Chapter 4

1782 Words
CHAPTER 4 PAIGE'S POV   I really really hate my life! Ang boring sa condo ni Aries at halos hindi ako makatulog dahil alam Ko na nasa kabilang kwarto lang siya. And after that incident sa kamay ko na sinubo niya-whatever. Basta. Nalaman ko na talagang hindi pa ako immune kay Aries. Though, nakamove-on na siya atalam ko na hindi na niya ako mahal. It doesn’t change the fact na ako ang naapektuhan.    Napatingin ako sa office ni Aries kung saan nakikita ko siya mula dito.   "Sakto walang secretary-"   Napalingon ako sa nagsalita. Nakita kong papunta na sana sa office ang isang babae na parang kinulang sa tela yung damit sa sobrang nipis at ikli ng mga iyon. Nagdamit pa.   "Excuse me."   Napatalon siya at napatingin sa akin.   Grrr! Meron bang araw na walang mag-iisip na hindi ako tao?   "May appointment ho ba kayo?" tanong ko sa kanya   Mukhang nakabawi na iyong babae sa pagkabigla. Tumaas ang kilay niya at tiningnan ako. "Sino ka ba?"   "Obviously, the secretary."   "Whatever. Kailangan kong makausap si Aries. I'm his wife."   Grabe! Kakaiba din ang babaeng ito. She didn’t even blink with her lie. Actually, napag-usapan na namin ni Aries ‘to. May ilang babae daw ang ilang beses ng nagpapanggap na asawa niya para lang makausap siya. Yun daw yata ang nagpapahirap sa dati niyang assistant. I know may ilang babae na nasisindak kay Aries kaya hindi na siya nilalapitan. Pero may mga ilan din na talagang makakapal. Katulad ng babaeng ‘to.   "Really? Kailan pa kayo nagpakasal?"   "Two years ago pa. But- wait, bakit ka ba nakikialam?"   Two years ago? This woman must be joking.   "Ah, you’re making me laugh. Two years ago? Really? I'm sorry to burst your bubble pero noong may imaginary kang asawa, kasalukuyan na ako ang fiancee ni Aries. Two years ago."   "That's not true! Wala pa siyang asawa, you b***h!   "Whatever. Sayo na rin nanggaling, wala pa siyang asawa. Wala pa talaga siyang asawa. Not me, and not you. Since I called the wedding off two years ago."   Nanlaki ang mga mata niyadahilan para mapangisi ako. "Run far away now, dear. Kapag nakaalis ako sa desk na ‘to at nakalapit ako sayo ihuhulog kita sa unang bintana na makikita ko."   Mukhang nasindak naman siya kaya tumalilis na siya ng alis. Kung mukha akong magandang manika kapag nakangiti ako or alam ang itsura ko, once na galit ako, mukha na akong killer doll. Na maganda pa rin, of course.   Lumingon ulit ako sa office ni Aries ng maramdaman ko na may nakatingin sa akin. Naabutan ko doon si Aries na nakatayo sa glass wall at mukhang kanina pa kami pinapanood nang 'fan' niya. Maya-maya ay umalis na rin siya.   Nakasimangot na bumalik na ako sa pwesto ko. Wala na naman akong ginagawa. Dahil ang dali lang naman ng mga pinapagawa sa akin katulad ng pagse-send ng mail sa mga business associate ni Aries at nabasa ko na din ang mga kailangang supplies.   Sinagot ko ang telepono ng tumunog iyon. "Good Afternoon, this is Paige Lawrence from Wright Company, how may I help you?"   "I want to speak with Mr. Wright."   "Name please."   "N-name? Hmm, Trixie Lopez."   "Sorry Ma'am, pero kasasabi ko lang kanina na run away as far as you can. Now, kung mangungulit ka pa, hahanapin na kita ngayon at dadalin kita dito pagkatapos ay ihuhulog kita sa bintana. Have a good day."   Anong akala niya sa akin? Tanga? Iyong babaeng tumawag ay walang iba kundi ang babaeng pumunta rin dito kanina. Naiinis na kinuha ko ang pocketbook na nabili ko kanina sa baba ng mapadaan ako doon ng iniwan ako ng boss kong masungit at tuloy-tuloy na naglakad. At dahil wala naman akong ginagawa ay magbabasa na lang ako. Well, I don’t like reading cheesy stories. Kaya imbis na mag-enjoy ako sa binabasa ko ay lalo akong nainis dahil sa pinaggagawa ng bidang babae.   "Ayaw na nga sayo bakit mo pa ipipilit? ‘I can’t live without you?’ Isa kang malaking baliw! Nabuhay ka nga ng- wait, ilang taon ka na nga ba? Hmm, 25. Nabuhay ka ng 25 years na wala ang lalaking yan tapos 3 months lang na nagkakilala kayo hindi mo na kayang mabuhay ng wala siya?"   Naiinis na nilipat ko iyong page at lalong kumulo ang dugo ko. "Ipagpipilitan mo ang sarili mo, eh mas gwapo pa yung besfriend mo? Mahal ka pa. Tsk tsk. Ang mga in love nga naman."   Nakasimangot na pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Hanggang sa makarating ako sa gitna kung saan kasalukuyang gumagawa ng kababalaghan ang mga characters.   "What the hell! I touch his face and he kissed me? Then boom! It’s the best night of my life. Anong klaseng bed scene iyon? Walang action? Walang 'Uugh! Ooohhh!' Mas magaling pa kami ni Aries dito eh. Wala man lang thrill! Wala-"   "Wala ka bang ibang gagawin? Hindi gawain ng secretary ang magbasa ng pocketbook kapag office hours."   Nilingon ko ang nagsalita na istorbo sa pakikipag-away ko sa binabasa ko. Si Aries. Na mukhang kanina pa nakatayo sa harapan ko.   Ibig sabihin, narinig niya lahat ng sinabi ko? Yung...yung- "K-kanina ka pa diyan?"   "Oo."   Oh, damn.   "Natapos mo na ba lahat ng pinapagawa ko? Hindi nagbabasa ang secretary kapag oras ng trabaho."   "Hindi naman nakalagay sa rules specifically na bawal magbasa. At saka tapos ko na naman iyong ginagawa ko ah!"   "Oras ng trabaho."   "Bitter ka lang, kasi nabo-bored ka."   "Paige-"   "Don’t use that tone on me Aries Liam Wright. Here. Basahin mo yan ng hindi ka bitter."   Inabot ko sa kaniya ang pocketbook. Akala ko aalis na. Imbis na umalis ay sumandal pa sya sa counter at nagsimulang magbasa. Sa part kung saan merong ginagawang kababalaghan ang mga characters. Pagkatapos ay binaba niya yon sa harapan ko. Nakatitig lang siya sa akin kaya naiilang na kinunutan ko siya ng noo.   "What?"   "You're right."   "I know I'm always right. Pero on what?"   Tama ka. Mas magaling pa tayo diyan sa binabasa mo."   "Aries-"   "We're really better than that book. Soft to hard. Innocent to wild. Slow to fast. Bed, shower, carpet, standing, office table, car and on my private elevator."   “You’re insatiable”   "I know. Especially when you're around."   Lalo yatang namula ang mukha ko.   "Bumalik ka na sa office mo." Pagtataboy ko sa kanya   Ilang sandali na tumitig sa akin si Aries. Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad pabalik sa office niya. But not before I saw the fire visible on his eyes.   Fire. Napatili ako ng sumarado na ang pinto niya. I can’t help it. "No! No, Paige! Hindi ka pwedeng kiligin. Hindi pwede! 25 ka na!"   Nakakainis! Stop it heart. Wooo! Relax. Inhale, exhale.   Napatigil ako ng biglang pumainlang sa paligid ang The One That Got Away. Sinagot ko iyon. "Hello?"   "Paige, si Hade ‘to. Nandito ako sa labas ng office niyo. Ipinadala sa akin ni Craige ang mga iba mong damit. Baka kailanganin mo daw."   "Okay. I'll be right there."   Tumayo na ako at pagkatapos ay lumapit ako sa office ni Aries. Binuksan ko ang pinto at sumilip.   "Oy, boss." Tawag ko sa kanya   "What?"   "May kukunin lang ako sa baba, bye!"   Tumakbo na ako palabas. Mamaya pigilan pa ako non at maglitanya na naman about sa 'dos and dont’s' ng mga secretary. Nagmamadaling tumakbo ako papunta sa labas kung saan naabutan ko si Hade na nakapark sa tapat ng office habang nakababa ang hood ng sasakyan niya at malakas na tumutugtog ang 'And I'm telling you' ni Charice. Favorite song niya yan at favorite niyang mag 'No. No. No. No way'. Siya ang bumabasag sa ear drums namin sa The Camp at ang ex niya na si Quin na bumibirit ng 'I will always love you'   "Hoy! Itsura mo? Sinong namatay? Aso mo? Bakit itim na itim ka yata ngayon? At yang buhok mo, hindi kaya lahat ng butiki na bumagsak diyan mamamatay? Pero in fairness, ang gwapo mong tingnan."   Lumingon siya sa akin at kumindat. Problema nito?   "Matagal na akong gwapo my loves. Ito na iyong mga gamit mo na naiwan mo sa condo ko."   "Ha?"   Anong loves? Anong condo? Delusyonal na yata ang taong ‘to. Nagtatakang nakatingin ako sa kaniya ng binaba niya ang mga gamit. Pagkatapos ay binaba niya yon sa paanan ko at pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko.   Then he leaned on me. "Umayos ka. Sabi ni Craige, eto daw ang gawin ko-"   "Who the hell are you?!"   Napangiwi ako sa lakas ng boses ng taong biglang sumigaw sa likod ko. Pagkatapos ay bigla akong hinila. Kanina nakapaloob ako sa mga braso ni Hade pero ngayon, nakapalibot na sa akin ang mabangong amoy ni- Aries?   "Sorry, sir. Binalik ko lang ang gamit niya." Sabi ni Hade   Sumaludo pa siya pagkatapos ay sumakay na sa sasakyan niya. Nakatulalang nakatingin lang ako sa sasakyan ni Hade na palayo bago ko naramdaman na bigla akong umangat.   "Aries, bitawan mo ko!"   "At ano? Para makabalik ka sa boyfriend mong mukhang adik?"   "Hindi nga siya adik."   "Wag mo na siyang ipagtanggol!"   Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero mukhang walang pakialam si Aries. Tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makarating kami sa office niya. Ibinaba niya ako sa sofa.   "What the hell is your problem, Aries?!"   "Problem? Ikaw! Ikaw ang problema ko. You barge into my office, into my company and into my life like nothing happened. Like you didn’t broke me into pieces before. Like you didn’t dumped me. You know what's the funny thing about it? I let you. I even let you stay in my place while everytime, you kept on rubbing to my face the fact na noong ako nagluluksa sa paghiwalay natin ay ikaw ay nasa bisig ng ibang lalaki! Now you’re asking me what's the problem?"   Unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Right. It's my fault. Pero kailangan ko ‘tong gawin. Para kay Aries. Para maligtas ko siya. And heaven knows I don’t want to come back here. Ayokong makita niya ako. Dahil alam kong masasaktan ko na naman siya.   "I'm sorry, Aries. Aalis ako kung… kung ‘yon ang makakabuti."   Siguro, babantayan ko na lang siya sa malayo. I can’t hurt him like this. I don’t have any choice. I can’t continue this mission if I'm just hurting him.   "No."   "What? But..."   "You signed a contract. Hindi ka pwedeng umalis."   "Aries..."   "You need to stay Paige."   "No. I need to get away from here-"   To my surprise, he kissed me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD