Walang lingod likod akong pumara ng taxi sa harapan ng building. Hindi ko na tiningnan pa kung sumunod ba siya sa akin at nagtangka pang habulin ako. Wala na akong pakialam.
Ang gusto ko lang ay makalayo kaagad sa building na iyon. Isinusumpa ko na hindi na ako babalik sa lugar na iyon kahit anong mangyari.
Pinagsisisihan ko na rin na sinunod ko pa ang kagustuhan ng puso ko.
Akala ko kasi, pareho kaming dalawa nang pinagdadaanan sa ngayon.
Walang patid ang mga luha ko sa pagbuhos. Parang hindi nauubos.
"Kuya, sa bus terminal po tayo papuntang Tagaytay." turan ko sa driver ng taxi.
Hindi naman ito umimik, pinindot lang nito ang metro at kaagad nang pinaandar ang sasakyan. Ngunit napapasulyap ito sa rear view mirror sa bawat paghikbi ko.
"Ayos lang ho ba kayo?" tanong nito sa akin.
Naririnig nito ang pagsinghot ko gawa ng walang patid kong paghikbi.
Tumango lang ako at ngumiti ng pilit.
Hindi na ito nag-usisang muli at nagmadali na lang na magdrive paputang bus terminal.
"Paalis na oh! Isa na lang!" sigaw ng kundoktor ng bus sa terminal.
"Dadaan po ba ito sa Mendez Crossing?" tanong ko dito.
"Opo, dadaan po."
Buti na lang ay tanda ko pa ang mga sinabi ni Yaya Felly kung paano makakarating mula sa bus terminal papunta sa bahay.
"Galing sa bus terminal, magtingin ka ng biyaheng papuntang Tagaytay, at tanungin mo lang kung dadaan ito sa Mendez Crossing. Pagkababa mo sa crossing ay maaari ka nang magtricycle o kaya naman ay magtaxi. Sabihin mo lang na sa Tagaytay Heights ka patungo."
Walang alinlangang sumakay na ako sa bus papuntang Tagaytay.
--
Mahaba rin ang byahe. Medyo traffic na rin dahil rush hour na.
Pagbaba ko ng bus sa Mendez Crossing ay sumakay ako muli ng taxi.
"Sa Tagaytay Heights po."
Siguro ay mga 10-15 minutes na biyahe na lang ito mula sa crossing.
"Nak, pagdating mo sa crossing ay sumakay ka na ng taxi o kaya naman ay tricycle." dagdag nito. "Kaya nga lang ay mas komportable ka sa taxi kaya magtaxi ka na lang, halos kapareho lang naman ang pamasahe kapag nagtricycle ka. Doon ka na sa komportable ka at hindi maalog."
Hindi ko talaga kinakalimutan ang mga bilin nito lalo kapag tungkol sa byahe o pagsakay ng mga jeep or tricycle minsan kapag lalabas ako ng bahay. Baka kasi maligaw ako.
Pagpasok ng subdivision ay hindi na rin naman kalayuan ang aming mansion. Actually, ancestral house na renovated. Nakatayo na ito sabi nila lola since 1917.
"Kuya sa tabi na lang po. Sa maroon po na gate."
Sumulyap ako sa metro at inabot ang hawak kong pera sa driver at nagsimulang buksan ang pinto. Hindi na ako nag - abala pang kunin ang sukli.
Hindi ko pa napipindot ang doorbell ay nagbukas na kaagad ang gate.
"Magandang araw, Ma'am Maddy!" masayang bati ni Mang Joey, ang isa sa security guard ng mansion.
Tumango lang ako at bahagyang ngumiti saka dire-diretsong binagtas ang aming hardin. Medyo malayo pa ang pinto ng mansion, pero natatanaw ko na.
Maraming bulaklak na iba't-ibang klase at kulay. May yellow bell sa bawat pader na naging palamuti na ng buong wall paikot ng mansion. May iba't ibang bulaklak na naka-arranged at may sinusunod na pattern. May Aster, Chrysanthemums, Marigold, Nasturtium at Zinnia, na nasa color yellow at mustard lang ang scheme. Sa kabilang side naman ay may Begonia, Hyacinth, Lavander, at Rose, na medyo colorful at vibrant naman ang mga kulay. Makikita rin ang isang oak tree sa may bandang likuran, na natatanaw ang mga sanga mula sa gilid ng bahay. May cottage at swing sa ilalim nito na madalas naming tambayan nila kuya at ng ibang mga pinsan ko kapag nagbabakasyon sila sa amin. Si Manong Efren, ang nag-aalaga ng aming hardin. Matatanaw mong busy sa pagdidilig sa halaman ngayong hapon. Sa dami ng halaman ay hindi pa rin ito natatapos. Mahilig kasi si Mommy sa bulaklak kaya para kaming may flower garden sa dami ng mga klase ng bulaklak na narito. Mas marami pa sa likod na bahagi ng mansion. May greenhouse pa si Mommy at may succulent plants din na ni-request ko pa sa kaniya na magkaroon din kami. Parang gusto ko kasing mag-alaga ng cactus. Hindi ko lang sure kung mabubuhay ba kapag nagtry akong mag-alaga.
Malayo pa ako ay sinasalubong na ko nila Yaya Felly at Yaya Mela. Halata ang pagkabigla sa kanilang mukha.
"Hija, tila napaaga yata ang pag uwi mo rito sa mansion. Wala ang iyong mommy at daddy pati si Malt ay wala rin." bungad ni Yaya Felly. Siya ang pinaka-katiwala namin sa bahay. Si Yaya Mela naman ang nag-alaga sa akin mula pagkabata.
"Okay lang po, Nay." mailing tugon ko kay Yaya Felly.
"Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita." pagkuway tanong ulit nito na sumusunod sa akin sa pagpasok sa loob ng mansion.
"Kahit ano, ho. Medyo busog pa naman po ako. Kumain po kasi ako sa stop-over." pagdadahilan ko.
Wala lang talaga akong gana.
Naglakad na ko patungong hagdan. "Akyat po muna ako."
"Oh siya sige, ika'y magpahinga muna."
Dumiretso ako sa aking kwarto. Ala-sais na ng hapon. Ang tagal pala ng naging biyahe ko. Almost 3 hours akong nasa byahe. Sadyang traffic lang talaga dahil rush hour. Usually kasi, nasa 1-2 hours lang ang byahe mula sa bahay hanggang dito kapag umuuwi kami sa gabi after ng work ni Kuya at class ko.
Well, it doesn't matter.
Ang kailangan ko lang naman ngayon ay lumayo.
Inilapag ko ang aking bag sa sahig saka humiga sa sofa.
Tumingin sa ceiling na natatanaw ang kalangitan. Yes, my room is the attic, na may passage papunta sa roof top. Since nasa pinakataas ng bahay ang kwarto ko, pina-design ko ito na may transparent glass sa ceiling para pwedeng magstar gazing at night.
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan. May ibang bahagi na kulay red orange na may halong blue na ang langit. Sa pagmamasid ko rito ay nakaramdam ako ng bahagyang kapayapaan.
Ngunit, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot at pait. Hindi ko akalain na sasapit pala sa aming relasyon ang ganito.
Parang ang langit, darating din sa puntong magdidilim.
Nalulungkot ako at nanghihinayang sa aming relasyon.
Sinayang niya lang ang lahat.
Ang laki kong tanga!
Naalala ko pa rin 'yong ginawa niya noon na pangloloko. 5 years na kami noon at nahuli ko rin siyang may ibang babae. Simula noong nanloko siya at humingi ng tawad ay pinagkatiwalaan ko pa rin naman siya pagkatapos noon. Oo, inaamin ko na may times na nagdududa ako ngunit pinanghahawakan ko talaga ang mga salita niyang hindi na siya uulit sa nagawa niyang pagkakamali.
Labis labis ang paghingi niya ng tawad noon sa akin, kaya nagawa ko siyang patawarin.
Gaano na kaya katagal niya akong niloloko?
Fuck! Para akong sinaksak ng kutsilyo ng mga ilang ulit sa nakita ko.
Nanlamig na naman ang buong katawan ko sa naalala kong eksena nila kanina. May maliliit na kurot sa aking puso na nagpapasikip sa aking dibdib.
Sobrang sakit.
Hindi ko naisip na maaari niya ulit gawin ang ginawa niya noon.
Umasa kasi ako.
Ang buong akala ko ay madadatnan ko rin siyang malungkot at hindi pa rin sigurado sa nararamdaman niya.
Kaya pala nawala na ang pagmamahal niya para sa akin kasi may kapalit na!
Nagmukha lang akong tanga.
Umasa ako sa wala.
Umasa ako na kapag nag usap kami ulit ay maaayos pa namin ang gusot.
Wala na palang dapat aayusin dahil may iba na siya.
Bumangon ako at inabot ang aking bag para kunin ang aking cellphone. Marami na naman itong missed calls at unread messages. Sobrang dami nito ngayon.
52 Missed calls from Kuya Maze.
31 Missed calls from Trix.
24 Unread messages from Kuya Maze.
64 Unread messages from Trix.
1 Unread message from Babe.
Sa dami ng mga ito, isa lang ang nagpabilis ng t***k ng puso ko. Isang mensaheng parang ayaw kong basahin. Baka madagdagan pa ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.
Inumpisahan kong basahin ang mga mensahe nila Kuya Maze at Trixie. Iniwan ko ang message ni Grant. Hindi ko pa kayang basahin ang kung ano mang laman nito.
Ipinagpatuloy ko ang pagbubukas ng mga text nila Kuya at Trixie.
From: Trix
Message: Maddy, hinahanap ka na ni Kuya Maze. Saan ka ba nagpunta? Tawagan mo ko, please.
From From: Kuya Maze
Message: Where are you, Madison? Hindi raw kayo magkakasama nila Trixie. Seriously? I am worried. Call me.
Ilan sa mga mensaheng nabuksan ko mula sa kanilang dalawa.
Hinahanap nila ako. Wala nga pala akong napagsabihang magpupunta ako dito sa mansion. Di-nial ko ang cellphone number ni Kuya Maze.
Isang ring lang ay sumagot na ito kaagad.
"Madison Kaylee! Where are you?!" bungad niya sa akin. Medyo natulig ako sa lakas ng boses nito. Galit ang kuya ko.
"Kuya, I'm sorry." hinging paumanhin ko rito. Alam kong hindi mababawasan ang pag-aalalang naidulot ko sa isang sorry lang. "Hindi ako nakapagpaalam, nandito ako sa mansion."
"What?" he sighed. "Anong ginagawa mo d'yan?"
"I just want to be alone now, Kuya."
"Ano na naman 'yan, Kaylee?" tila galit pa rin ito. "Alam mo bang malapit na akong magpatawag ng mga pulis para ipahanap ka?"
"I'm sorry, Kuya."
"May pasok ka pa bukas. Sa weekend pa tayo pupunta diyan 'di ba?" halata pa ring iritable ito sa ginawa ko.
Hindi ako umiimik. Patuloy lang ang pagalit nito sa akin.
"Sobrang nag-aalala na ako, hindi mo man lang ako tinext na may balak ka palang pumunta diyan. Tinawagan ko rin si Trixie, hindi raw kayo magkasama."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako makapagsalita dahil anytime, sasabog na ako.
Hindi ko na kaya...
"Hey, Mads. Are you still there?"
"Kuya...sorry na..." hindi ko pa nasasabi ang kasunod ay napaiyak na 'ko. Hindi lang basta iyak. Hagulgol.
"What happened, Madison?" tanong nito na napalitan ng pag-aalala ang kanina'y galit.
Umiiyak pa rin ako.
Umiyak lang ako nang umiyak habang nasa kabilang linya ang kapatid ko na tanong ng tanong kung bakit ako umiiyak.
"Stop crying, Princess. Hindi ako galit. Sobrang nag-aalala lang talaga ako na wala ka dito sa bahay."
Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang magkwento sa kanya.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang i-kwento 'yong buong detalye ng mga pangyayari kanina.
Hindi ako sana'y magkwento ng mga problema ko sa kanila lalo pagdating sa mga problema tungkol sa love life ko. Ang laki ko na para i-share pa sa mga ito ang love story ko, tapos ganito pa.
Failed relationship.
Pero sa ngayon. hindi ko maiwasang ipakita o maiparamdam sa iba na hindi talaga ako okay.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag 'yong sakit. Naninikip ang dibdib ko.
Hindi ako makahinga ng maayos.
"Princess, tahan na. Baka magtrigger ang asthma mo."
Hindi ko mapakalma ang sarili ko.
Pinindot ko na ang end button para hindi na nito marinig pa ang pag-iyak ko.
Maya maya pa ay tumunog ang celphone ko, nagtext si Kuya Maze.
"Wait for me, I'll be there."