Chapter 11

1185 Words
CHAPTER 11 PAIGE'S POV   Napasimangot ako at sumubsob sa unan ng masilaw ako. Sino ba naman kasi ang nagbukas ng bintana? Ang sakit kaya sa mata. Naramdaman ko na may umupo sa paanan ko at ginigising ako. Pero ayoko pa ngang gumising. Kaya wala sa sarili na inabot ko ang clock na nasa bedside table at ibinato sa taong makulit na nanggigising sa akin.   "Aray! Baby naman."   Napabangon ako bigla. "Aries?"   Tinginan ko si Aries na kasalukuyang hinihilot ang braso niya na mukhang tinamaan ng relo na tinapon ko na lang basta. Naman kasi, bakit ginigising ako.   Tumayo ako habang nakabalot pa rin sa kumot. Hinapit ko yon sa katawan ko at lumapit kay Aries na ngayon ay naka-stretch na ang mga kamay. Umupo ako sa lap niya.   "Masakit?" tanong ko sa kanya   "Medyo."   Hinalikan ko siya sa pisngi. "Masakit pa?" tanong ko ulit   "Oo eh."   I kissed him on his neck. Then I murmured: "Eh ngayon?"   "Masakit pa rin."   Natatawang hinalikan ko ang braso niya na tinamaan ng clock. Umayos na ako ng upo sa lap niya at tiningnan siya.   "Okay na?"   "Nope."   Ngumiti ako. Then I kiss him. Just a quick kiss. Ngumiti ako ng matapos. "Okay na?"   "Okay na okay."   Napatawa ako. Hinila na niya ako patayo at naglakad kami papunta sa kusina kung saan nakaready na ang agahan namin. May bacon, tocino, fresh orange juice at fried rice.   "Wow."   Tinabi ko na ang kumot sa silya na naabot ko at pagkatapos ay kumuha na ako ng bacon at nagsalin sa plato ko. Si Aries naman ay sinalinan ako ng kanin.   "Wag masyadong madami." Sabi ko sa kanya   "Diet ka?"   "Yup. Feeling ko tumataba na ako."   Sumimangot siya at tinignan ako. Napangiti ako ng nakita kong napalunok siya ng mapatingin sa manipis na pantulog na suot ko ngayon. Maya-maya ay binalik niya na sa mukha ko ang tingin niya. "Hindi ka mataba, baby."   "Basta!"   "No. Walang diet. Gugutumin mo lang ang sarili mo niyan. Wala naman akong pakialam kahit tumaba ka. You'll look sexy to me no matter what."   "Bolero."   "I love you."   Nginitian ko siya. Fine. Nagugutom na din naman ako. At saka pakiramdam ko lang naman na tumataba ako. Pero kung titingnan yung mga niluto ni Aries, parang nagugutom na nga ako. "Sarap."   Kumuha ako ng bacon at sinubuan si Aries. Napansin ko na basa ang buhok niya at iba na rin ang suot niyang damit.   "Naligo ka na?" tanong ko sa kanya   "Yes. Pero kung gusto mong kasabay ako willing akong ulitin-"   "No thanks. Papasok ka sa office?"   Napatingin ako bigla sa wall clock. s**t! Secretary nga pala ako. Sinunod-sunod ko ang pagsubo ko.   "Dahan-dahan baby."   "Late na tayo. Kailangan ko pang maligo."   "Pwede ka naman munang magstay dito. Ako na lang ang papasok. Kaya ko pa naman."   "No. Papasok ako. Ang boring kaya dito."   Nagmamadali akong kumain. Nang matapos ako ay nagmamadali na pumasok ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang bathrobe at lumabas. "Dito ka pa talaga nagbihis?" Naabutan ko si Aries na kasalukuyang sinusuot ang suit niya.   "No. Dinala ko lang dito ‘tong suit dahil…ano..."   "Mangboboso ka ‘no?" Nanlaki yung mga mata niya tapos namula. Tsk tsk. Pasaway talaga. "Hindi ah. Iniintay lang kita eh." Dipensa nya   Napapailing na kinuha ko sa kaniya ang necktie at ako na ang nagkabit non sa kaniya. Napapangiti ako ng magtama ang mga mata namin. "What?" tanong ko sa kanya   "It's like you never left."   Ngumiti lang ako. Nang matapos kong maikabit yon ay binuksan ko ang cabinet ko at kumuha ng damit. Napatingin ako sa likod ko ng kasalukuyan kong kinukuha ang undies ko ng maramdaman ko si Aries.   "You’re being naughty Aries."   Tumawa siya. “Ang cute pa rin nila, Paige. Kaso bago na ngayon. Pero puro pink pa rin."   Namula ako. Halos puro pink nga lahat ng undies ko "Tabi nga diyan. Kulit nito"   Pumasok na ako sa bathroom at nagpatuyo ng buhok. Nagmake-up na rin ako bago ko sinuot ang damit ko. 30 minutes lang yata ang nasayang ko. Quite weird for a woman, sabi ng mga kakilala ko sa labas ng The Camp. Kadalasan matagal daw ang mga babae. Maraming routine.   Naabutan ko si Aries na kasalukuyang may binabasang magazine ng lumabas ako. Nakangiti na tumayo siya ng makita ako at sabay na kaming naglakad pababa sa parking. Nang makarating kami don ay sumakay na kami sa kotse.   "Employee-employer pa rin ang trato natin sa office mo ha?"   "Bakit?"   "Company rules."   "I'm the boss."   Napatawa ako. "Good luck na lang sayo. Mamaya maraming magviolent reaction."   Nagkibit-balikat lang siya. Nang makarating kami sa office niya ay nauna na akong bumaba at pumasok sa loob. Para hindi na kami magkasabay at naiinis ako kapag pinagtitinginan kami. Lalo na sa mga taong parang hinuhubaran ako ng tingin sa pagkakatingin sa akin.   "Baby!"   Aries naman eh! Nagmamadali ako at hindi ko siya nililingon. Pero dahil mas mahaba ang mga binti niya sa akin, syempre mas mabilis siyang maglakad kesa sa akin. Naramdaman ko na umakbay sa akin si Aries. Siniko ko siya pero tumawa lang siya.   "Baby, halika na." aya sa akin ni Aries   "Stop it."   "Bakit ka ba nahihiya? Hayaan mo nga sila."   Nakasimangot pa rin ako. Narinig kong bumuntong-hininga siya at tumigil sa gitna. Nakatingin silang lahat sa amin.   "EVERYONE!" sigaw ni Aries   "What are you doing Aries?!" saway ko sa kanya   "MAKINIG KAYO! KAPAG MAY NARINIG AKO NA KAHIT ANO NA MASAMA NA TUNGKOL KAY  PAIGE MULA SA INYO, IHANDA NIYO NA ANG RESIGNATION LETTER NIYO!"   "Shh! Aries!"   "THIS WOMAN, IS THE WOMAN I LOVE! I LOVE YOU PAIGE!"   Kakaiba talaga ‘tong si Aries. He can be extreme sometimes. Napailing na lang ako ng hinila na niya ako papasok sa elavator habang nakatingin pa rin sa amin ang mga empleyado. Karamihan sa mga babae, kinikilig but some have envy in their eyes. Hindi ko naman sila masisisi.   "Hindi mo naman kailangang gawin yon."   "At least hindi ka na nila guguluhin."   "Hindi naman nila ako ginugulo. At saka kahit ngayon, pag-uusapan pa rin nila ako I'm sure. And by the way, alam mo bang hindi eto ang private elevator mo?"   "Pinakamalapit ‘to eh."   Natawa ako. "You know Aries, you’re so cute."   "And handsome." Dagdag nya   "Yes, handsome too."   "Hot."   "Hot."   "And-"   "And I love you." Dugtong ko sa sinasabi nya   Ngumiti siya. Hinapit niya ako palapit sa kaniya. Then he kissed me. I wrapped my arms around his neck then I lean closer to him. Narinig kong napaungol siya. The kiss went deeper. And deeper. And deeper.. And-   "Ay sorry po, sir!"   Sabay kaming namula ni Aries ng bumukas ang pinto at ngayon ay nakatingin na sa amin ang lima niyang empleyado. Ugh!   "It’s okay. Pumasok na kayo." Sabi ni Aries sa kanila   Pumasok na ang mga empleyado niya sa loob ng elevator. Tahimik lang kami. Pero nakikita kong napapatingin sila sa amin. Bumulong ako kay Aries.   "Ikaw kasi eh." Sisi ko sa kanya   "I can’t help it. I love your lips."   Kissable lips. Ang haba ng hair ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD