Nagising ako ng may naghawi sa aking buhok na nakasabog sa aking mukha. Paglingon ko ay si Kuya Maze.
Wala na yatang alam gawin ang mata ko kundi ang lumuha. Umiiyak na naman ako.
"What happened, Princess? Grant again?" Konklusyon nito. "You're always crying over that guy these past few days."
Umupo ako at sumandalsa headboard. Huminga ng malalim. Hindi ako makaisip ng tamang paraan kung paano uumpisahan ang lahat.
"Tell me, anong nangyari?"
"Promise me you won' tell to anyone... Don't mention it to Mom or Dad or even Kuya Malt and the others."
"Promise, I won't. Just tell me what's wrong."
Huminga ako ng malalim.
Tumingin sa mga mata ng kapatid ko.
Sa kanilang dalawang kuya ko, siya talaga ang pinaka-close ko.
Siya ang madalas kong kakampi sa lahat ng bagay. Si kuya Maze lang din ang nakakaalam ng lahat ng nangyayari sa'kin sa school, sa amin ni Grant at sa kung anu-ano pa. Wala akong nalilihim sa kaniya.
Kaya lang, hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan ang pagkukwento ko sa kaniya ng mga pangyayari kanina.
"It's... it's our monthsary today." panimula ko.
Nakita ko ang pagtango ni Kuya Maze.
"I went to his place to bring my gift for him and t-to surprise him."
"Why'd you do that? Nakipag-break na siya, hindi ba?"
"Akala ko kasi..." huminga muna ako nang malalim bago ko itinuloy ang sasabihin. "Akala ko, maaayos pa namin ang lahat kapag nagpunta ako sa kanya. But, b-but to my surprise-" nag-unahan na naman ang aking mga luha.
"What?" tanong nito. "Anong nangyari?"
"I-I found him with another g-girl.." tuluyan na naman akong napahagulgol.
"Oh! That asshole! Babasagin ko ang mukha niya!" napasuntok pa ito sa kama.
"I thought he's also in deep pain knowing that w-we broke up, b-but I was wrong. H-hindi p-pa rin pala siya n-nagbabago." paliwanag ko rito sa kabila ng paghikbi.
"I was wondering kung gaano n-a," I paused for awhile. "Gaano na niya ko k-katagal na n-niloloko." panay ang punas ko sa aking luha.
"I'll go back to Manila and find that asshole! Babasagin ko talaga ang pagmumukha ng walanghiyang iyon!" akmang tatayo ito pero mabilis ko siyang nahawakan sa braso.
"No, Kuya!" awat ko dito. "Don't do that."
"Dapat lang siyang gulpihin. Gago siya!" gigil na gigil si Kuya Maze.
Kaya ayaw ko na sanang ikwento. Kaya ayaw ko na sanang sabihin sa kaniya, pero hindi ko naman maiaalis sa kaniya na mag-alala siya. Hindi rin rin naman siya titigil sa kakatanong hangga't hindi ako nagkukwento. Pero alam ko naman na, alam ko nang ganiyan ang magiging reaksyon niya.
"Huwag na Kuya. Magagalit lang sila Mommy and Daddy."
"I don't care, Mads. Hindi pwedeng palalampasin ko lang ang ginawa niya sa'yo!"hindi pa rin talaga natitinang si Kuya Maze kaya hindi ko ito binibitiwan sa braso.
Pareho kaming dalawa, kapag sinabi namin, gagawin namin.
"Kilala mo ako, Madison. I will not tolerate those kind of acts!"
"Huwag na Kuya, please. Baka kumalat pa lahat ng mga nangyari." hawak ko pa rin ang braso nito.
"Masyado na akong nagmukhang tanga. Remember last time when he cheated on me before?"
Tumango ito.
"Ganitong ganito rin 'yon, Kuya." mapait akong ngumiti sa pag-alala ng pangyayaring iyon sa buhay ko.
Nung time na 'yon, sinugod din ni Kuya si Grant sa campus.
Pinagsusuntok niya ito dahil nalaman niyang may dini-date na ibang babae si Grant. What more ngayon, na nahuli ko itong may kasamang babae sa kama? Ano na lang ang maaaring gawin ni Kuya sa kaniya?
"Please, Kuya. Hayaan na lang natin. Ayaw ko nang maulit pa 'yong eskandalong nangyari noon.
Nalaman ng buong campus ang nangyari na pambababae ni Grant dahil sa suntukang naganap sa school.
Nalaman din nila Dad, and worst, na-suspend si Kuya because of that.
After what happened, nag-sorry siya and the next they knew, nakipagbalikan pa rin ako sa kaniya.
Which made Kuya Maze angry at me for a while. Nagkabati rin naman kami. Dahil hindi niya ako matiis na nagagalit siya sa akin. Hindi rin ako tumigil na suyuin siya noon, dahil dalawa na nga lang kaming magkakampi, mawawala pa.
But he never trusted Grant again. As in, never. Hindi na niya ito kinakausap kagaya dati at naging cold na rin ang pakikitungo niya rito. Na kahit anong gawin ni Grant, hindi na talaga nalinis ang pangalan niya sa mga kapatid ko at sa mga magulang ko.
After naming magkabalikan, naging usapan usapan lang kami sa buong campus.
Ayaw ko nang maulit 'yon. Lalo pa ngayon na student leader ako. Hindi ko na hahayaang masira pa niya ulit ang reputasyon ko sa school na ilang taon ko ring sinubukang ayusin.
"Let's just leave it this way, Kuya. Ayaw ko na ng gulo."
Isang malalim na buntong-hininga ang inisukli nito sa akin. Nakakuyom pa rin ang kaniyang palad. Galit na galit na galit pa rin talaga ito. Ramdam na ramdam ko.
"I'll be fine, Kuya. Promise." itinaas ko ang kanang kamay ko. "And I'm sorry for causing you trouble."
Pinunasan nito ang pisngi ko.
"Don't you dare seeing that asshole again." sabi nito habang inaayos ang buhok kong sobra nang gulo.
"Huwag na huwag mo ng kakausapin pa ang gagong 'yon, Madison Kaylee! I'm telling you, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa taong 'yon kapag nakita ko pa siyang lumapit sa'yo! Ang kapal ng mukha niya! Huwag na huwag lang talagang magkukrus ang landas namin!"
Tumango ako.
Alam ko namang hindi ko mapipigil si Kuya at kagaya nga nang sinabi ko kanina, kapag sinabi nito ay gagawin nito. Ang sa akin lang naman, is it worth it?
Kapag sinaktan siya ni Kuya, may mangyayari bang milagro?
Mababago pa ba ng mga matatamasa niyang suntok ang mga pangyayari kanina?
Wala namang magbabago.
Wala na ring babalik.
Hindi na ako babalik.
Tama na. Ayaw ko na.
----
"I'm so sorry baby. Please, let's get back together..."
Napamulat ako.
Panaginip...
Panaginip lang...
Pati sa panaginip ko, hindi na rin ba talaga ako patatahimikin?
Napatingin ako sa ceiling, sinarado ni Kuya ang glass window sa kisame.
Anong oras na ba?
Madilim pa sa loob ng aking kwarto. Nakatabing ang mga kurtinang kulay gray sa lahat ng bintana dahilan upang hindi sumilay ang liwanag sa buong kwarto. Madilim talaga ang pinili kong kulay para sa kwarto ko para magkaroon ng accent ang kulay puting wall.
Inabot ko ang celphone ko, alas onse y media na pala.
'BABE'
Nasa homescreen ng celphone ko. Hindi ko pa nga pala nababasa ang text niya kahapon.
Binuksan ko ito.
From: Babe
Message: Let's talk, please. Let me explain.
Anong klaseng paliwanag pa ba ang dapat kong marinig?
Hay.
Pumikit ako.
Tama na.
Masyado ko nang ginagawang tanga ang sarili ko. Mas magiging tanga ako kung papakinggan ko pa rin ang paliwanag niyang baluktot.
Nanatili lang akong nakapikit ng ilan pang saglit.
Ang totoo ay gusto ko pang matulog.
Gusto ko na lang na matulog nang matulog nang matulog para wala akong maisip at maramdamang sakit.
Ngunit pati sa panaginip ko ay ayaw rin naman akong bigyan ng katahimikan.
Gusto ko lang namang makalimot.
Kinuha ko na lang ang remote, pinindot ito at nagsigalawan na ang mga kurtina sa kaliwang bahagi ng aking kwarto.
Mataas na ang araw sa labas.
Nahagip ng aking paningin ang mga stuffed toys na nasa cabinet malapit sa bintana.
Ang lahat ng iyon ay galing kay Grant.
Nilibot ng aking paningin ang buong kwarto. Lahat ito ay may bakas niya.
Ang photo wall namin, lahat ng litrato sa lahat ng mga pinuntahan namin- restaurant, beaches, provinces, farms, lahat. Nandoon ang lahat. Kagaya din ng kwarto ko sa condo.
Sa tapat na ding ding ng aking kama ay may malaking frame, 1st year anniversary gift niya sa akin. Caricature naming dalawa na siya ang gumawa. Magaling kasi siya magdrawing, isa ito sa talent niya.
Sa likod ng pinto, may pangalan naming dalawa. Pinagpaguran naming pinturahan at lagyan ng design.
Ang wall mural sa kanang bahagi ng aking kwarto.
Mukha naming dalawa na ilang linggo rin niyang iginuhit.
Bakas ang saya.
Nakangiti at nakatingin sa isa't isa. Hawak niya ang aking pisngi.
Ginawa niya ito noong second year anniversary namin.
Everything in my room is about us.
Paano ko ba makakalimutan ang lahat kung sobrang dami ng mga ala-alang naiwan?
Paano ako mag-uumpisa?
Parang ang hirap ulit mag-umpisa sa simula. Nasanay na akong nariyan siya.
Parang ang hirap lang nang ganito. 'Yong alam mong mahal mo pa rin kahit na sinaktan ka ng todo todo.
Ang hirap isipin na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan at nagpasamahan naming dalawa ay ganito pa rin pala ang kahahantungan ng lahat.
Mauuwi pa rin sa hiwalayan. Gagawin pa rn pala niya 'yong mga bagay na kinakatakutan kong mangyari. Sinira pa rin niya ang tiwala ko bandang huli.
Hindi pa rin pala siya kuntento sa kung anong mayroon kaming dalawa.
Hindi pa rin ako sapat para sa kaniya.
"Hindi siya nakokontento, kasi hindi mo naman isinusuko ang sarili mo sa kaniya."
Naalala kong sabi ni Trixie sa akin nang minsang mapag-usapan namin si Grant at ang pangloloko nito noon.
"Kung mahal niya talaga ako, hindi niya hihilingin 'yon."
Naaalala kong sagot ko sa kaibigan ko.
Hindi naman kasi tama. Mga bata pa rin kami.
Pero, bandang huli. Naghanap pa rin siya ng iba para mapunan 'yong gusto niyang mangyari.
Iniisip ko na lang ngayon na kailangan kong maging matatag at malakas.
Hindi ko na dapat pang iyakan ang tulad niya.
Hindi man siya nakuntento, alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang sa kaniya.
Minahal ko siya ng labis ngunit hindi pa pala yata iyon sapat para maging masaya siya sa akin.
Naghanap pa siya ng iba.
Makakalimutan ko din siya.
Dahan-dahan...
Hindi ko naman kailangang magmadali.
Unti- unti...
Hanggang sa wala na akong maramdaman pang sakit...
Malilimutan ko rin siya.
Sa paglipas ng panahon, ang lahat ng ito ay magiging parte na lang ng nakaraan at magiging dahilan upang maging matatag ako sa buhay ko. Kakayanin ko ang mag-isa.
Balang araw, darating ang panahon na may makikilala akong tao na magmamahal sa akin sa kung ano ako, at sa kung ano ang kaya kong ibigay. 'Yong taong magmamahal sa akin ng buo at marunong makuntento. 'Yong taong takot rin masaktan at manakit kagaya ko.
Sa ngayon ay mamahalin ko muna ang sarili ko.