CHAPTER 3
PAIGE'S POV
Aray! Ang sakit ng ulo ko, ang sakit ng kamay ko, ang sakit ng paa ko, ang sakit ng buong katawan ko. Akala ko hindi mahirap. Psh! Mahirap pala. Grabe naman kasi ang Boss ko. Kung saan-saan nagpupupunta. Kung anu-anong inuutos. Kung anu-anong pinapakuha. Report doon, report dito. Paige dito at Paige doon. I need this and I need that.
Tinitingnan ko ng matalim ang boss ko na sa kasalukuyang palapit na sa desk ko. Ano kaya ang pwede kong gawin?
a. Magtatago ako sa ilalim ng desk.
(Hindi pwede kasi makikita niya din ako.)
b. Tumakbo ako palayo.
(Yeah right. Para wala na ako na maabutang trabaho bukas.)
C. Sipain ko.
(Hindi lang ako mawawalan ng trabaho, masasampahan pa ako ng kaso.)
"Paige-"
"Ayoko na. Kagatin kita diyan eh!"
Wala naman siyang pakialam kahit wala ako sa mood. Grrr!
"Uuwi na tayo. Bilisan mo."
Nakasimangot na inayos ko ang mga gamit ko at sumunod kay Aries na nakalayo na dahil ang hahaba ng mga binti niya at malamang bibilis siya talaga.
"Wait lang ha? Alam mo namang maliit lang ang mga binti ko. Hindi katulad ng higante mong mga paa."
"Hurry up, gusto ko ng magpahinga."
Nakasimangot na sinundan ko siya dahil baka iwan pa ako at saang lupalop ng mundo ko pa sya hanapin. Though, alam ko naman kung nasaan ang condo niya. Pero ayokong magcommute. Mamaya saan pa ako mapadpad.
Dahil nagmamadali ako at hindi ko na pinapansin ang dinadaanan ko at nakatungo na lang sa mga paa ko at nagpopokus sa suot ko na sapatos na may mataas na heels dahil baka bigla na lang akong mag ala-dyesabel sa sahig ay bigla na lang akong bumangga sa kung sino dahilan para tuluyan na nga akong madapa.
"Aray! BWISIT KA ARIES LIAM WRIGHT! Lumapit ka dito para mabalian kita ng leeg!"
Pesteng sahig ‘to. Mana sa amo. Parehong baliw! Maraming mood swings! Hindi naman ako nadulas kanina tapos ngayon na dulas ako. Grrr!
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Ay wala, wala! Naisipan ko lang i-try magswimming dito."
Napangiwi ako ng maramdaman ko na kumirot ang puwit ko na parang pinalo ng frying pan ng ilang beses.
"Get up."
"Pwedeng saglit lang, Boss? Masakit kaya, try mo!"
Napailing siya pagkatapos ay bumuntong-hininga. Pagkatapos ay tinulungan niya akong makatayo. Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan hanggang sa elevator.
Kalma lang Paige. Kaya mo yan. Be calm. Wag mong sigawan si Aries the walking bulls eye. Wag mo na siyang pansinin kahit gusto mo na siyang gawing dart board.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo."
"Ako pa ang may kasalanan?! SISIHIN MO YANG SAHIG MO! MANA SAYO! Hindi man lang naglagay ng sign na wet floor yang alien na sahig na yan na mana sayo!"
Calm down. Wooo! Kalmado na ba yon? Pwede na ‘no?
"Okay."
“Okay, as in kakausapin mo iyong employee mo na galit sa tubig at ginawang swimming pool ang sahig mo?”
Tahimik na pumasok siya sa elevator at sumunod ako. Tapos tumingin siya sa akin bago tumingin sa pasaradong pinto ng elevator. "No, you tell him."
"Bakit ako?"
"’Cause you’re my secretary."
Sumuntok-suntok ako sa hangin. At binigyan siya ng pekeng ngiti ng humarap siya sa akin. Pagkatapos ay tahimik na tumingin na lang din ako sa pinto ng elevator. Maya-maya ay tumigil kami sa eight floor at may pumasok na dalawang lalaki na bumati kaagad kay Aries.
Okay na sana kung hindi lang panay ang tingin nila sa akin na nanahimik sa isang tabi pagkatapos ay tumitingin ng weird kay Aries tapos magbubulungan.
Alam ko na kung bakit. Kadalasan ganyan ang nangyayari noon kapag magkasama kami ni Aries noong kami pa. Think about it. Anong iisipin niyo kapag nakakita kayo ng lalaki na may kasamang 'manika' na supposed to be ay tao pero hindi niyo alam na tao iyon?
"Excuse me-"
Tinaasan ko ng kilay ang dalawang lalaki na biglang sumiksik sa gilid ng elevator at nanlalaki ang mga mata nakatingin sa akin. Si Aries naman, dedma lang.
"Tao po ako. Secretary ako at boss ko ang boss niyo."
Sunod-sunod na tumango sila pagkatapos ay mabilis pa sa alas-kwatro na lumabas ng elevator nang bumukas iyon. Napapailing na lumabas na rin ako. Kasunod si Aries.
Nagpunta kami sa parking area at in fairness, tinulungan naman ako ni Aries na ilagay sa
Compartment ang bag ko. Pagkatapos ay pinagbukas ako ng pinto at umikot na. Nangingiti ako. Gentleman pa rin. Sa tingin ko naman hindi na magbabago iyon kahit ilang babae pa ang bumigo sa kaniya since in born na yata sa kaniya iyon. Though hindi halata. Kasi mukha siyang suplado.
Nang makarating kami sa condo ay dire-diretso lang ako. Binati pa ako nang guard na naaalala pa pala ako. Pati na iyong ibang mga employee don. Since lagi akong nandito dati hindi pa nila ako nakakalimutan. Nang makarating kami sa unit ni Aries ay parang wala lang na kinuha ko ang susi na nasa bulsa ng suit niya pagkatapos ay binuksan ko ang pinto at pumasok. And like before nilagay ko sa table iyong susi-
Like before? Damn!
Napalingon ako kay Aries na nakatayo lang sa may pinto at nakatingin sa akin."Sorry. Old habits are hard to forget."
Nakita kong lumunok siya pagkatapos ay tahimik na pumasok. Binaba niya ang attached case niya sa may lamesa. And I tried my best not to help him untie his neck tie. Like I used to do everytime na uuwi siya galing sa trabaho noon.
I know. Parang magkalive-in na kami noon.
"Saan ako matutulog?" tanong ko
"Of course in my roo- I mean, may isa pa namang kwarto diyan. You can stay there."
"Okay."
Habang dala ko ang gamit ko ay dumiretso na ako sa guest room. Napalingon ako sa lamesa ulit at namula. When I looked at the couch, feeling ko mas namula pa ako. Pagkatapos ay sa isang parte ng pader na iyon. And on the carpet. And-
Stop Paige.
Pumasok na ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko. Pagkatapos ay nagpalit ako ng damit. A big big big t-shirt na may tatak ng linkin park na pag-aari ng Kuya Andreige ko. Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto.
Dahil may naaamoy akong nagluluto, dumiretso ako sa kusina kung saan naabutan ko si Aries na kasalukuyang nagluluto at may suot pang apron. Masarap magluto si Aries.
"Ano yan?"
Hindi siya lumingon sa akin. "Adobo. Chicken lang ang laman ng refrigerator ko."
"Cool! Pahingi ako ha?"
"’Kay."
Tipid naman magsalita. Nagmake-face ako at kung anu-anong pinaggagawa ko. Napatigil lang ako ng bigla siyang lumingon at nilagay sa bowl iyong adobo.
Nakita kong hinagod niya ako ng tingin. Tapos kumunot ang noo. "Kaninong T-shirt yan? Sa ex mong rocker? Bakit parang pang-adik?"
"Makapagsalita ‘to. Linkin park ‘to. Kay Kuya Andreige ang T-shirt na ‘to. At hindi adik ang kuya ko at ang ex-rocker boyfriend ko, ang cool kaya non. He really rocked my world, get, get aw!"
"Eh di doon ka na!"
Aray! Makasigaw naman. "Ayoko nga. Kaya nga ako tinakwil dahil sa kaniya diba?"
"Tapos sa akin ka pupunta?"
"Whatever. Break na naman kami."
"Bakit?"
"Ayoko na ng rocker. Gusto ko iyong soft naman."
Masama ang tingin na lumingon siya sa akin. "If you want a soft man go to Dragon."
"Har har." Si Dragon ay ang baklang stylist ng kaibigan ng kapatid na babae ni Aries. Sabi ko soft. Hindi bakla.
"Bakit hindi ikaw? Hindi ka soft?"
"Hindi ako soft. I'm passionate. And wild too if I want too. You should know that. But I'm out of your list."
"Why?"
"Because you dumped me. Two years ago."
Natahimik ako. Oo nga pala. Ako nga pala ang may kasalanan. Dahil basta ko lang siyang ibinagsak ng walang lingon-lingon kahit na sobra niya akong minahal.
“Eat."
Tahimik na kumain ako at ganoon din si Aries. Walang umiimik sa amin.
"ARAY!" napatili ako.
Nasugatan ako sa kamay nang maliit na buto ng manok na kanina ko pa pinaglalaruan. At dahil makulit ako ayon, nasugatan ako sa hintuturo. Napapikit ako dahil sa katangahan ko. Until I feel something warm envelop my finger.
"Aries! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Stopping the bleeding."
Nanlaki ang mata ko ng ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya.
Uh oh, Paige. You're in really deep trouble.