Chapter 8

1388 Words
CHAPTER 8 PAIGE'S POV   Hindi pa rin nahuhuli ang delivery man na iyon. Eksaktong isang linggo na ang lumilipas pero hindi pa rin siya nahuhuli. At ilang araw na rin siyang hinahanap ni Aries. At ilang araw ko na rin siyang hinahanap. Secretly nga lang since hindi pwedeng malaman ni Aries. Lumalabas ako sa gabi ng hindi niya alam.   "Good morning, Miss Lawrence."   Tinanguan ko ang bumati sa kin. At sa mga sumunod pa. Ilang araw ng ganiyan yang mga yan. Since makita kami nila ni Aries na magkahawak-kamay. Pero hindi iilang beses na may naririnig ako na masama tungkol sa akin.   Pasalamat sila hindi ako bad mood. Kung hindi nilunod ko silang lahat.    Nauna ako kay Aries sa office ngayon. Nalate siya ng gising. Gigisingin ko sana kaso nakita ko kung gaano siya kasarap matulog kaya hindi ko na rin ginawa.   Nagtuloy-tuloy lang ako sa taas. Nang makarating ako sa desk ko ay inayos ko na ang mga gagawin ko.   Napatingin ako sa office ni Aries. Hmmm…Why not coconut, chocnut? Nagmamadaling pumasok ako sa loob ng office ni Aries na hindi ko malibot-libot noon dahil lagi siyang nasa loob ng office niya. Kapag wala naman siya kadalasan, wala din ako dahil lagi niya akong sinasama. Come to think of it. Ang secretary ba laging kasama ng boss? Alam ko nag-iistay lang sila dito sa office. But whatever. Kailangan lagi akong nasa paligid ni Aries para mas mabantayan ko siya. Sa ngayon, maghahanap muna ako ng mga bagay na makakatulong sa akin dito.   Hinalughog ko ang mga drawers. Iyong mga files. Pero wala. Binuksan ko lahat ng drawers sa table niya. Pero wala pa rin-   Umupo na lang ako ssa swivel chair ni Aries. Sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang picture frame sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko iyon. Nakatingin lang ako sa picture frame na hawak ko. Matagal na ‘to eh. Kuha sa restaurant kung saan kami unang nagkita. Ito ang kuha namin nang tinanggap ko ang proposal niya.   "Why-"   "’Cause I can’t throw it away."   Napalingon ako sa nagsalita. Si Aries. Napatayo ako bigla at umalis sa pagkakaupo sa swivel chair niya. "Ah...ano…"   "May hinahanap ka?" tanong ni Aries sa akin   "Oo. Wala ng tinta ang ballpen ko. Ayoko naman ng pen mo na nasa lamesa kasi ang sosyal. Kaya naghahanap ako ng iba."   Tumango siya. Pagkatapos ay may kinuha sya sa isang cabinet na nabuksan ko na kanina. Kumuha siya ng dalawang black ball pen doon at pagkatapos ay inabot sa akin.   "Bakit hindi mo ako ginising kanina?"   "Gawain ba ng secretary yon?"   Napangiti ako ng hindi siya nakaimik. Nakangiting lumabas na ako at iniwan si Aries sa loob ng office niya.   Nang umupo na ako sa upuan ko ay nagsimula na akong magtrabaho. Sagot ng tawag dito. Sulat dito. Send ng mail doon at kung ano-ano pa. Minsan nga naiisip ko kung paanong nakakaya nang ibang secretary ang ganitong trabaho. Nakakapagod. Masakit sa kamay. Ang boring pa. Walang masyadong action. Nakakatamad.   "Hi Miss Paige." Bati sa akin ni Denis.   "What now?"   "Aayain sana kitang maglunch."   "Maaga pa."   "Eh di mamaya."   "May kasabay ako."   "Sino?"   "Ako."   Napalingon kami doon sa biglang nagsalita. Sumulpot bigla si Aries na masama ang pagkakatingin kay Denis na parang binabalatan na ng buhay gamit ang tingin. Umatras na lang si Denis at umalis. Nilingon ko si Aries.   "Thanks boss! Ang galing mo talaga! Isang tingin lang, kumaripas na ng takbo. Ang tawag diyan. Aries Liam 'Death Glare'."   Napangiwi ako ng kinurot niya ako sa pisngi. Hindi pa yata nakuntento at pati ang kabilang pisngi ko pinanggigilan na din.   "Boss, hindi ho tinapay ang mukha ko! Ang sakit!"   "Ang cute mo talaga."   "Hindi ako cute! Maganda ako! Wag kang kuripot diyan."   "Maganda."   "At sexy."   "At sexy."   "At hot."   "At hot."   "At-"   "At abuso ka na." putol ni Aries sa sasabihin ko   Napapout ako.    ‘Take it slow sis. Hindi pwedeng bigla bigla. He'll be suspicious kapag nakipagbalikan ka agad agad sa kaniya.’   Naalala ko bigla ang sinabi ni Kuya Craige ng sinabi ko sa kaniya na gagawin ko na ang suggestion niya. Tama naman siya. Kapag binigla ko, maghihinala si Aries. At hindi pwedeng mangyari iyon. "Stop pouting."   Inosenteng tiningnan ko siya. Problema nito? "Why?" takang tanong ko sa kanya   "Basta!"   "Ang labo mo boss."   Napapout tuloy ulit ako. "Stop."   "Bakit nga?"   "I might kiss you."   "Wag kang ganiyan boss. Mahina ang puso ko sa mga ganiyan. Mamaya niyan marape kita."   "Why not? That would be a lovely thought."   Napalunok ako ng makita kong napatingin siya sa labi ko. And his voice...Basta! Parang nang-aakit. Work , work, work, work! WORK Paige!   "Oy, boss."   "Yes?"   "Wala ka namang meeting ‘no? Gusto mo magStarbucks? Libre ko, promise!"   Tumingin siya sa akin. Napalunok na naman ako. Please...Sana hindi makahalata. Inosente naman ang offer ko diba? Wala namang kakaiba doon ah! "Sure. Pero libre ko."   "Ako na."   "Since when I let you pay?"   Napangisi ako. Oo nga naman. Lagi akong nililibre ni Aries. Nalilibre ko lang yata siya kapag pumupunta ako sa condo niya at may dala akong jolibee. Since iyon nga ang favorite naming kainin especially after we made-   "Halika na?" yaya sa akin ni Aries   Tumango ako.   Naglakad na kami papunta sa baba. Nagtitinginan na naman ang mga empleyado ng makita kaming magkasama. Pero hindi na namin pinansin yon at nagtuloy-tuloy sa starbucks sa baba. Nan makarating ay hinayaan ko na lang siyang umorder.   "Paige?"   Nilingon ko ang nagsalita. "Tom? Tom de Guzman?"   Lumapit sa kin ang lalaki at yumakap. He's not part of The Camp. Isa siya sa mga naging ex- boyfriends ko noon bago ko pa makilala si Aries, to be exact last boyfriend ko bago ko makilala si Aries. Hindi kami nagtagal. Well, because of me. Masyado daw akong malami. Pero hindi niya yon sinabi sa akin. Sinabi nila Kuya. Ako kasi ang nakikipagbreak sa mga boyfriend ko kasi feeling ko pinagtya-tyagaan lang nila ako dahil ayaw nila akong ibreak. Feeling ko nga kapag nakipagbreak ako sa kanila nakakahinga sila ng maluwag. At least hindi sila nagche-cheat kahit na ang 'cold' ko nga.   Pero nang makilala ko si Aries...doon ko naramdaman na hindi naman pala ako cold. Super hot nga actually.   "Paige! Namiss kita!"   "I miss you too, Tommy dear. Kamusta na?"   "Eto naghihintay pa rin ang pinagpunit-punit kong puso sayo."   "Loko." Sabi ko habang tumatawa   I know he's joking. Last news I heard about him, kinasal na siya. "So, ikaw? Kamusta ka na?" tanong ni Tom sa akin   "Eto maganda pa rin."   "May asawa ka na ba?"   "Wa-"   "Meron."   Ngumiti lang si Tom at kinamayan si Aries. Maya-maya lang ay nagpaalam na siya sa amin. Si Aries naman ay nakatingin lang sa akin at seryosong-seryoso. "Saglit lang akong nawala. May kausap ka ng iba." Kastigo nya sa akin   "Eh sa nakilala ako eh."   "I remember him. Sa picture sa wallet mo noon."   Ahhh...Yung pinagseselosan ni Aries na picture noon. Nakalimutan ko lang naman na tanggalin noon eh. "Yup. He's my ex."   "Mahal mo pa ba siya?"   "No."   "Ganon mo na lang ba kadaling kalimutan ang mga ex mo?"   Kumunot ang noo ko. "I hate it when you talk that way."   "Totoo naman diba? Parang basura lang kami na iniiwan mo kapag ayaw mo na sa amin.”   "I was a virgin ng maging girlfriend mo ako noon Aries."   "Damn it! It doesn’t matter. Wala akong pakialam kahit hindi ka na virgin noon. It doesn’t matter to me. Ikaw lang ang mahalaga sa akin. Pero iniwan mo pa rin ako."   "I...Aries, let's talk later."   Tumayo ako at lumabas ng coffee shop. Tuloy-tuloy ako. Wala sa sarili na tatawid na sana ako sa kabilang kalsada kahit na hindi ko naman kailangan tumawid.   "Paige!"   "Aries, later okay?"   "Will you take me back?"   Damn. "Aries..."   "Please. Take me back, Paige. I'll make everything work. I'll try to give you anything you want. Kahit ano. Just take me back."   "I can’t. Hindi ko masasagot yan ngayon, Aries."   "Paige..."   "Can you give me some time?"   Tumango siya. Hinila niya ako at niyakap. Kakawala sana ako dahil pinagtitinginan na kami pero ayaw niya akong pakawalan.   "Aries."   "I love you, Paige. I still do."   I love you too Aries. So damn much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD