Chapter 12

1722 Words
CHAPTER 12 PAIGE'S POV   Natatawa ako habang napapatingin sa office ni Aries mula sa desk. Nakatayo siya malapit sa glass wall at nagfa-flying kiss sa akin. Iyan ang klase ng Aries kapag ako ang kasama. It'slike he'sa different person. Pero sa iba suplado iyan.   Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya ng hindi parin siya tumigil. Nakita kong kinuha niya ang phone niya na nasa bulsa niya. "Hi baby! Gusto mong kumain na? O kaya massage? Gusto mo ako na lang ang gagawa ng trabaho mo? Baka nahihirapan ka na."   "I'm fine, Aries. Ikaw magtrabaho ka na. Mamaya o bukas wala ka ng kompanya. At maaga pa para kumain. Ayoko din ng massage dahil manya-nyantsing ka lang."   "Inosente ang alok ko, baby."   "Hindi ako naniniwala."   Tumawa siya "Pakiss naman."   Humarap ako sa kaniya at nag-flying kiss. "Muaah!"   "Kung di lang talaga kita mahal..."   "Bakit? Anong gagawin mo ha, Aries Liam Wright?"   "Syempre mas mamahalin pa kita."   "Anong connect?"   "I love you, baby!"   Natawa na lang ako at napailing. Wala ng maisagot eh. Nag-I love you na lang. "I love you too." Binaba ko na ang phone.   Nang makita ko na bumalik na siya sa upuan niya ay nagmamadaling binuksan ko ang computer. I pressed some keys, enter the right command and then the password. Then voila! Nasa security system na ako ng The Camp. Kinonek ko yon sa VEIL - kung saan kadalasan nandoon ang mga kapatid ko or ang head ng security system namin na si Cloak. VEIL is a room at The Camp where you can find all the secuirity monitors and all the files that needed to be study.   Binuksan ko ang cam. At ganun din sa kanila. Sinuot ko ang maliit na ear piece at pagkatapos at may kinabit ako sa computer. May kinabit din ako sa blouse ko na maliit na mic para marinig nila ang sasabihin ko.   "Good Morning, Paige." Bati sa akin ni Kuya Craige   "Morning sis!" si Kuya Andreige naman   Tumingin lang sa cam si Cloak at pagkatapos ay nagpatuloy na sa ginagawa niya. Ganiyan yan eh. Hindi masyadong nagsasalita at kadalasan kaharap niya lang ang computer. Pero kapag nasa The Camp kami, pinipilit ko talaga siyang magsalita.   "Nasaan si Kuya Marvaige?" tanong ko sa kanila   "Nasa labas. Kasalukuyang kinukulit si Yale na ipagluto siya ng kung ano-ano para sa date nila ni Kate."   "Whatever. Anyway, Kuya, may lead na ba tayo kung sino ang gustong magpapatay kay Aries?"   "Wala pa. Kaya kailangan mo pa ring ipagpatuloy ang ginagawa mo. If, ginagawa mo nga." Sabi ni Kuya Craige   "Nagkabalikan na kami ni Aries."   Nakita kong nanlaki ang mata ni Kuya Andreige. Si Cloak naman ay saglit na napatigil ngunit pagkaraan ay nagpatuloy na siya ulit sa ginagawa.   "Woah!" sabi ni Kuya Andreige   "Good. Now, kailangan ay unti-unting alamin mo kung anong dahilan kung bakit may gustong pumatay sa kaniya." Utos ni Kuya Craige   "I know. Pero wala ba kayong nahanap na kahit ano?"   "Meron. This certain Janis Sandoval, ilang beses na siyang nagpapadala ng message kay Aries through texting. Chineck mo na ba yon?" si Kuya Craige ulit   "Nope."   "Check it out. Hinack namin ang phone niya. Not an easy thing to do I must say since mukhang pina-upgrade ni Aries, meaning, talagang may alam siya sa balak na patayin siya though he's not making any move. Janis was threatening him. Hindi ko maintindihan ang usapan nila."   "Titingnan ko mamaya."   "Okay-"   Napatingin ako sa elevator. "Bye na mga Kuya. Bye Cloak." Pamamaalam ko sa kanila   Ilang pagpindot lang sa mga keys ay nadisconnect na ang connection ko sa system namin. Pasimple na tinggal ko ang kinabit ko sa computer at ang nakalagay sa tenga ko. Kasalukuyan kasing may dalawang babae na palapit sa akin. Mga empleyado, I think. Humarap ako sa kanila pero hindi sila ngumiti.   "I'm the daughter of one of Aries’ business man."   "Ako din. My name is Fara and his- her- she is Grelyn."   Ano daw? His, her, she? Business man? Kaloka. Hindi pala empleyado ‘tong mga ‘to. Sa unang tingin kasi parang nakabusiness attire sila. Nilinlang lang pala ako ng paningin ko dahil ang nipis ng suot nila. Parang nasobrahan sa laba.   "And?"   "What and? Are you deaf or stupid? We see Aries now!" sagot ni Fara   "Yeah! We see him now!" segunda naman nung Grelyn.   "Ahh...okay? You see him now? And?"   Ang gulo. Nakita na daw nila eh. So anong problema? "Are you practically disabled?! We need him now! Now! Are you idiot?" inis na tanong sa akin nung Grelyn   "You not now english? You so lower you know! You the girl the employees telling me, you dare kiss our Aries later on the elevator! You ugly ugly…Voodoo doll!" sabi naman ni Fara   Saglit.Nosebleed na ako. Tinawag pa akong voodoo doll. Wala akong naintindihan sa pinagsasabi ng mga ito. "Sino ba kayo?"   "You really deaf you know! We telling you I'm Fara and her is Grelyn!"   "I can’t understand you, please magsalita kayo ng Tagalog."   "You really lower! You want me teaching you to spoke English?" tanong sa akin ni Grelyn.   Natutulirong tumayo ako at dumiretso sa office ni Aries ng hindi kumakatok. Naabutan ko si Aries doon na mukhang busy na sa ginagawa niya.   "Aries." tawag ko sa kanya   "Yes, baby?"   "Kausapin mo nga yung dalawang English Teacher sa labas."   "English teacher? Bakit daw?"   "Malay ko sa dalawang yon. Oras na malaman ko na babae mo ang dalawang yon hihiwalayan kita. Nakakadiri. Nadikitan ka ng germs ng mga yon."   "Baby naman eh. Wala akong naging girlfriend ng maghiwalay tayo. At wala akong nakadate na English Teacher."   Sasagot na sana ako. Ang kaso, biglang bumukas ang pinto. Pumasok iyong dalawang English Teacher. "Aries, sweetheart! I come now, nice to meet you. I really want to show you me last week but I'm such a busy schedule." Sabi ni Fara kay Aries   "Me too, I want to went here but I can’t, busy schedule along time." Sabi rin ni Grelyn   Nakita kong kumunot yung noo ni Aries. Umupo ako sa sofa at hinilot ko yung noo ko. Maya-maya lang ay lumapit na sa akin si Aries at yung kamay na niya ang pumalit sa noo ko.   "Headache?" tanong nya   "Yes-"   "Why you touching his head? Are you love her? Why you touch her?" nagtatakang tanong ni Fara kay Aries   "Is her your mistress?" tanong naman ni Grelyn   Nilingon ko si Aries. "Sino ba yang mga yan?"   "Anak ng business associate ko."   "Bakit ganiyan mag-english?"   "Hindi ko nga din alam eh."   Napatili ako nang biglang may humatak sa buhok ko. Sa nagulat ako eh. Sisipain ko na sana at susuntukin dahil never pa akong na ganito. Dahil kaya kong ibalibag kahit na sino kung gugustuhin ko. Mapalalake o mapababae man. Apat na kamay ang sumasabunot sakin. At may humatak pa sa damit ko.   "Aray!" daing ko   Nakahinga ako ng maluwag ng mawala ang mga sumasabunot sakin. Tumingin ako kay Aries na ngayon ay nakatayo na at hawak-hawak ang kamay nang dalawa.   "Its ouch Aries!" reklamo nung Fara   "Let free my hands!" rekalamo naman nung Grelyn   "Tahimik!" saway sa kanila ni Aries   Tumahimik nga sila. Base sa aking 'Aries Calculations' malapit na sa highest temper si Aries na kadalasan ay ako lang ang kayang tumapat. Dahil kapag ganiyan na si Aries, wala ng makakalapit sa kaniya. Kung doon sa kalmado pa lang siya iniilagan na siya ng karamihan, paano pagbad mood na, diba?   "Una magtagalog kayo. Bakit kayo nandito?" tanong ni Aries sa kanila   "Gusto ka naming makita." Sagot ni Fara   "Namiss ka namin saka para mamili ka na rin sa amin kung sinong gusto mo. Alam naman namin na hindi mo gusto yang voodoo doll mo na secretary."   Insecure.   "First, I told you before, wala akong pipilin. Second, Paige is not a voodoo doll. She looks sexy kahit na ganiyang gulo-gulo ang buhok niya at punit-punit ang damit."   "Panakip-butas mo lang siya." Sabi ni Fara   "Oo nga. Dahil broken hearted ka daw."   Tumayo na ako. I flip my hair at pagkatapo ay lumapit ako sa kanila. "FYI, hindi ako panakip-butas. I'm Paige Lawrence, ex-fiancee of Aries. At girlfriend na niya ulit ngayon. Understand? Now, kung hindi pa rin bibilangan ko na kayo ng tatlo at kapag nandito pa rin kayo, ihahagis ko kayo sa labas ng bintana para try-out kung ililigtas kayo ni Captain Barbel."   "How dare you teaching me what to do!" inis na sabi sa akin ni Fara   "Ah, stop! Nabibingi na ako sa English niyo. Pinapatawad ko na kayo sa pagsabunot sa akin. Pero kapag hindi talaga kayo umalis, tatama sa inyo ‘to bago ko kayo ihagis sa labas." Itinaas ko ang sapatos ko at iniharap ko sa kanila ang takong.   Akmang sasabunutan na naman nila ako pero humarang si Aries. "Dare touch Paige and I'll make sure na mawawalan ng kabuhayan ang mga pamilya niyo. Makakarating lahat ng ‘to sa parents ninyo. I can’t forgive you two for hurting Paige. Ulitin niyo pa ulit at bukas na bukas maghihirap kayo."   Nakita kong namutla ang dalawang babae. Nagmamadali silang lumabas. "Wew!" nasabi ko   Tinignan ko si Aries na mukhang bad mood pa rin na umupo sa swivel chair niya. Nakangiting lumapit ako sa kaniya at umupo sa kandungan niya.   "Bad mood ka?"   "Hindi ko nagustuhan ang ginawa nila."   "Ako din. At na nosebleed din ako sa English nila. At saka, tingnan mo naman ang ginawa nila sa damit ko."   Tumingin siya sa blouse ko na halos wala ng tinakpan dahil punit-punit na. "Hmm…I think I should thank them for that part. Pero syempre ayoko na sinaktan ka nila."   Tumawa ako "Manyak."   "May masakit ba sayo?"   "Wala naman."   Yumakap ako sa kaniya. Nakangiting nakatanaw ako sa labas ng glass wall. Napatayo ako ng may mapansin ako. Agad na itinulak ko si Aries sa sahig. Nagpagulong-gulong kami doon kasabay ng malakas na tunog na nagmula sa isang putok ng baril.     Shit. Napatingin ako sa glass wall. Hindi pumasok ang bala. Bullet proof.   "What the hell."   Tiningnan ko si Aries na sumeryoso na naman ang ekspresyon. Hinila niya ako at nagmamadaling inilabas ako. Huminga ako ng malalim. I need to act. Humikbi ako. “Aries…what's that?"   "You'll be okay. I'll keep you safe. I promise."   Wrong. I need to keep you safe, Aries.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD