CHAPTER 6
PAIGE'S POV
Kasalukuyan akong nandito sa guest room ng condo ni Aries. Tahimik kaming nagbyahe papunta dito. Alam ko na nasaktan siya sa sinabi ko. Iisa lang ang sinabi niya sa akin ng makarating kami dito.
'You're still my secretary. And you can still stay here.'
Ang complicated lang ng buhay namin. Pero naniniwala kasi ako na - out there, there's a right woman for Aries. Unfortunately, it can’t be me. I can’t be that woman.
Kung sana pwede lang. But I can’t. Nangyari na iyon kay kay Kuya Craige noon. Nain-love siya. Pero dahil sa kaniya, namatay ang girlfriend niya. Hindi ako naniniwala na kasalanan ni Kuya. Kuya ko siya eh. Pero lahat kami alam na hindi man namin kasalanan, pero ang trabaho namin meron.
Dahil sa isang dating mission ni Kuya, napahamak si Raine. She died in Kuya's arms. Ayokong mangyari sa akin iyon. That's the reason why. Ang rason kung bakit lumayo ako kay Aries. Rason kung bakit protective sila Kuya Andreige at si Kuya Marveige sa mga babae sa buhay nila ngayon.
Hindi namin gusto na mangyari sa amin iyon. And I don’t know, if I can protect Aries. Buti pa sila Kuya, alam na ng mga girlfriend nila ang tungkol sa kanila. Dahil naging mission nila ang mga girlfriend nila. Pero hindi kami ganoon ni Aries. Dahil wala siyang alam tungkol sa totoong ako.
***FLASHBACK***
"s**t! Muntik na ako don ah."
Kasalukuyan akong may hinahabol na wanted na lalaki. Sa totoo lang, bihira kaming magkaganito na mission. Kadalasan kasi pang matagalan ang mission namin at kinakailangan lang ng cover. Kaso, special mission ‘to at ako ang nabigyan. At dahil nga sa kakahabol ko sa lalaking iyon hindi maiiwasan na walang suntukan ang magaganap. At muntik na niya akong mabaril kanina. Buti na lang nakakilos ako kaagad. Ang kaso, ayon nga, nakatakas ang walangya. Tinawagan ko na lang si Kuya Andreige dahil baka hindi ko na mahabol ang lalaking yon.
"I'll be there."
"Thanks, Kuya!"
Tumakbo na ako. s**t! Kailangan ko ng sasakyan. Nagpalingon-lingon ako since maraming sasakyan dito. Hihiram muna ako. Ang kaso, tinatamad ako na mangalikot ng kotse. There! May lalaking kasalukuyang may kinukuha sa passenger seat ng kotse niya. Dali-dali akong tumakbo at lumapit sa kaniya. Nang makalapit ako ay tinulak ko siya papasok sa passenger seat.
"What the-"
Hindi ko na siya pinansin at umikot na ako at sumakay sa driver side. Nang makaupo ako ay pinaharurot ko na ang sasakyan na’yon.
"Sino ka ba? F*ck! Kinacarnap mo ba ang kotse ko?"
"Excuse me, Mister Slow! Kung ca-carnapin ko ang kotse mo, dapat hindi na kita sinama."
"Maybe you're one of the girls who's running after my body-"
"Excuse me again. Aanhin ko ‘yang katawan mo eh may sarili naman akong katawan? Wag ka ngang istorbo diyan."
"You’re using my car."
"Pahiram muna."
Hindi na siya nakasagot dahil mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Nakalayo na iyong wanted boy na yon I'm sure. There! May inabot ako na baseball bat na nakita kong nakalagay sa likod ng kotse ng lalaking kasalukuyang masama ang pagkakatingin sa akin. Hindi ko na siya pinansin at inihinto ko ang sasakyan.
Mabilis akong lumapit sa wanted na lalaking akala ay ligtas na siya at natakasan na ang batas sa mga murder and r**e na ginawa niya. Akala niya lang ‘yon. Nilapitan ko siya at pinalo ng baseball bat. Tulog. Nakita ko si Kuya Andreige at tinuro ang wanted na lalaki. Tumango lang siya. Nakangiting bumalik ako sa car nang stranger na masungit.
"Saan mo na naman dadalhin ang kotse ko? Sino na naman ang papaluin mo?"
"Ihahatid na kita. May kasalanan lang kasi ang lalaking ‘yon."
"Kaya mo pinalo?"
"Pinatulog ko lang."
"Hindi tama ang ginawa mo."
"I know. Ex ko kasi ‘yon."
Natahimik siya. Psh! Iyon lang pala ang makakapagpatahimik sa lalaking ‘to. Nang makarating kami sa tapat ng isang restaurant kung saan siya nakastop noon ay bumaba na ako.
"Thanks." Pasasalamat ko sa kanya
Tuloy-tuloy na akong naglakad.
"Hey!"
Nilingon ko iyong nagsalita. Si 'stranger'. "Yes?"
"I'm Aries. Ano…anong- nevermind."
Pa-cute. "Psst!"
Lumingon siya. "Ano?"
"I'm Paige."
"Paige, naniniwala ka ba sa destiny?"
Napangiti ako. "No. Pero ngayon, naniniwala na ako."
***FLASHBACK ENDS***
Ilang beses akong lumabas noon kasama siya. Nag-e-enjoy naman kasi kami na magkasama. Hanggang sa nanligaw siya. At pagkatapo ay naging kami. First kiss. First night. Lahat ng first sa’kin. Pero hindi ko sinabi sa kaniya kung ano talaga ako. Pagkatapo ay inaya niya akong magpakasal- the happiest day of my life.
Pero namatay si Rainee. Namatay ang puso ng kuya ko. At sa lahat ng oras na nakita ko siyang umiiyak, nabuo ang takot sa puso ko. Naglabasan ang mga tanong. Questions that even now I don’t know what's the answer. Kakayanin ko ba kapag nawala siya? Will he accept me for what I am? What should I do? Then Imade a decision. I decided to leave him.
Tao lang ako. Marunong akong matakot. At kahit sino na nasa kalagayan ko, alam ko na gagawin nila ‘yon. ‘Cause when you love someone, their safety will always come first. Hindi kamartiran iyon.
Nanghihina na tumayo ako at nagpalit ng swimsuit. Pagkatapos ay lumabas ako. Tulog na yata si Aries. Buti ‘yon. Ang awkward lang kasi.
Nagtuloy-tuloy na ako sa swimming area. Wala namang tao kaya solo ko lang ang swimming pool. Wala sa sarili na pinatong ko sa lamesa ang towel at tumalon sa pool. Lunurin ko nalang kaya ang sarili ko? Joke lang! Nakapikit na nagpabalik-balik ako. I need to calm down. Hindi pwede Aries eh. Sorry.
Every words I said, para saktan ka, hindi naman totoo yon. Nasasaktan din ako. Sobrang sakit. Sobra sobra. Alam ko nasaktan kita. Pero, sana someday, makamove-on ka na. I hope that when all of this is over, you'll find the one for you. Then maybe, when that time comes, I can be happy too.
Maybe, even the pain remain, sa kabila non, sa maliit na parte ng puso ko, baka maging masaya din ako. Dahil masaya ka na. Okay na ako doon. And maybe, time will come that you'll understand why I need to lie. Why I need to hurt you. Why-
Shit! Maniac! Nagpapasag ako ng biglang may humila sa’kin pailalim sa tubig. Handa na sana akong mangagat kung hindi ko lang nakita ang muka nang humila sa akin.
Aries.
I mouthed 'what' to him. Umiling lang siya. Napatitig ako sa kaniya. I mouthed something at him.
'I still love you'. Umahon na kami. Kinuha ko ang towel ko.
"What did you say?"
"Ha?"
"May sinabi ka kanina."
"Ahh sabi ko nawawalan na ako ng hininga."
Tumango tango siya. Nilingon ko siya at bahagya ko siyang nginitian pagkatapos ay nagpatuloy na ako sa pagpupunas ng katawan ko.
"Paige?"
"Hmm?"
"I'm sorry."
Napatingin ako sa kaniya. "What for?"
"Dahil sa nangyari kanina. Tama ka. I d-don’t...you’re not mine anymore. Hindi na pwede. Hindi kita pwedeng pilitin sa isang bagay na alam kong hindi mo gusto."
"Aries..."
"Kaya mo nga ako hiniwalayan di ba? Bakit ka nga naman babalik sa akin ulit? I'm sorry. Hindi dapat kita pinilit. I'm sorry I wasn't good enough. Sorry that I'm not good enough for you before and until now. I'm sorry na kulang pa rin. Na hindi pa rin sapat. I'm sorry if I'm not the right man for you."
Umiling ako habang dumadaloyang luha sa mga pisngi ko.No. Wala kang kasalanan.
"Aries, it’s not your fault. Heaven knows how much I want everything to work out. Pero may mga bagay na wala sa kamay ko. Someday, Aries, you'll understand me. Sa ngayon, fate doesn’t want us to be together. I'm so sorry."
"I hope, that when the right time comes, fate will give me you. Na sana makagawa ako ng bagay na magiging dahilan para ibigay ka niya sakin. ‘Cause Paige, I love you. I guess all this years, minamahal pa rin kita."
Aries, I love you too. More than anything. More than my own life. I hope that day comes.