CHAPTER 13
PAIGE'S POV
Nakatingin lang ako kay Aries na ngayon ay kausap ang dalawang securtiy team niya sa company na’to. Nakaakbay siya sa akin habang kausap niya ang isang lalaki na kanina ko pa hindi tinitingnan dahil kay Aries lang ako nakatingin. Tumungo na lang ako at tumingin sa sapatos nang dalawang lalakeng kausap ni Aries. Nakakahiya yung ayos ko. Suot ko lang ang coat ni Aries. Pero para akong na-r**e. Dahil sa dalawang English Teacher na yon. Familiar ang sapatos nung isa.
"Ang sabi niyo po, tinulak kayo pababa ni Miss Lawrence. Miss Lawrence, paano mo nalaman na may sniper?"
Napatingin ako sa lalake. At dahil nag-angat ako ng tingin ay napatingin ako sa katabi ng lalaking nagtanong.
Cloak? "Nice to see you again, Paige." Bati ni Cloak
Ano namang drama yon? Nagsalita ng hindi pinipilit? That’s so not Cloak. "Ah…hi. Anyway, sa tanong mo..." Tiningnan ko ang katabi niya. "Sa totoo lang, hindi pa ako sure noong una pero may naaninag kasi ako kaya para sigurado tinulak ko na si Aries."
Tumango-tango ang lalaki. Si Cloak naman ay nanginginig ang mga labi. Tapos, biglang ngumiti. Pinakain ba ng lason ‘to ni Yale? Anong nangyari sa taong ‘to? Alam kong gwapo si Cloak. Lalo na kapag ngumiti, na ngayon ko lang nakita. Pero talagang kakaiba ang kinikilos nya. "Nice seeing you again, Paige." Ulit ni Cloak
Redundant lang? "Ahhh...yes, nice seeing you too."
"Magkakilala kayo?" tanong ni Aries
Tiningnan ko si Aries. Bahagya akong napangiti ng parang gumagana na naman ang 'Jealous Meter' niya. "Yes. We-" sagot ko
"Boyfriend nya ako dati. Ang kaso, naghiwalay din kami dahil gusto daw niya rocker type naman." Sagot naman ni Cloak
Halos lumuwa na ang mga mata ko sa panlalaki ng tiningnan ko si Cloak. Nagbago lang ang isip ko na bugbugin siya ng nakita kong napipilitan lang siya na magsalita. Halatang hindi siya komfortable. At ako din, hindi na-comfortable dahil masama na ang pagkakatingin ni Aries sa akin. "And what type are you?" usisa ni Aries
"I'm the...ano…silent type of guy" sagot ni Cloak
Tumango-tango si Aries. Nakahinga ako ng maluwag ng tinawag siya ng isang empleyado. Nakasimangot na hinila ko si Cloak hanggang makarating kami sa likod ng isang van. "What the hell Cloak!”
"I'm tired."
"Of what?"
"Of talking. Pinilit lang ako ni Craige."
"Sumunod ka naman. bakit ka sumunod?! Alam mo ng sira-ulo yon."
"He's your brother. So I bet, kilala mo na siya kaya wag mo na akong tanungin."
Babatukan ko na sana siya pero nahawakan niya ang kamay ko. Napasandal ako sa van ng bigla siyang dumukwang sa akin. "Ano na naman?!"
"Part of your brother's drama."
Napatili ako ng biglang bumalandra si Cloak sa sahig. Paglingon ko ay nakita ko si Aries na pulang pula at matalim ang pagkakatingin kay Cloak na ngayon ay hawak-hawak ang nasaktan niyang panga. Napabuntong-hininga ako. I guess Aries reach the highest level of his 'Jealous Meter'. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at ibinigay kay Cloak.
"Umayos ka nga diyan, para kang timang. Umuwi ka na at lagyan mo iyan ng yelo bago pa mamaga yan at mapingasan ang kagwapuhan mo. Anyway, sabihin mo kay Kuya, ako ang sasapak sa kaniya oras na makita ko siya. Kaya kung ako sa kaniya wag kamo siyang magpapakita sa akin."
"Isulat mo na lang masyadong mahaba."
Naiinis na kumuha ako ng maliit na papel sa bulsa ko at nagsulat. Inabot ko iyon kay Cloak. Inabot ko din ang kamay ko na inabot naman niya at tinulungan ko siyang tumayo. Syempre napadikit siya sa akin.
"LAYO!" May humila sa akin palayo kay Cloak.
Si Aries of course. Nakaharang siya sa harapan ko at masama ang pagkakatingin sa mukhang bored na bored na si Cloak. Muntik na akong matawa ng biglang tumalikod si Cloak at naglakad paalis.
"Abat!-"
"Tama na." awat ko kay Aries
Lumingon siya sa akin at ako naman ang binigyan ng matalim na tingin.
"What?"
"Paige, damn it! That's your ex at halos halikan ka na niya kanina!"
"It's not like that. Hindi niya ako hahalikan. That's called irritating me to death."
"Paige!"
"What?"
"I really don’t care about your relationships. Kahit anong relationships pa yan. Kahit na…kahit na..."
"What? Even my exes and me f****d?"
"Paige!"
Tumawa ako. "Ano ba? Masyado kang conservative diyan. Para yun lang eh. So ano na?"
"That…kahit na ganon, I really don’t care. Ayoko lang na makita ka na kasama nila."
Nakangiting lumapit ako sa kaniya at yumakap. Naramdaman ko na pumalibot ang mga braso niya sa akin. This guy must really love me. He's willing to accept me kahit ano pa ang nakaraan ko. "Sinabi ko na sayo to dati. Me and my exes don’t have any s****l relationship Aries. Besides you, I never made love to my other ex. Or fuc-"
"Paige!"
"Ang cute cute mo talaga. Kaya love kita eh."
"I love you too."
"Karga mo ako." Lambing ko sa kanya
Nagkibit-balikat lang si Aries at kinarga ako. Since nakita na naman kami ng mga empleyado, bahala na sila sa buhay nila. Basta sweet kami ni Aries. Saka para kung nasa tabi-tabi na ang mga gustong pumatay kay Aries sa akin muna malipat ang atensyon nila. Para matapos na kaagad.
Pinagtinginan kami ng mga tao ng pumasok kami. Hanggang makarating kami sa private elevator ay hindi nila kami nilubayan ng tingin. Nang makaakyat kami sa floor ng office ni Aries ay pumasok kami sa office niya. Binaba niya ako sa sofa at umupo sa tabi ko. Sumiksik ako sa kaniya.
"Sa totoo lang nagulat ako sa kilos mo kanina ng biglang may bumaril sa atin. You’re so fast." Sabi sa akin ni Aries
"Ha? Adrenaline rush lang iyon."
"I know. I love you."
"I love you too."
"Paige..."
"Hmm?"
"What if may babaril sa akin, itutulak mo ba ako ulit para mailigtas ako?"
Tumingin ako sa kaniya. Then I smiled. "Yes. I'll even catch the bullet for you if that's the only way to save you."
Napangiti ako ng marahan na hinaplos niAaries ang pisngi ko. Then he kiss it. Then the other one. Then my forehead. My eyes. My nose. And finally, my lips. "You should know Paige that that's the same thing that I'm willing to do for you. If my life is the only thing that's left for me to give, I will gladly sacrifice it for you."
"Hmm…pero ayoko ng ganon. Gusto ko, mabuhay ka. Gusto ko kahit anong mangyari, kahit pareho tayong masaktan gusto ko mabuhay ka para sa ating dalawa." Because if you don’t live, ano pang saysay ng dalawang taon akong namatay para sayo?
"Parang mawawala ka naman niyan."
"Malay mo."
"No. I won’t let you leave me again."
Ngumiti lang ako at yumakap sa kaniya. Maya-maya ay nagpaalam siya at nagpunta sa comfort room. I just curled on the sofa. Nahagip ng paningin ko ang phone ni Aries na naiwan niya. Dali-daling kinuha ko iyon. Walang password. Pero tama sila Kuya. Upgraded ang cellphone ni Aries. Tiningnan ko ang messages at nabasa ko ang mga message ng babae. Para ngang tine-threaten niya si Aries. Pero nawala ang hinala ko na siya yung nagpapatay ng mabasa ko ang last message.
FR: JANIS SANDOVAL
I'll kill anyone na mapapalapit sayo kung hindi mo ako pakakasalan! I WANT YOU!
Astig! Parang candy lang ang hinihingi. "Sa lahat ng ayoko ay iyong pinakekeelaman ang pribado kong gamit."
Nilingon ko si Aries. Busted! But... Tinaasan ko siya ng kilay. "May angal?"
"Syempre wala. Since you’re my baby, lahat ng akin iyo."
"No secrets?"
"Ha? Y-yeah."
He's lying. Lumapit ako sa kaniya dahilan para mapaupo siya sa office table. Pinatong ko ang mga braso ko sa balikat niya. "Talaga?"
"Yup."
Yumakap ako sa kaniya. Napakunot ang noo ko ng may nasilip ako sa drawer na nakabukas. Or rather, naiwang nakabukas. A phone. I saw a phone. Napatingin ako kay Aries. Nakatingin rin siya sakin. I smiled at him but deep inside, I'm thinking about that phone. ‘cause I need that. I have a feeling na lahat ng tanong ko nandoon na. Kailangan kong makuha yon. Soon… Soon makukuha ko yon.