Chapter 2

1562 Words
CHAPTER 2 PAIGE'S POV   Napasimangot ako. Kung bakit naman kasi hindi ako pinagamit ng kotse nila Papa. Kesyo para daw mukhang naghihirap na talaga ako. Kaya ngayon, nagco-comute ako at nakasakay sa jeep dahil wala akong makitang taxi at male-late na ako.    Tiningnan ko ang lumang maleta na dala ko. Mabuti na lang at malaki iyon dahil napagkasya doon lahat ng kakailanganin kong damit. Syempre, hindi ako nagdala ng kahit na anong mamahalin para sa drama ko.   Sasabay na lang ako kay Aries mamaya. Iyon eh kung isasabay niya ako. But anyway, kailangan niya akong isabay dahil ayoko ng nagco-commute.   "Mama, gusto ko ng ganiyan!"   Bahagya kong nilingon iyong bata. Napakurap tuloy ako. Mukhang nagulat ang mga tao sa jeep ng bigla akong kumurap. May isa pa na talagang nilapit ang mukha sa akin at tinitigan ako. It's rude to stare, right? Hindi ba applicable sa akin ‘yon?   "Hindi pwede anak."   "Hindi naman siya ganon kalaki mama! Ang cute niya o!"   Aba't nang-insulto pa! Itali ko kaya ang batang babae na ito sa gulong ng jeep. Ipanglandakan pa talaga ang kaliitan ko. Alam kong hindi ako matangkad. Nasa 5 something lang ako. Pero imbis na maturn-off iyong iba ay parang mas lalo pa silang natutuwa sa akin.   Kahit saan ako pumupunta lalo na sa mall, imposible na may hindi lumapit sa akin. Kadalasan bata na nagpapabili ng katulad ko daw.   Napatingin ako sa labas. Malapit na pala ako. "Manong, para po."   Napangiwi ako ng biglang lumangitngit ang jeep sa biglaang pagpreno non. Grabe lang? Tiningnan ko ang driver at nakatingin naman siya sa akin. "Sige, Miss Beautiful. Ingat ka sa pagbaba."   Ngumiti ako at tumango. Bababa na sana ako kaso biglang nagbabaan iyong dalawang lalaki sa unahan at inabot sa akin ang kamay nila. Napabuntong-hininga na inabot ko na lang. Ibinaba din nila ang maleta ko.   "Thank you."   Naglakad na ako papunta sa Wright kaso muntik akong tumalsik ng may mabangga ako. Buti na lang hinawakan niya ako kaya hindi ako nagpagulong-gulong sa kung saan.   "Ano ba kasing-"   "Bakit ka nagcommute?"   “Aries! Haller? Naghihirap nga ako. Wala akong kotse."   "Bakit hindi mo sinabi?!"   "Bakit susunduin mo ako?"   "Oo!"   Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. Noong mag-on pa kasi kami, hindi nya ako pinagco-commute dahil kadalasan nagdadala lang ako ng gulo o napapahamak ako. Kaya kahit saan ako magpunta kung hindi ako yung nagda-drive susunduin niya ako.   "Fine. Eh di mamaya isabay mo ako papunta sa condo mo." Napatulala si Aries sa sinabi ko.   Ako naman ay nakangiting nilagpasan siya at nagtuloy-tuloy ako sa elevator.   Galing mo Paige! Wooo! May driver ka na mamaya!   Nakatingin lang ako sa pinto ng elevator dahil naiilang ako. Paano ba naman kasi nakahabol pasi Aries at ngayon ay tahimik na nasa tabi ko lang. At nakatingin sa akin.   "Stop looking at me."   "I'm not."   "Kitang-kita o."   Tinuro ko sa kaniya iyong reflection namin sa elevator. At napangiti ako ng nakita kong namula siya.   Nang makarating kami sa floor kung saan naroon ang office niya ay umupo na ako sa pwesto ko na kung saan kita pala si Aries sa loob. Tahimik na pumasok na siya doon.   Umupo na ako at ini-stretch ang katawan ko dahil nangalay ako doon sa jeep kanina. Wala na iyong secretary niya dati at bago siya umalis ay na-explain nya na sa akin ang lahat ng dapat ko na gawin. Naging komportable ako sa upuan ko kasi malambot naman.   "I need you here. I'm going to dictate some things." Nagulat ako ng biglang may tumunog. Ang intercom.   "Okay-"   Kakainis talaga ‘tong lalaking ‘to! Pinutol na agad, eh nakitang sasagot pa ako. Naiinis na pinindot ko ang intercom.   "What-"sagot ni Aries   Pinatayan ko din. Akala mo ha?   Tumayo na ako at kinuha ko ang hardbound notebook ko at ballpen pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng office ni Aries ng hindi kumakatok.   "Learn to knock." saway sa akin ni Aries   Nakasimangot na lumabas ako ng office nya. Pagkatapos ay kumatok ako at binuksan ko ulit ang pinto at pumasok. Nakakunot-noo at napapailing si Aries sa akin. Nagkibit-balikat naman ako at umupo sa harapan niya. Dumikwatro ako at inilagay sa lap ko ang notebook.   Tumingin ako kay Aries ng hindi pa siya nagsimula. I caught him looking at my legs. "Excuse me Aries- Boss. Libre ang tingin pero pwedeng magsimula na tayo?" tanong ko sa kanya   He cleared his throat. Pagkatapos ay nagsimula na. "I have a meeting with Korean investors tomorrow at ten in the morning. Another meeting is scheduled on two pm. I need a final report from the Sales and Financial Department and I want to have the report now of the Marketing Department na kahapon ko pa hinihingi-"   "Wait lang ho bossing ha? Maliit lang ang kamay ko at hindi ho keyboard ang fingers ko. Relax and breath. Hindi ka ba hiningal doon?"   "You really need to learn how to respect your boss."   "And you need to respect those who are under you, Bossing."   "Call me Sir." "Bawal na pala ang freedom of speech dito."    Napabuntong-hininga na lang siya at umupo. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagdi-dictate at tumayo ulit at nagtimpla ng kape habang nagsasalita. Dahan-dahan na nga lang ngayon.   "On Monday, I have to go to the east branch." Pagpapatuloy nya.   Sinulat ko iyon. Pagkatapos non ay umupo na siya sa harap ko. Inabot ko naman ang kape niya na iniinom niya kanina at sumimsim ako doon habang sinusulat ko ang sinabi niya. Nang binalik ko iyon ay nakita ko pa siyang titig na titig sa akin.   What did I do? Wala naman ah. Makatitig naman ‘to parang may ginawa akong weird. "What?" sita ko sa kanya   "Hindi iniinom ng secretary ang kape ng boss nila."   "Eh hindi mo ako ginawa eh."   "Hindi gawain ng boss na ipagtimpla ang secretary nila."   "Weh? Gawa-gawa mo lang yata yan eh. Whatever! Eh di sa susunod, ako na ang magtitimpla ng kape ko. Bahala kang magtimpla ng sayo."   "Ang secretary ang nagtitimpla ng kape ng boss."   "Sumusobra ka na. Bahala ka sa buhay mo. Basta kape ko, kape ko. Ang sayo, sayo. Damot!"   Inirapan ko siya at pagkatapos ay inayos ang notes ko. Isinulat ko pa sa pinakalikod na page: 'Monster ng coffee si Boss. Damot!'   "Okay na? Pwede na akong bumalik doon? May ipagagawa ka pa ba? Maglalaro pa ako ng moshi monster-"   "Bawal."   "Hindi bawal iyon kung wala namang ginagawa. So, may gagawin pa ba ako?"   "Yes. Kunin mo ang report sa Marketing."   Bumubulong-bulong na lumabas ako ng office nya. "Hindi pa nga ako kumakain eh!"   Nakasimangot na pumunta ako sa desk ko. At pagkatapos ay tinawagan ko ang Marketing Department at hiningi ang report. Ilang minutes na yata kaming nag-uusap dahil ang kulit noong lalaki sa kabilang linya.   "Eh hindi pa tapos-"   "The boss need the report now. Gusto mo bang masesante?" putol ko sa sinasabi nya   Natahimik ang nasa kabilang linya. "Wala pa ho kasing magdadala diyan-"   "So iyon lang ang problema? Bakit hindi ikaw ang magdala? Tapos na pala eh. Tinatamad ka lang dalhin."   "Kadalasan kasi iyong dating secretary ang kumukuha dito."   "Ano ka, walang paa? BRING THAT REPORT TO ME NOW O PUPUTULIN KO ANG PAA MO AT LAHAT NG PWEDENG PUTULIN SAYO!" Saka ko binagsak ko ang telepono.   Umiinit ang ulo ko sa kanila. Kung sa The Camp to malamang sa hindi nasesante na ‘tong lalaking ito. Tama ba namang katwiran yon? Kaasar!   "You’re terrorizing my employees."   Napalingon ako doon sa nagsalita. Si Aries. I rolled my eyes at him. "Dapat lang sa kanila iyon. Hindi nila ako pwedeng ganunin porke’t secretary ako. Sapak, gusto nila?"   Napabuntong-hininga nalang siya. “Here."   Itatanong ko pa sana kung ano ang nilagay niya sa ibabaw ng table ko pero tumalikod na siya at pumasok sa loob ng office niya. Nakasimangot na binuksan ko ang plastic bag ng hindi tinitingnan ang tatak. Para ngang may nakita akong lalaki na mukhang delivery boy kanina na hindi ko na lang pinansin dahil busy ako sa makulit na taga-Marketing Department na’yon.   Jolibee?   Namula akong bigla. Favorite ko ‘to eh. Burger steak iyong nasa loob. Favorite naming dalawa ni Aries. Laging ganito ang pagkain namin especially after we made-. Anyway, iyon nga, kasi minsan tinatamad na kaming magluto.   "Nasaan na ba ang higanteng secretary na iyon na may higanteng boses?"   Napatingin ako sa lalaking may dalang folder. Mukhang alam ko na kung sino siya. Siya iyong tamad na kausap ko sa telepono kanina.   "Akala mo kung sino. Tapos siya din naman incompetent. Wala sa pwesto niya. Makasigaw pa akala mo boss-"   "Ang dami mong sinabi. Akin na nga yan."   Napasigaw siya bigla. Dahilan para lumabas si Aries ng opisina nya. "What's happening here?" takang tanong ni Aries pagkalabas nya   "S-sir wala po. Nagulat lang ako sa manika. Este sa secretary niyo ho. Ito na ho iyong report."   "Bakit ngayon lang?"   "Hindi pa kasi tapos-"   "Liars go to hell, boy. Sabi mo kanina, walang magdadala. At dati sabi mo pa iyong secretary ang kumukuha. Meaning, gusto mo akong pababain doon at kunin yan."   Tumingin si Aries sa namutlang lalaki. "Warning Mr. Reyes. Yan muna ang ibibigay ko sayo. Kapag naulit ang pangyayaring ito, alam mo na ang mangyayari."   "Y-Yes sir."   Nagmamadaling umalis ang lalaki. Nakangiting tiningnan ko si Aries. "Thanks-"   "Kumain ka na."   Sweet, right?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD