Chapter 5

1954 Words
CHAPTER 5 PAIGE'S POV   Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil hindi namin kailangang mag-explain sa isa't isa. O dapat akong magalit dahil ang hinayupak na Aries na iyon ay parang walang nangyari kung kumilos. After that…that...kiss. Hindi na ako pinansin. Nag-ala boss mode na naman siya at inutusan ako ng inutusan.   "Miss Paige, pahingi naman ng number."   Tiningnan ko ng masama si Denis Reyes. Iyong tamad na taga Marketing Department na ayaw magpasa ng report noon. Kanina pa yan dito.   "3."   "Ha?" takang tanong niya   "Ayon. Number gusto mo diba? 3. Number 3."   "Eh Paige naman. Gusto ko iyong number mo para naman matawagan kita-"   "Hindi tayo close kaya Ms. Lawrence for you at hindi ako namimigay ng number sa mga hindi tao. Tsupi na, okay? Ayan na si boss. Kapag nagalit ‘yan lagot ka."   Mukhang nasindak naman siya dahil tumakbo na siya paalis. Tumingin ako kay Aries na galing yata sa baba. Basta. Lumabas siya kanina.    Naningkit ang mga mata ko ng mapadaan siya sa harapan ko at hindi man lang ako tiningnan at nagdire-diretso lang siya sa office niya. See that?   Anak ng tupa na pinanganak ng palaka. Sakalin ko kaya ‘tong lalaking na ‘to at itapon ko sa bundok ng tralala?   "I HATE YOU! Nakakainis ka! Halik ka ng halik tapos hindi mo ako papansinin? Anong akala mo sa akin? Babae sa kissing booth?! Mapapatay kitang-"   Napatigil ako bigla dahil lumabas ng office niya si Aries. May dala siyang attached case at lumapit sa akin. "Uuwi ka na Boss? Bye!"   "No. May business meeting ako sa Tagaytay at sasama ka."   "Ano naman gagawin ko don?"   "Maglibot ka. Basta sasama ka sa akin."   Nakasimangot na kinuha ko ang gamit ko at sumunod na kay Aries papunta sa elevator and fortunately ay hindi ako inabot ng malas at nadapa. Nang makarating kami sa baba ay dumiretso na kami sa kotse niya. Tahimik lang ako ng bumiyahe na kami. Nakakailang kaya.   Whatever. Kung gusto niyang kalimutan ang halik na iyon eh di kalimutan. Care ko naman.   "Saan ba tayo pupunta boss?"   Inabot ko ang mineral water ko at uminom habang iniintay ko ang sagot nya sa tanong ko.   "Sa 'The Camp'."   Naibuga ko ng wala sa oras ang iniinom ko. Inihit ako ng ubo. Naramdaman ko na lang na nakatigil na kami at may humahagod sa likod ko habang patuloy ako sa pag-ubo. "Hinay-hinay kasi sa pag-inom. Hindi ka naman tatakbuhan niyan."   Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin. Kasalanan ko ba na nagulat ako na pupunta kami sa The Camp? Kilala ni Aries ang pamilya ko. Nakita niya na ang mga kapatid ko maliban kay Kuya Craige. Nakapunta na siya sa bahay namin. Pero hindi pa siya nakakapunta sa 'The Camp'. At hindi ko din sinabi sa kaniya na kami ang may-ari non.   "Anong gagawin mo sa The Camp?"   "May ka-meeting ako doon."   Tumango ako. Pagkaraan ng ilang sandali ay pinatakbo na ulit niya yung sasakyan. Tahimik lang ako at kinuha ko ang phone ko. Binuksan ko yung likod non at binaligtad ko ang sim. At iyong battery.   Nagtataka kayo ‘no? Of course, may sariling invention ang The Camp since it's a Secret Agency too. May ilan sa amin ang nagspecialize sa mga pag-iinvent ng mga ginagamit namin na gadgets.   Kaya ko binaliktad ang battery at sim ay dahil private line iyon ng mga agents ng The Camp. Kapag sa kabilang side iyon ang normal lang. Nang bumukas ‘yon ay tinapat ko ang thumb ko sa screen. Bahagya kong tiningnan si Aries at nang makita kong hindi niya napapansin ang ginagawa ko ay nagpatuloy ako. Nagflash sa screen ang name ko. Pinindot ko ang section na nakalagay ay 'agents' at pagkatapos ay hinanap ko ang pangalan ko. Nang mapindot ko na ang profile ko lumabas doon ang mga naging past mission ko and some information about me. Nakalagay din doon kung ano ang current mission ko.    May mga ilan pa akong ginawa doon. Then I send the information about my mission to the other agents. Para incase na hindi alam noong iba. At sinabi ko rin doon kung saan kami papunta ngayon. Nang mainip na ako ay tinanggal ko ang suot kong shoes na may 3 inch na heels at pagkatapos ay pinatong ko ang paa ko sa dashboard.   "Hindi gawain ng secretary na ipatong ang paa niya sa dashboard ng kotse ng boss niya-"   "I don’t care. Inaantok ako."   Tumagilid ako at pumikit. Bahala ka diyan.   Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta nagising na lang ako ng may naramdaman akong dumampi sa mukha ko. Ng paulit-ulit. Napadilat ako ng wala sa oras. "Aries?"   "Buti naman nagising ka na. Kanina pa kita ginigising."   "Dapat inalog mo na lang ako o kaya tinapik mo ako. Magigising ako kaagad non."   "I have my own way, baby."   Baby? Damn it. Ganun iyong tawag niya sa akin dati. "Aries-"   Anak ka ng tinapa ARIES LIAM WRIGHT! Tama ba namang talikuran ako? At iwan ako dito sa loob? Nagdadabog na sinuot ko ang sapatos ko at sumunod na rito. Nasa tapat na kami ng The Camp. Home.   Sinundan ko si Aries na itinaas lang ang susi ng kotse at may pinindot para sumara ‘yon. Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na siya sa loob. At dahil sa suot kong heels hindi ako makatakbo ng maayos lalo na dito sa parte na’to ng The Camp na mabato kaya nakasimangot na inalis ko iyon at ibabato na sana sa walang yang Aries na ‘yon.   "Easy, Paige."   Nilingon ko ang humawak sa akin. Si Hade. Lalong dumilim ang paningin ko kaya sa kaniya ko pinalo ang hawak ko na sapatos. "Aray!"   "Dapat lang yan sayo! Anong trip mo kahapon? Gusto mo ipakain kita sa pating?!"   "Utos ng Kuya mo ‘yon."   "Magsama kayong dalawa!"   Hindi ko na siya pinansin ng tumawa siya at tumakbo na ako papasok sa loob ng 'The Camp'. Naabutan ko si Aries doon na napapatulala sa bell boy na ngayon ay kausap na niya. Pierre. Hindi na ako nagtataka kung bakit namamangha si Aries sa paligid niya. Lahat kasi ng mga employee dito ay mga agents. Mga nag gagandahan at nag gagwapuhan na mga agents.   "Sa 'Craige' po ba kayo may ka-meeting? Samahan ko na po kayo. May kasama ho ba kayo?" tanong sa kanya ni Pierre   "Ako."   Lumapit ako sa kanila. Sinuot ko na ang sapatos ko at nginitian si Pierre. Nakita kong may sumilay na pilyong ngiti sa mga labi niya nang tiningnan niya si Aries. Pagkatapos ay binalik ang tingin sa akin.   "This way Sir, and Paig- Ma'am."   Sumunod na kami sa kaniya. Kumaway pa sakin si Thea na nakita kong dumaan. Nang makarating kami sa loob ng 'Craige' ay naabutan namin ang ka-meeting ni Aries na si Mr. Tan. Ipinakilala ako ni Aries at pagkatapos ay umorder na kami. Pagkaraan ay umalis narin si Wade, isa ring agent.   "Ang ganda dito ‘no?" tanong ko kay Aries   Tumango si Aries. Maya-maya lang ay dumating na ang mga pagkain. Habang kumakain ay nagdi-discuss si Aries at si Mr. Tan tungkol sa mga kaek-ekan sa business. At dahil sa wala ako sa mood na makipagkwentuhan sa kanila ay nagpaalam muna ako nang matapos akong kumain. Naglakad ako hanggang makarating ako sa counter kung saan naabutan ko si Kalia.   "Psst." Tawag ko sa kaniya   "Makasitsit naman ‘to. O anong news sa super hot mong ex?"   "Ayon, kasalukuyan akong pinahihirapan at inaalila."   "Di nga? Matitiis ka ba naman niyan? Tingnan mo naman, ang macho, ang gwapo, ang hot, ang super hot., ang super duper hot, ang-"   "Ang ganda ko. Kaya bagay kami." Putol ko sa sinasabi nya   Tumaas ang kilay niya tapos ngumiti. Napatingin kami sa pinto ng kitchen ng lumabas doon si Yale, ang gwapong kusinero. May suot-suot pa siya na chef hat at nakabukas ang apat na butones ng damit niya. Kaya mukha siyang gigolo na chef. May dala-dala siyang platito na may pink at mukhang yummy na cake.   "PAIG-"   "SHHHH!" magkapanabay na saway namin ni Kalia kay Yale   Nakangiting lumapit siya sa amin pagkatapos ay umakbay siya sa akin at ginulo ang buhok ko.  "Kamusta na may dear little doll? Ang cute cute mo pa rin. Nakita ko sa cellphone ko kanina na papunta ka dito kaya inihanda ko na ang bago kong cake. Favorite mo ‘to - strawberry."   Kinuha ko yung platito at tumikim. As usual, masarap kaya nagsunod-sunod na naman ang subo ko. Tiningnan ko si Yale. "Isarado mo nga yang uniporme mo. Mukha ka na namang nagbebenta ng aliw."   Napa-pout sya. "Mainit kaya sa kusina. Okay na ‘to. Alam ko naman na maraming nagnanasa dito kaya gusto ko lang silang pagbigyan na makita ang super hot kong body."   "Mayabang ka. Doon ka na nga."   Naglungkot-lungkutan siya at pumunta sa tapat ng pinto ng kusina. Tapos malungkot na kumaway. "Sira! Pasalamat ka masarap ‘tong cake-"   "I love you na talaga, baby doll! Enjoy sa cake! Mag-e-experiment muna ako."   Napatawa kami ni Kalia nang pumasok na siya sa loob. Ang weird talaga ng lalaking iyon.   "Paige-"   "SHHH!" magkapanabay pa ring saway naman ni Kalia   May lumapit sa amin na lalaki. Isang gwapo 'syempre' na lalaki na kasalukuyang may hawak na mop ngayon. "Ikaw ang janitor ngayon?"   "Yup. Kamusta? Ngayon lang kita nakita ulit dito ah."   Meet Wallace. Or Lace. Nagkaroon siya ng mission kaya ngayon lang kami ulit nagkita.   "Bakit mukha kang haggard?" tanong niya.   "Ikaw ba naman magkaroon ng workaholic na boss. Minsan lang yata siya dinadatnan ng pagod."   "Aww…Kawawa naman ang doll ko."   Yup. Doll. Yan ang tawag nila sa akin dito. Naramdaman ko na yumakap siya sa akin. Hindi iyon nagtagal dahil marahas na may humablot siya at sinuntok siya.   "Aries!"   Napatingin ako kay Lace na kasalukuyang nakahandusay na sa sahig. Napatingin ako sa glass wall sa labas at nakita kong nagbabaga ang tingin ni Haidi na girlfriend ni Lace. Sinenyasan ko na lang siya na huminahon.   "Ano ka ba?!"   "Halika na."   Hindi na ako nakaimik ng bigla nalang niya akong hinila palabas. Wala na rin si Mr. Tan kaya malamang tapos na silang mag-usap. Tuloy-tuloy kami sa parking. Nakasalubong namin si Hade. Lalong nagdilim ang tingin ni Aries kaya binitawan niya ako at sinuntok si Hade na walang kamuwang-muwang pagkatapos ay hinila na niya ako paalis. Nakita ko pa si Quin na kasalukuyang tinatawanan si Hade.   Hinila ko ang kamay ko ng makarating kami sa parking. Nang hinawakan niya iyon ay hinila ko ulit. "Kamay ko ‘to kaya akin ‘to! Ano bang problema mo?"   "Damn it, Paige! Ikaw lang naman ang problema ko."   "Ano bang ginawa ko? Wala naman ah!"   "Nakikipagyakapan ka sa lalaking yon!"   "Stop shouting at me, Aries! Wala kang pakialam kung sino ang yakapin ko. Ano ba tayo? Wala naman di ba? After you kissed me hindi mo na ako pinansin. So, ano naman ngayon? That kiss means nothing to you!"   "Don’t judge me easily Paige. Hindi ganon kadali magpatawad lalo na sa taong sinaktan ka ng sobra. That kiss means something to me. So please, wag ka ng lumapit sa ibang lalaki."   "Gagawin ko kung anong gusto ko."   "No. You can’t. You’re mine Paige. You’re always been mine."   You can’t Paige. You can’t have another relationship with him. You know that. That's why you broke up with him. You can’t lead him on again. No matter how many times he'll kiss you in the future. You can't. And you shouldn’t take him into your life again.   Tiningnan ko si Aries. "Nobody owns me Aries. I made that clear to you before."   I'm sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD