang lahat ng ito? "Madison, meet Nicole, pinsan ni Peter." sabi ni Grant. Peter is his best friend.  "Nicole, meet Madison, my girl friend."  Naalala ko na. Kilala ko siya. I met her last year sa birthday ni Peter. Mas lalo akong napaiyak.  Kailan pa niya ako niloloko? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD