CHAPTER 9
PAIGE'S POV
Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Gabi na yata akong nakatulog kagabi dahil umalis ulit ako nang tulog na si Aries and of course hinahanap namin nila Kuya Craige ang delivery man. And yes, we found him. Dead. Wala kaming choice kundi tumawag ng pulis para ipakuha ang bangkay. And of course, marami kaming tanong na sinagot. Tumagal tuloy.
At eto nga kasalukuyan akong nandito sa condo ni Aries dahil hindi ako pinapasok ng makita niya ako kanina na parang hilong talilong. Syempre hindi ako pumayag since kailangan ko nga siyang bantayan. Napapayag niya lang ako ng sinabi niyang babalik din siya mamayang 1 pm dahil wala naman daw siyang gagawin sa office. Kahit ako, wala ng gagawin. Dahil sa sobrang boredom ko pati ang matagal pa ang deadline tinapos ko na.
Kasalukuyan akong nakahiga sa carpet at nagpapagulong-gulong. Pagkatapos ay tatayo at tatakbo. Tapos ay hihiga ulit sa carpet at gugulong. Bored na ako.
"Ano namang gagawin ko dito? Ang boring!" reklamo ko
Naiinis na tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ni Aries. Kinalikot ko ang mga gamit niya pero wala akong makita na kakaiba. Maliban na lang sa closet niya na may mga damit pa ako. Tiningnan ko isa-isa ang mga damit. Natawa ako ng makita kong nandito pa ang ruffled dress ko na parang sinusuot ng mga bata na hindi ko alam ba’t napagtripan kong bilhin noon. Kinuha ko yon at sinuot.
"Aba! Kasya pa sa akin."
Umikot-ikot ako sa harap ng salamin habang tinitingnan ko ang reflection ko. Umikli nga lang. Saka dati noong sinuot ko ‘to, mukha akong nene. Pero ngayon, mukha akong nang-aakit. "Ang ganda ko pala talaga ‘no?"
Ang epekto ng boredom sa tao. Humahangin.
"ARIES! Ang boring talaga dito!"
Tinatamad na gumapang ako paakyat sa kama niyang ang laki-laki at sumuot ako sa kumot non. Nagpagulong-gulong ako hanggang maging gigantic lumpia na ako. Gumulong ulit ako para mabalik sa dati. Nagtalukbong ako at sinubsob ko ang mukha ko sa unan.
"Wow! Ang bango ha? Amoy gwapo."
Pumikit na ako. Boring naman kaya matutulog na lang ako. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog. Ang lamig kasi ng aircon at naaamoy ko pa si Aries sa unan dahil malamang kama niya ‘to kaya para akong pinaghehele. Kaso may istorbo.
At dahil syempre kahit anong himbing ng tulog ko alam ko kapag may pumapasok sa loob ng bahay dahil sa training namin. At alam kong hindi si Aries yon. Dahil mukhang kinakalikot iyong lock. Force entry?
Malamang. Pero hindi ako tumayo dahil tinatamad ako. Kaya pinabayaan ko na lang kung sino man ang pumapasok. Subukan niya lang akong hawakan kundi ifa-flush ko siya sa toilet. Nakiramdam nalang ako habang sinisinghot ang unan ni Aries. Maya-maya, bumukas ang pinto nitong kwarto ni Aries. May narinig akong nagbaba ng bag. Then…Nagbukas ng zipper?
Si Aries ba yon? Re-r**e-in ako? Not likely. Tapos naramdaman ko na may umakyat sa kama."Aries, baby..."
Babae? Nilingon ko ng bahagya yung babae na pakiramdam ko ay naka-undies na lang. Yumakap pa siya sa akin at hinaplos-haplos ang braso ko. Mukha ba akong si Aries? Sa liit kong ‘to?
Hinila ko yung kumot dahilan para malaglag siya. Inangat ko aang kumot para matanggal ang pagkakatabing sa mukha ko. Pagkatapos ay nilingon ko ang babaeng naka-undies, na ngayon ay nakatingin lang sa akin.
"Robot? Manika? Anong ginagawa-"
"Tao ako." Putol ko sa sinasabi nya
Napatakip ako sa tenga ko ng bigla siyang tumili. Nakatingin lang ako sa kaniya hanggang sa kumalma siya. Maya-maya lang ay napalitan na ang confusion at gulat niya ng pagkairita. "Sino ka?"
"Sino ka rin?" balik kong tanong sa kanya
"I'm Madelane, girlfriend ni Aries-"
"Yeah right. Hi! I'm Paige Lawrence. Kung hindi mo ako kilala then iresearch mo para malaman mo na ako ang ex-fiancee ni Aries na ngayon ay nagbabalik na."
Napangiti ako ng nanlaki ang mga mata niya. Pumikit na ako ulit. Bahala siya sa buhay niya. Dumilat lang ako ulit ng maramdaman ko na may papasugod sa akin. Tinatamad na bumaba ako kaya…tumama siya sa headboard.
"Istorbo ka sa pagtulog alam mo ba yon?”
Tiningnan niya ang suot ko at mukhang mas lalo siyang nagalit. Wooo! I know, I know. I look sexy without even trying to look one. And beautiful too.
"Lumayas ka dito!" pagtataboy sa akin ni Madelane
"Ayoko nga. Dito ako nakatira FYI. So..."
Hinatak ko siya at inilabas. Tiningnan ko ang door knob na nasira niya. Papalitan ko nga yan ng bago na galing sa The Camp. Yung super duper secured ng hindi nakakapasok ang mga uhaw kay Aries katulad ng babaeng ‘to.
"Kapag pumasok ka pa dito, itatapon kita sa dagat para makilala mo ang mga shark friends ni finding nemo." Banta ko sa kanya
Pumasok na ako. Kumunot ang noo ko. "Finding nemo? Nemo lang name non diba? Tsk tsk. Ang tanga mo, Paige."
Nagkibit-balikat ako at pumasok na ako ulit sa kwarto ni Aries at ipinagpatuloy ko ang naudlot kong beauty sleep at pagsinghot sa unan ni Aries. At dahil ang bango... Nakatulog na naman ako. At para muling istorbuhin after an hour ng maramdaman kong lumundo ang kama.
Kapag isa na naman ‘to sa mga babae ni Aries na mukhang takam na takam na mahawakan ang dulo ng daliri ni Aries, talagang kakaladkarin ko na ‘to sa dagat at ipapakain sa friends ni finding Nem- ni Nemo.
"Tao ako at hindi ako si Aries kaya please lang tigilan niyo ang pagyakap sa akin kung hindi ipapakain ko kayo sa pating. Mga walang breeding na nilalang na uhaw sa laman yuck!"
"Paige?"
"Aries?" balik kong tanong
"Yes. Anong problema? Nananaginip ka ba?"
"No. May babae na pumasok dito kanina. Si Madelane. Kadiri! Niyakap pa ako at hinaplos-haplos. Kapag nakita ko ulit yon igigiling ko yon at gagawing hotdog!"
Natawa sya. "Kaya pala sira ang doorknob. Papapalitan ko na lang."
"Anong silbi kung papapalitan mo? Ako na ang magpapakabit. Tinitiyak kong walang makakapasok diyan na kahit sinong trespassers. Mapalangaw man yan."
Napangiwi ako ng pinisil ni Aries ang pisngi ko. Tapos hinalikan niya. "You’re so beautiful, Paige. Lalo na ngayon na balot na balot ka ng kumot at gulo-gulo ang buhok."
"Mukha akong lumpia."
"No. You’re beautiful. I can almost imagine seeing you like this everyday when I come home from a very tiring work. Parang mawawala lahat ng stress ko sa buong maghapon."
"Nambobola ka eh."
"Hindi nga."
Napatili ako ng bigla siyang humiga at kiniliti ako. Nagpagulong-gulong na ako sa pagtawa ng hindi niya ako tinigilan sa kakakiliti.
"Stop it, Aries!" tumatawa kong saway sa kanya
Napatingin ako sa kaniya nang hindi na siya umiimik. Dali-dali kong sinaklob ulit sa akin ang kumot. Umangat na pala yon dahil sa kakulitan namin dalawa. At nakita na niya ang suot ko.
"Ganyan ba kaikli yan dati?"
"Nope."
"It looks good on you."
"Weh? Naaakit ka lang sa akin eh."
"First, because it looks good on you. I guess. Second reason na iyong naaakit." Paliwanag nya sa akin
Napangiti ako ng inangat niya ako at inilagay sa ibabaw niya. "I miss you, Paige."
"Araw araw tayong nagkikita."
"Every minute without you feels like years not seeing you. Paano pa kaya iyong 2 years na wala ka sa tabi ko? Without you everyday Paige, it felt like hell."
"I guess we have a lot of catching up to do?"
Ngumiti siya, pagkatapos ay tumango.
Aries... I love you.
Things are just complicated. Sinabi ko na ‘to sa sarili ko dati. Hindi ako bato. I may appear cold and emotionless before pero ng makilala ko si Aries nagbago yon. Marunong akong matakot. At una sa lahat ng yon, higit sa takot ko na mawala si Aries, ay ang mapahamak siya. I don’t care kung pareho kaming nasasaktan. Kung nasasaktan na ako. As long as ligtas siya. Pero mukhang makulit si destiny. Pinagkita ulit kami. I need time. It’s not easy. Kailan ba naging madali ang magmahal? It’s easy to say. But its so hard to do.
"Aries."
"Hmm?"
"Ang bango ng unan mo. Palit tayo."
"Ayoko."
"Damot."
Tumayo na ako. Nilingon ko siya ng hinawakan niya ang kamay ko. "What?" takang tanong ko sa kanya
"Tabi na lang tayo."