CHAPTER 14
PAIGE'S POV
Tahimik akong nakatingin sa lalaki sa harap ko. Bumaba lang kasi ako ng office para bumili ng ice cream. Ang kaso, may humarang sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi naman nagsasalita.
"Bago ako mapanisan ng laway, ako na lang ang magsasalita. Dear Mr Silent Type of Guy, I'm Paige Lawrence, standing in front of you asking you kung bakit nandito ka na naman? Sino na naman ang sumugo sayo dito sa office na’to at nandito ka na naman?”
Parang feeling ko maririnig ko ang mga nag-uusap sa 5th floor sa sobrang tahimik. Dahil si Mr. Silent Type of Guy ay hindi pa rin umiimik. Busy siya sa kakakutinting ng dahon ng halaman na nasa gilid namin.
"Dear Mr Silent Type of Guy, here I am again since hindi mo sinagot ang tanong ko. Bakit ka nga nandito? Ano na naman ang trip mo? Kapag hindi ka pa nagsalita ibabalibag na kita. On the count of 3. 1....2...3."
Ala epek. Ganon pa din. "Dear-"
"Hi Paige."
Kaloka. Late receiver yata ‘tong si Cloak. Parang cellphone lang. Kanina ko pa kinakausap tapos hindi ako pinapansin tapos ngayon lang sasagot."Psh! Kanina pa kaya ako nagsasalita dito."
"Napagod ako sa pakikipagtalo sa Kuya mo."
"So sinugo ka nga niya rito?" Tumango lang siya. "Bakit?"
"Malay ko doon. Trip niyang asarin kayo ni Aries."
"Bakit nga?"
"Saglit. Tinatamad ako."
"Cloak! Bakit nga?"
Nagkibit-balikat lang siya. Tamad talagang mag-explain. Nanlaki na lang ang mga mata ko ng bigla niya akong hinila at dinala sa isang coffee shop. Pagkatapos ay nag-order siya. Napapailing na lang ako ng natulala na lang sa kaniya iyong babae.
"Got that?"
"Y-yes, sir."
Tapos umupo na kami sa isang pwesto na nakita niya. "Anong meron?"
"Utos ng Kuya mo."
"Ha?"
"Sabi niya inisin ko daw si Aries ngayon."
"Wala naman si Aries. Nasa taas siya-"
"PAIGE!"
Naninising nilingon ko si Cloak na nagkibit-balikat lang pagkatapos ay patakbong lumapit ako kay Aries na mukhang nasa highest na naman ang level ng 'Jealous Meter' niya.
"Bakit kasama mo-"
Hinila ko na lang siya palabas bago niya pa suntukin na naman si Cloak na wala namang kasalanan dahil kasalanan yon ng pakielamero kong Kuya. Tumigil lang ako ng nasa tapat na kami ng kompanya niya.
"Relax Aries."
"Akala ko bibili ka lang ng ice cream? Bakit kasama mo ang lalaking yon? Nakikipagbalikan na ba siya sayo? Liligawan ka ba daw niya ulit?"
"Nope."
"Eh bakit mo siya kasama?!"
Natawa ako. "Ano bang nangyayari sayo Aries?"
Napangiti ako lalo ng hinapit niya ako palapit sa kaniya. Pinagtitinginan na kami. "Paige, incase you didn’t notice, I’m jealous!"
"I know."
"Paige!"
Natatawang yumakap ako kay Aries na mukhang may imaginary na usok na sa tenga at ilong niya. Pulang-pula na rin siya pero para sa akin lalo lang siyang gumwapo.
"Seloso mo talaga ‘no? Anyway, hindi ko din alam kung bakit nandito si Cloak since siya nga si Mr. Silent Type of Guy kaya ang bagal bagal niyang sumagot.”
"Paige!"
"I'm not joking. Ang bagal niya talagang sumagot."
Natatawang hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko na siya papasok. Sumakay na kami ng elevator. I'm sure may ginagawa ‘to kanina. "Paano mo nga pala nalaman na kasama ko si Cloak? Bigla ka na lang sumulpot eh."
"May nagtext sa akin. Kasama mo daw ang ex mo."
Napasimangot ako. Siguradong si kuya yon. Lumabas na kami nang bumukas ang elevator. Sumunod ako sa kaniya hanggang makarating kami sa loob ng office niya. Binigay ko sa kaniya ang ice cream na luckily ay hindi pa tunaw. Sinimulan ko ng kainin ang sa akin. Tinititigan ko pa iyong ice cream na uso daw ngayon. Magnum Ice Cream na ang mahal-mahal. Pero infairness, masarap naman. Saka kay Aries naman ang pangbili.
Napatingin ako bigla kay Aries ng maramdaman ko na nakatingin siya sa akin. Or rather, titig na titig. "What?" takang tanong ko sa kanya
Bigla na lang akong hinalikan. Nang maghiwalay kami ay nagtatakang tiningnan ko siya. "Your lips tastes better."
"Nambobola ka na naman.”
"Hindi ah."
Nakangiting gumapang ako palapit sa kaniya. Umupo ako sa lap niya. "Ako nga din, pa-try." Sabi ko sa kanya
Bahagya akong napangiti ng siya naman ang namula. Nang pinutol ko na ang halik ay tiningnan ko siya. Super blush.
Nawala ang ngiti ko ng may kung anong nag flash sa mga mata kong nakacontacts. Kumurap-kurap ako para mawala. "Ahhh…Aries, aalis muna ako. May emergency lang sa bahay."
"Ha? May nag text ba-"
"Oo. Ba-bye!" paalam ko
Tumakbo na ako palabas. Kinuha ko ang bag ko at hindi ko na hinintay ang elevator. Nagmamadali na pumunta ako sa fire exit at tumakbo pababa. Wala na akong pakialam kahit nasa mataas na floor kami.
Kanina... Kaya ako kumurap, kasi may ipinadala sa akin ang VEIL. Kasalukuyang may paakyat na naman sa katapat na building na pinaghihinalaan na sniper na syang bumaril sa amin noon. And the message, nakita ko yon sa contact lense na suot ko. Lahat kami meron nito and comfortable siyang isuot at kahit na hindi tanggalin dahil ilang beses na tong na-upgrade sa lab ng the camp.
Humihingal na ako ng makarating ako sa baba. Nakaheels pa man din ako. Pero I'm on mission mode ngayon kaya wala akong pakialam. Tuloy-tuloy ako sa tapat na building. May namataan ako na babae na kasabay ko lang. I reach out for her bag na nakabukas. Kinuha ko ang ID na natanaw ko. Snuot ko yon at nilagpasan ko na ang babae. Pinapasok ako nung guard ng makita ang ID ko.
"ID, ma'am?" tanong nang guard doon sa babae
Hindi ko na sila pinansin noong babae na ngayon ay hindi na makapasok dahil wala siyang ID. Nang makaikot na ako ay tahimik na binaba ko ang ID sa sofa na nakita ko doon. Nagmamadaling pumasok ako sa fire exit. Since hindi ako pwede sa elevator dahil tiyak na maririnig iyon ng sniper kapag yon ang ginamit ko paakyat sa taas. Kaya kahit na nakakapagod binilisan ko ang takbo ko.
Kinuha ko ang baril ko na na nasa secret compartment ng maliit ko na bag. Maliit din naman iyong baril. Sumilip ako sa loob. s**t! Sniper nga. Huminga ako ng malalim at pumasok ako sa loob.
"You just don’t give up."
Napatingin siya sa akin. Lalaki. "Sino ka?"
"Ako dapat ang nagtatanong niyan." Sagot ko sa tanong nya
"Sino ka?!" Tinutok niya sa akin ang baril.
I just acted bored. "Whatever. Want to know me? Well, I'm someone that you shouldn't messed up with."
Tinutok ko sa kaniya ang baril at walang pag-aalinlangan na pinaputukan siya. Since I caught him off guard, tinamaan ko siya. Dumapa ako ng nagpaputok siya pabalik. Nakayukong tumakbo ako papunta sa kaniya at sinipa ko siya. Then I grab his hands and swatted his hand, the gun flying out of his reach.
"Ibigay mo sa akin yan!"
"Ano ako tanga?" sagot ko
Pinalo ko sa kaniya ang baril. Pero hindi nakatulog. Kaasar! Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang unang naclick ko.
"......."
Walang nagsasalita. Tiningnan ko ang phone. Anak ng tokwa! Si Cloak pa ang natawagan ko. "Listen, may ipapakuha ako sayo dito sa tapat ng office ni Aries. The sniper."
Sinuntok ko ang lalaki. Gumanti siya na naiwasan ko naman. Naiinis na sinipa ko siya sa tuhod dahilan para bumagsak siya.
"......."
"Damn it! Basta pumunta ka dito."
"K." Binabaan na ako ng phone.
Sa inis ko, pinalo ko doon sa sniper ang phone ko. "Ikaw! Hindi ka pa ba babagsak?" tanong ko sa kanya
"Hindi mo ako mapapatumba!"
Bumwelta ako. Magkakasunod na malalakas na suntok ang pinakawalan ko na lahat tumama sa kaniya. Kasunod non ay mga sipa. Mukhang nawindang naman siya kaya hindi siya nakahuma. Nang mukhang hindi pa rin siya makakatulog ay hinawakan ko na siya sa kwelyo. At inumpog sa pinakamalapit na pader.
At last! Tulog. Pinulot ko ang cellphone ko at tinawagan ulit si Cloak. "......."
"Cloak, tulungan mo akong ibaba ‘to-"
Napatingin ako sa phone ng binabaan ako ni Cloak. "It means 'okay' Paige. Relax, wag kang mag isip ng kahit na anong method na magandang gawin para mapatay siya. Kalma."