Chapter 36: The Wedding

2550 Words

Chapter 36: The Wedding Lalong kumabog nang malakas ang aking dibdib sa sobrang kaba. Parang may mga kabayong nag-uunahan sa loob nito. Bumukas ang gate na punung-puno ng puting bulaklak. Para siyang lagusan patungo sa isang paraiso na karaniwang nakikita ko sa fantasy. "Mama parang nagkaka-cold feet yata ako," bulong ko kay Mama na nakahawak sa kanang braso ko, nasa kaliwa naman si Papa. "Relax, anak. Masyado kang maganda para kabahan. 'Di ba ang isang dyosa ay hindi kinakabahan? Nakalimutan mo na ba?" Oo nga 'no! "Pero, Mama, Papa, hawakan ninyo akong mabuti, ah? Baka matapilok ako rito, uuwi talaga ako kahit hindi pa nag-uumpisa ang kasal," kinakabahang wika ko dahil sa totoo lang ay nanginginig na rin pati ang tuhod ko. Nagsimula kaming humakbang at pumainlang ang instrumental n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD