CHAPTER 7
PAIGE'S POV
Nandito na naman ako. Sa desk ko sa kompanya ni Aries. Balik kami sa dati, kung paano namin tratuhin ang isa’t isa ng una akong magtrabaho dito. Mabuti na iyong ganon. At least hindi kami masyadong masasaktan. Kailangan matapos ko na ‘tong mission na’to. Para makalayo na ako ulit kay Aries.
Sa ngayon, wala pa talaga kaming lead kung sino ang gustong pumatay kay Aries. And looking at him now, mukhang wala naman siyang pinoproblema. At kasalukuyan naming pinagtatalunan ‘yon ni Kuya Craige ngayon.
"Kuya, I swear mukhang wala siyang tinatagong problema."
"Hindi mo masasabi, what if, he's hiding it from you?"
"Eh di tatanungin ko."
"And blow your cover? That's really helpful Paige."
Eh anong gusto niyang gawin ko?
"What do you want me to do Kuya? Eh sa wala naman talaga akong nakikita na may tinatago siya. Pwede ko namang tanungin. Pero sabi mo nga, it will blow my cover."
"Find a way para ikaw ang puntiryahin ng gustong pumatay sa kaniya."
"How? Well, lagi kaming magkasama ni Aries. Nag-iistay ako sa bahay niya. Umuuwi kami ng sabay-"
"Not enough."
"What exactly do you want me to do kuya?"
"Kailangan mong maging girlfriend ni Aries ulit."
Damn. "Kuya, kahit ano wag lang yon. Damn it kuya I can’t!"
"Kailangan."
"And then what? Risk my heart again?"
"You're still in love with him."
"Alam ko. And that's what make everything worst. I'm still in love with him. It’s not safe for me Kuya."
"You need to do it."
"I'll get hurt in the end."
"You'll get hurt or he'll die? Choose now."
Damn! "Give me some time Kuya. I'll work on it."
"Good."
Binaba ko na ang phone. Tama naman si Kuya. Binigyan nya ako ng choice at pinili ko si Aries. Mas mahalaga pa rin na ligtas siya. Iyon ang mas mahalaga kesa sa akin. Bahala na.
"Hi, Miss Lawrence."
Tiningnan ko ang nagsalita. Sa Finance Department yata. May inabot siya sa akin na folder. Pagkatapos ng ilang sandali ay umalis na siya. Kasunod niya naman ay isang delivery guy.
"Ma'am, delivery for Aries Liam Wright."
Kinuha ko ‘ang maliit na package at pinirmahan. Tinaasan ko ng kilay ang delivery boy ng parang ayaw niya pang umalis at nakatingin lang siya sa package na hawak ko.
"Ibibigay ko ‘to sa kaniya, mamaya."
"Importante daw po iyan, kailangan na niya ‘yan."
"Ibibigay ko ‘to sa kaniya."
Mukhang gusto na akong sapakin nong deilivery boy pero tumalikod na lang siya at naglakad paalis. Ako naman ay tumayo na papasok sa office ni Aries. Kumatok ako.
"Pasok."
Pumasok na ako at naabutan ko si Aries na kasalukuyang umiinom ng kape habang may binabasa na files. Lumapit ako sa kaniya at inabot ang box.
"What is this?"
"May nagpadeliver po-"
Napahinto ako. Kinuha ko ang package at inilapit sa tenga ko.
"Give it to me."
Hindi ko siya pinansin at pumasok ako sa comfort room ng office niya. Inabot ko ang box at inangat ko ang takip ng toilet bowl. Inilagay ko ‘yong box doon at sinarado. Tumakbo ako palabas at hinila si Aries. Napaaray ako ng bahagya ng masabit ang braso ko sa kung saan.
"What-"
"Dalian mo!"
Hinila ko siya hanggang makalabas kami. Hinatak ko siya hanggang sa makarating kami sa fire exit. "Paige, ano bang ginagawa mo?!"
Hindi ko na nagawang sumagot dahil bigla na lang napuno ang paligid ng nakakabinging pagsabog. Tama ako ng hinala. Kanina kasi ng iaabot ko na sa kaniya iyon ay nakarinig ako ng mahinang tunog ng orasan. It was just a hunch and I'm glad I followed it.
"What the hell was that?"
"A bomb."
Tiningnan ko siya para tignan ang magiging reaksyon niya. Inakala ko na magugulat siya kung bakit siya pinadalhan ng bomba samantalang wala naman siyang ginagawa. Pero, mukhang tama si Kuya Craige. Dahil sa ekspresyon ng mukha ni Aries, mukhang inaasahan na niya ang nangyari.
"Paige, I have a friend na kailangan ng secretary-"
"Pinapalipat mo ba ako?"
"Well, baka gusto mo."
"No. I'm not leaving."
Nakita kong bumuntong-hininga siya. Pinapaalis niya ako. Meaning tinatago niya talaga sa akin kung ano man ang mga nangyayari. But I need to find that out. Kailangan kong malaman.
I guess, wala akong choice kundi sundin ang sinabi ni Kuya.
"Paige..."
"Basta! Wag ka ngang makulit."
Umakyat na kami pabalik sa taas. Marami ng empleyado don at guards na mukhang chineck kung anong nangyari. May mga namumutla din. Hindi naman nawasak ang office ni Aries. Hindi ganon kalakas ang bomba. Parang iisang tao lang talaga ang puntirya. Meaning, si Aries.
"Sir." Bati nung guard kay Aries
"Ipa-check niyo sa surveillance kung sino ang nagdala." Utos ni Aries doon sa guard
"Itinawag ko na po sa nakabantay sa control room. Hindi raw kita sa camera ang mukha nung delivery guy dahil mukha daw nagtatago talaga sa camera."
Tahimik na kumuha ako ng bond paper. Pagkatapos ay nagsimula na akong magdrawing. Lahat kami sa The Camp natrain sa ganito. Pero kadalasan sa computer lang namin ginagawa. Hinahanap namin ang mga pieces sa mukha ng isang tao at ipinagsasama-sama hanggang sa mabuo ang mukha. Since wala ako non dito at hindi ko din pwedeng gawin, by hand na lang.
"Paige what are you doing?" takang tanong sa akin ni Aries
"Nagja-jumping jacks. Duh?"
Naramdaman ko na umupo sa tabi ko si Aries. Narinig ko din nang mapasinghap siya. "What's that?" tanong niya ulit
"Spaceship."
"Paige…"
"Ang kulit mo. Quiet please?"
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Naramdaman ko na may dumadampi na bulak at tubig sa braso ko. Nilingon ko si Aries na kasalukuyang ginagamot na pala ang sugat ko sa braso na nasabit kanina. Pinabayaan ko na lang siya at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nang matapos ako ay inabot ko yon kay Aries na kasalukuyang kinakabitan na ang gauze.
"Yan ang itsura nong delivery man." Pagbibigay-alam ko sa kanya
"Sigurado ka?"
"Matalas ang memory ko, boss."
"At magaling kang magdrawing."
"Talentadong pinoy ako eh."
Natawa siya pagkatapos ay ginulo ang buhok ko. At dahil ayokong ginugulo ang buhok ko. "Aray! Paige!" Kinagat ko yang kamay niya.
"Sinabi ko na sayo noon ayoko ng ginugulo ang buhok ko."
"I love your bed hair, baby."
Relax Paige. Kailangan, okay? Enjoy the feeling for a while. Kailangan kong magsimula mula rito. Kailangan kong malaman kung sino ang gustong pumatay kay Aries. Then after that, I need to leave him. Again.
Tiningnan ko si Aries ng inabot niya sa guard ang bond paper. Lumapit siya sa akin ulit at dumukwang. "You look pale. Gusto mong kumain?"
Kiming tumango ako. Hinawakan niya ako sa kamay. Naglakad na kami papunta sa elevator. Nang makasakay kami doon ay tahimik lang kami. Napatingin ako sa kamay ko na hawak pa rin niya. It feels like home. That I'm finally back. Hindi ko na pinansin ang mga nakatingin sa amin habang naglalakad kami papasok sa coffee shop na malapit lang sa company ni Aries. Pumasok kami roon at hinayaan ko na lang si Aries na umorder para sa akin.
"Here."
Napangiti ako. Ice blended coffee. Bihira lang kasi akong uminom ng mainit. Kadalasan gusto ko lahat ng iniinom ko malamig. "Thanks."
Tumingin ako sa labas habang umiinom. Pero nararamdaman ko pa rin si Aries na nakatingin sa akin. "Stop looking mister." Saway ko sa kanya
Tumawa sya. "Tinitingnan ko lang kung namumutla ka pa rin."
Tumingin na ako sa kaniya at ngumiti. "I'm fine, Aries."
"Right now, you look fine. Kanina hindi. Alam kong natakot ka kanina."
Natakot ako para sayo. Not for myself. "Yeah."
"I won’t let anything happen to you."
"Bakit ba kasi may nagpadala sayo ng ganon?"
Tiningnan ko ang reaction ni Aries. He look away. "I don’t know."
He's lying to me.
Kuya...It looks like kailangan ko talagang gawin ang sinabi mo sa akin. For awhile. I need to do this for awhile. Dahil mas magiging delikado ang buhay nya kung ako ang makakasama niya.