"Hey, Madsss!" excited na humalik sa aking pisngi Trixie pagkakita nito sa akin. Kasama niya ang dalawa pa naming kaibigan na si Macy at Shane na pareho ding bumeso sa akin. "Kamusta ka na?" tanong ni Macy. Ngumiti lang ako. Hindi ko alam kung anong sagot sa tanong na iyan sa ngayon. Sa ilalim ng puno ng acacia sa labas ng cafeteria ang aming meeting place tuwing umaga bago pumunta sa classroom. Nasa paligid pa rin ang iba naming mga kaklase. Maaga pa naman din kasi. "Miss President, magaling ka na?" tanong pa sa akin ni Dave nang mapadaan ito sa pwesto namin. Tumango ako at nagthumbs up rito. Si Dave ay class representative ng section namin. "Sure ka bang okay ka na, Mads?" hinawakan pa ni Macy ang pisngi ko. Ngumiti ako dito at saka tumango tango. "Medyo maputla ka pa

