Chapter 24

1654 Words
CHAPTER 24 PAIGE'S POV   Tahimik lang ako habang papunta kami sa Manila ni Aries. Pero deep inside, sobra akong kinakabahan. Parang ayokong bumalik sa Manila. I just want to keep Aries safe and away from any trouble. But I know it's impossible. First, dahil kaibigan ni Aries si Harvey. Pangalawa, kahit pilitin naming wag pansinin alam namin na lahat ng ‘to, may kinalaman ito sa gustong pumatay kay Aries.   I look at Aries again. He looks very serious. But because I know him more than anyone, alam kong sobra siyang nalulungkot. Harvey is the brother he never have. And besides all that, hindi ko maiwasang hindi maalala si Fierce. I wonder how she gonna cope. Sobrang sakit sigurado ang lahat ng ‘to para sa kaniya. Nakita ko dati kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Kung sakaling sa amin ni Aries nangyari ‘to, I'll surely die. I would never be the same again.   Napatingin ako sa labas ng pumara kami sa isang hospital. Malamang nandoon ang bangkay ni Harvey. Walang imik na lumabas kami at pumasok sa loob ng hospital. Nagtanong si Aries dun sa nurse na nakita namin kung saan namin makikita sila Harvey.   "Aries..."   "Yes, baby?"   "Wala ba si H-harvey sa morgue?"   "No. Hindi pa siya inaalis sa hospital room niya."   Pagkatapos kasi ng pagbaril at pagsaksak kay Harvey na dala pa siya sa hospital. Kinokontak na daw si Aries ng mga kaibigan niya pero hindi niya nasagot. Nang matanggap na ni Aries ang tawag. That time, Harvey already passed away.   Si Fierce ang una naming nakita ng makarating kami kung saan nandoon si Harvey. Nang makita niya kami kaagad siyang lumapit sa amin.   "Fierce, we're really sorry na ngayon lang kami nakarat-" sabi ni Aries   "Alam mo ba kung nasaan ang The Camp? Harvey told me before na kinuha niya ang serbisyo non para bantayan ka. Alam mo ba kung nasaan yon? I need their help. I need to find justice for Harvey. Please tell me. Please" pagmamakaawa ni Fierce   Napahagulhol siya. Tinapik ko siya sa balikat at hinila ko siya sa isang tabi. "Listen very well, Fie, I'll do it. I'll be your agent for free since I have a big hunch na magkadugtong ang nangyari kay Harvey sa nangyayari kay Aries. Now, all you have to do is stay quiet. Stay away from anything about Harvey. Don’t look for information. And forget that we ever talk about this. No question." Sabi ko sa kanya   Nanlaki yung mga mata niya. Pagkatapos ay tumango. Ilang sandali kaming nag-stay ni Aries doon. Nakita pa namin na inilabas si Harvey. Marami na akong nakita na patay sa buhay ko. Because of my job. Pero iba din pala yung kakilala mo at naging malapit na rin kahit paano sayo. It's painful to see. Tiningnan ko si Fierce. She looks really serious. And she looks like she's deciding on something. Iba na ang expression niya ngayon. She became cold.   Maya-maya lumapit siya sa amin. "Paige, about what you said-"   "No question, Fierce, please."   "No. I'm not here to ask you something. May gusto akong sabihin. You don’t need to do anything about...about...H-Harvey. Pero I need to ask something. A favor."   "What is it?"   "Tell me, how can I become an agent for your agency?"   Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Aries habang nanlalaki ang mga mata. Tiningnan ko ulit si Fierce. Mukhang seryoso siya. And in her situation right now, I don’t think nagbibiro siya.   "Fierce...it's not that easy-" sagot ko sa kanya   "I'm not expecting it to be easy."   I like her determination. Pero hindi ko alam kung kakayanin niya. Hindi madali maging agent. Lalo na ang mga training non para sa baguhan. Everyday will be like hell. But if this is the only way to help her, then I will.   Kinuha ko ang phone ko at nagdial ng number. Hindi ko alam kung bakit siya ang nauna kong naisip pero siya ang gusto kong magtrain kay Fierce.   "............."   "Cloak." Sabi ko   ".........."   "I want you to tell kuya na may gusto akong ipa-train sayo. A new agent. You will train her. You. Okay? Thanks Cloak. Ililibre na lang kita ng ice cream kapag nakita kita. Find the person name Fierce."   Bago pa siya makasagot pinatayan ko na siya ng phone. Binalik ko zng phone sa bulsa ko at kumuha ako ng ng ballpen at papel sa bag ko at isinulat doon ang address then a note from me and my name below. Pagkatapos non inabot ko ‘yon kay Fierce.   "Nice to meet you agent, you're already hired. Though, you need to go on training. At kahit gaano pa kasuplado ang trainer mo, wag kang magrereklamo. You need to pass every training." Paalala ko sa kanya. Tumango siya.   Naglakad na kami palabas ni Aries ng hospital. Pagkatapos ay pumunta kami sa kotse niya at agad niya na yong pinaandar paalis. "You really sure about what you did?" tanong sa akin ni Aries   "Yes. I want to help her. And for Harvey too. Hindi tama ang nangyari sa kaniya."   Hindi nakaimik si Aries. Mukhang naisip na naman niya ang natatanggap niya na mga death threat. At ang possible connection non sa pagkamatay ni Harvey. "It's not your fault Aries. Kailangan nating mahanap ang may gawa ng lahat ng ‘to. Are you really sure na nasa Eighton ‘yon?"   "Yes. Malakas ang hinala ko na may kinalaman sa Eighton."   "That doesn’t answer the question. My question is kung nasa Eighton ‘yon. Ang sabi mo, may kinalaman. So..."   "Maaring hindi basta basta member ng Eighton. Pwedeng may kaugnayan lang sa member ng Eighton."   Tama siya. Pwede nga yon. Kailangan ko ng magsimulang isa-isahin lahat ng member ng Eighton at ang mga kamag-anak nila. And that would be a really big job. And hard.   "f**k!" bulalas ko   Napahawak ako sa kinauupuan ko ng bigla kaming mag-sway nang may bumangga sa amin. Nakarinig din ako ng mga putok ng baril."Is this bullet proof?" tanong ko kay Aries   "Yes."   Binilisan niya pa ang pagpapatakbo. Pero wala ding epekto iyon. Masusundan at masusundan kami. At malamang sa hindi, ma-corner kami sa ginagawa namin. Kailangan namin silang mapahinto. That's the only way. It would be stupid na iligaw sila. Lalo na kung masuot kami sa lugar na pwede kaming kornerin.   "What are you doing?" takang tanong sa akin ni Aries   Pinigilan niya yung kamay ko ng bubuksan ko ang bintana. Sabagay, mahirap don. Limited space. "Aries, love mo ‘ko diba? So konti lang sisingilin mo sa akin sa damage ha?" lambing ko sa kanya   At dahil upgraded ang gun ko, kaya hindi pansin noon ang bullet proof na kotse ni Aries. Binaril ko ang salamin sa harap namin habang tinakpan ko ang mata ko.   "Paige!" sigaw ni Aries   "Quiet! Ayoko ng maingay."   Binuksan ko ang dashboard. At pagkatapos ay kinuha koaung baril ko sa bag ko. Lumabas ako sa bintana at tumayo. Though nakaapak pa rin yung paa ko sa binuksan kong storage sa dashboard para hindi ako bumagsak. Buti na lang nag-g-gymnastic ako noong college ako.   Nagsimula na akong magpaputok sa mga sumusunod sa amin. Well, it's bullet proof too.Pero ang tanga lang. Nakalusot sila sa bintana katulad ng balak ko kanina. Dahil maliit ako, okay yung idea non. Eh sila ang laking mga tao. Kapag pinaputukan ko sila, like that man, o, see? Syempre hindi nakailag. Dahil masikip sa bintanang pinagkasya niya ang kalahati nyang katawan. Mahihirapan siya ngayong umiwas. At isa pa, bullet proof man ang kotse, pero ang gulong hindi. So, yon ang pinuntirya ko. Napasinghap ako.   "Paige?" tanong ni Aries   "What?"   "Are you okay?"   "Of course."   Nagsimula na naman akong magpaputok. Nag-sway ang kotse na sumusunod sa amin dahil natamaan ko na ang gulong ng kotse nila.   "Aries, dumiretso ka sa The Camp." Sabi ko sa kaniya   "Masusundan nila tayo."   "No. Hindi na sila makakasunod."   "Pero-"   "Believe me. Hindi na sila makakasunod. Pero I want you to slow down."   "What?"   Sinilip ko na lang siya at binigyan ng seryosong tingin. And I know naiintindihan niya na ang ibig kong sabihin na I'm really serious. He need to slow down.   At the moment he slow down at yung nasa likod namin umabante, hinila ko pataas ang katawan ko at tumakbo ako sa bubong ng kotse ni Aries papunta sa kotse sa likod namin. Hinila ko ang nasa bintana na lalaki at sinuntok ko.   "Damn you!" sigaw ko sa lalaki   Hinila ko siya at inihulog at pagkatapos ako ang pumasok sa loob ng kotse. Itinutok ko ang baril sa namumutlang driver. One-on-one na lang.   "Hi there."   "M-maawa ka."   "May pamilya ka?"   "Meron. May asawa ako at dalawang anak. M-maawa ka."   "Okay, I won’t kill you. Pero sa susunod na makita kita na hinahabol kami ulit papatayin na kita. Now, sino ang nag-utos sayo na gawin ‘to?"   "H-hndi ko ho alam. Hindi namin kilala yung nag-utos. Pinapadala lang sa amin ang pera."   "Okay. I want you to turn left kapag nakaakyat ako sa kabilang kotse. Do unnecessary move at sorry ka na lang dahil hindi ka na maaarawan bukas." Banta ko sa kanya   Lumabas na ulit ako ng bintana. Tumupad naman sa usapan ang lalaki. Nang makaakyat ako, he turned left. Good.   Pumasok na ako sa loob ng kotse ni Aries kung saan naabutan ko siyang namumutla. "Anong nangyari sayo? Nasaktan ka ba?" tanong ko sa kanya   "No."   "What happened?"   "Are you really asking me that?! Pumunta ka doon ng walang kasiguruduhan. And I swear! Kanina ng tinanong kita kung okay ka lang, you lied to me."   Napangiwi ako. Guilty as charge. "Sorry na. Drive ka na sa The Camp, dali."   "Why?"   "May tama ako."   "PAIGE!"   "I love you, Aries." Tapos tumawa ako.   Malayo ‘to sa bituka. Nag-enjoy naman ako. Ang tagal ko ding na bored ‘no. At least, hindi pa kinakalawang ang skills ko, bow.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD