Chapter 10

1193 Words
CHAPTER 10 PAIGE'S POV   Napapangiti ako kapag napapatingin ako kay Aries na kasalukuyang nakasimangot habang nakatingin sa akin na gumagawa ng graham na napagtripan kong gawin. Sa totoo lang, hindi ako masyadong magaling sa kusina. Carry lang yung iba pero kadalasan palpak. Pero etong graham, naperfect ko na ‘to. Dahil tinuruan ako ni Aries noon. Memorable yon kasi pagkatapos kong gumawang graham non we made-   Ugh! Stop it, Paige! Namamanyak ka na naman.   "Ang haba niyang nguso mo. Pwede ng ipusod." Tukso ko sa kanya   "Tabi na tayo, sige na."   Napatawa ako. Kanina pa ako kinukumbinsi niyan na tabi daw kami. Syempre hindi ako pumayag.   Una: Hindi pa ako ready para 'doon'. Masyado pang maaga. At hindi pa nga kami officially nagkakabalikan.   Second: It will be so hard to let go of him after all this. Mas mahihirapan ako kung may 'ganon' pa na mangyayari. It's not s*x. I know na lahat ng nangyari sa amin, it’s not just some casual s*x. It's called making love.   "Hindi pwede." Tanggi ko   "Please?"   "Nope."   Nilagay ko na sa refrigerator ang graham. Pagkatapos ay lumapit ako sa telephone at tumawag sa Jolibee. Inorder ko ang mga gusto naming kainin ni Aries noon. Pagkatapos ay humarap na ako kay Aries na ngayon ay may pilyo ng ngiti.   "Jolibee? Ibig bang sabihin..."   "Naughty. Syempre hindi."   Napatawa ako ng sumimangot na naman siya. Lumabas na lang ako ng kusina at nagpunta ako sa living room. Naghanap ako ng magandang palabas hanggang matapat sa Vampire iDaries. Napatili ako bigla. Narinig ko sa likod ko si Aries na kasalukuyang nagmamadaling lumapit sa akin.   "Paige? Anong nangyari? Nadapa ka ba? Nasugatan? May kumagat ba sayo? Langgam? Amina hahanapin ko at sasaksakin ko." Nag-aalalang tanong sa akin ni Aries   Hindi ko siya pinansin at nakatingin lang ako dun sa malaking TV ni Aries. Nang nagclose up si Damon my sweetie pie ay lumapit ako doon at yumakap sa TV.   "Ang gwapo mo Damon sweetie pie! I LOVE YOU!" Pinaghahalikan ko pa ang TV.   Umatras lang ako nang lumabas si Nina Dobrev. "Alam kong kabit ka lang ni Damon ko. Pero dahil bagay kayo may permission ka na sa akin. Basta sa akin siya ng M, W, F and Saturday."   Napatili na naman ako ng nag close-up kay Ian Somerhalder. Yayakap na naman sana ako sa TV nang biglang mamatay yon at bigla akong umangat.   "Aries?! Ibaba mo ko!" saway ko kay Aries   "Ayoko. Nagtataksil ka."   "Kabit lang kita. Asawa ko si Damon my sweetie pie."   Parang lalong sumama ang mood ni Aries. Ibinagsak niya ako sa malambot niyang kama. Hindi na ako nakapagreklamo dahil sumakto sa mukha ko ang unan niya na ang bango. Parang kaya ko ng ipagpalit si damon para sa unan ni Aries. Natawa ako ng mapatingin ako sa itsura ni Aries. Nakasimangot siya at nakatingin sa akin na parang may ginawa akong krimen.   "What?" tanong ko sa kanya   "Hindi ka na manonood ulit non."   "Napanood ko na actually yon. Replay na lang yan eh."   "Sino ba iyong lalaking yon? Mas gwapo ako don."   "Hindi ah! Mas gwapo siya sayo ng sampung paligo."   Nakasimangot pa rin siya. "7?"   Nakasimangot pa rin. "3?"   Straight face naman. Nakapout na tumayo na ako at lumapit sa kaniya. "Fine. Mas gwapo pa rin siya sayo."   "Paige!"   "Pero...mas mahal kita."   It’s true. Hindi ako nagbibiro. Hindi ako nagsisinungaling. Kung meron mang salita ako na totoo mula sa araw na’to. Kahit gaano pang kadaming kasinungalingan ang sabihin ko kay Aries, kahit gaano karami yon, those words will remain true.   "Paige..."   "I love you, Aries."   "Hindi mo kailangang magmadali. Mag-iintay naman ako-"   "I love you, Aries."   Napangiti ako ng niyakap niya ako bigla. "Are you sure?" naninigurong tanong nya sa akin   "Yes."   "Really really sure this time?"   "Y-yes."   "We'll start again?"   "Yes. Let's take it slow."   Tumango siya habang nakangiti pa rin. Napatili ako ng bigla niya akong inikot-ikot.   "You won’t regret this Paige. I love you so much. I promise, I'll do anything for you to be happy. Very happy. Kung ano man ang hindi ko naibigay sayo noon, ibibigay ko ngayon."   "Wala namang kulang, Aries. Ako ang may kasalanan-"   "No. Wala kang kasalanan. Whatever your reason for leaving me, hindi yon magiging hadlang sa atin ngayon. In time maybe masasabi mo din sa akin kung bakit. Pero hindi kita pipilitin."   Lagi na lang pinagbibigyan ni Aries ang gusto ko. Wala namang mali sa kaniya eh. Wala naman siyang ginawa noon na mali. Ako ang may problema. Dahil sa pesteng takot na yon. And I'm still afraid now. Hindi pa rin nawawala yon. Pero iniisip ko na lang na sandali na lang to. After na maging safe si Aries, sisiguraduhin ko na hindi ako ang magiging dahilan ng ikakapahamak niya.   "I love you."   Ngumiti lang ako. Bababa na sana ako sa pagkakarga niya pero hindi niya ako hinayaan. "I love you." Ulit ni Aries   Natawa ako. "Hanggang ngayon makulit ka pa rin."   "I love you, I love you."   "I love you too, Aries."   Ngumiti siya. And at last binaba na niya ako. Lalayo muna sana ako saglit. Pero hinapit niya ako at hinalikan. I miss his kisses. I miss his hugs. I miss him. Nakangiting pinahid ni aries Ang mga luha ko.   "Don’t cry."   "I'm happy."   "I'm happy too. Very happy."   Buong araw nayon ata magkadikit kami lagi ni Aries. Parang sinusulit namin bawat oras dahil ilang taon din kaming hindi nagkasama. Nang dumating ang Jolibee nagfood trip kami habang pinapanood ang replay ng vampire diaries.   "Mas gwapo talaga ako diyan."   "Mas gwapo siya sayo."   "Mas gwapo ako diyan."   "Fine. Ikaw na mas gwapo tapos siya na lang love ko."   Nanlaki ang mga mata niya. "No. Sige siya na gwapo basta ako ang [=-love mo."   And Paige win, again. Di bale Damon, my sweetie pie gwapo ka naman and love din kita. Pero secret lang ha?   "Paige…"   "O?"   "Gabi na."   "And?"   "Tabi tayo?"   Napatawa ako. Akala ko nakalimutan na eh. "Nope."   Nagpout siya. Inakbayan niya ako habang nanonood kami. Maya-maya iba na ang palabas. Kung bakit ba naman The Grudge pa ang palabas.  Si Aries matapang yan. Pero hindi niya gusto ang The Grudge. Takot kasi siya sa babaeng gumagapang na multo.   "P-paige, ano...tulog na tayo?"   "Okay. Patayin mo yang TV. Tulog na ‘ko, ba-bye!"   "Paige!"   Napahagikhik ako at tumakbo na papasok sa kwarto ko. Pinatay ko na ang ilaw at pumasok ako sa bathroom. Nagshower lang ako at nagpalit ng damit sa loob. Pagkatapos ay lumabas na ako. Dire-diretso ako sa kama at humiga.   "Ang sarap matulog." Nakangiting sabi ko   "Lalo na pagkatabi ka."   Napatili ako. "Hey, hey."   "Aries!"   Tumawa siya. "Ikaw kasi nananakot ka kanina eh. Kaya tabi na lang tayo."   "Ayoko."   "Mamaya gapangin ako nung The Grudge. Tabi na tayo please?”   "Aries...I'm not ready yet-"   Naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin. "I'm not planning on doing anything. Right now, I just want to hold you. Alam mo naman na hindi yon ang habol ko sayo. Basta kayakap lang kita okay na ko."   "Aries…"   "I can wait Paige. I just want to hold you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD