Nang makarating kami sa condo ay tulog pa rin ito. Medyo matraffic kasi sa daan pauwi kaya medyo natagalan rin ang pagbyahe namin. Sumenyas ako kay Mang Fredie na okay lang na iwanan niya kami dito para makapagpahinga na siya. Itinuro ko pa si Gavin na mahimbing talaga ang tulog. Tumangu-tango naman ito at marahang lumabas ng sasakyan para hindi magising si Gavin. Hinayaan ko lang ito na magpahinga muna at sumandal sa akin dahil for sure, hindi na naman ito makakatulog ng maayos mamaya. Maaga pa naman ulit kami bukas para sa third day ng workshop. Nakatulog itong tangan ang aking kamay at nakaunan sa aking balikat. Yakap nito gamit ang isang throw pillow. Mahimbing ang tulog ngunit hindi humihilik. Tahimik lang itong natutulog sa tabi ko. Kung isisipin mo kung gaano kami hindi ma

