WARNING! Steamy scenes ahead! You have been warned. Chapter 37: First Night "Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo riyan sa laptop? Is that even important?" Muntik na akong mapatalon nang lumabas si Dee mula sa banyo. Ang bango! "A-ah... wala naman, Dee. Nag-status lang ako sa Facebook... Hehe." "You sure?" "Oo naman, Dee! Sure na sure! " Pasimple kong ini-shut down ang laptop at inilagay sa gilid. Buti na lang nai-screen shot ko agad at nai-bluetooth sa cellphone ko ang ni-research ko. FIVE WAYS TO SATISFY YOUR HUSBAND DURING YOUR FIRST NIGHT 1. Show him you're happy about marrying him. Siguro naman alam na ni Dee na masaya ako, 'di ba? Napatingin ako sa kanya habang unti-unti nitong tinatanggal ang bath robe sa kanyang katawan. Pero paano ko kaya maipapakita sa kanyang masaya ako?

